"Zeke!!!"
Agad akong tumakbo papunta sa kanya sa sahig, nakasandal siya bubong habang ito'y nag-aagaw buhay at narinig ko pang nagmura si Dray. Alangan namang pababayaan ko yung boss ko, sino nalang magbibigay sakin ng 100 thousand? Joke, nag-aalala naman talaga ako sa kanya. Mukhang may seizure siya, napakaputla niya, at maitim-itim ang ibaba ng kanyang mata.
"Anong nangyayari sayo?" nagpapanic kong tanong sa kanya. It's obvious that he can barely say a word. halos hindi narin nakabuka ang kanyang mata.
"What the hell is happening to him? Tatawag ako ng doktor!"
"J-Just... give me...a shot...Right here..." sabi niya at tinuro ang gilid ng kanyang tyan. Nahihirapan na siyang huminga at lalo tuloy akong nagpanic.
"Nasa..ref y-yung injection...I-Inside a red container..." Agad ko naman hinanap yung sinasabi niyang ref at may nakita akong maliit na ref katabi ng kanyang kama. Mabilis kong binuksan iyon at hinanap ang red container. Punong-puno ito ng mga gamot at mga vaccines na hindi pa nagagamit. Nang makita ko yung pulang bagay, kinuha ko agad yun at binuksan. Isang injection at isang maliit na bottle ng kung anuman iyon.
Binalikan ko na agad siya. Narinig ko pang nakikipag-usap si Dray sa phone niya. Mukhang nagpapanic narin. Marunong naman pala siyang mag-alala kay Zeke, psh.
"Is this the one?"
"Y-Yeah... Siguro alam mo naman k-kung paano gamitin yan diba? Cum laude k-ka eh..Hahaha," nakuha pa niyang tumawa kahit samang-sama na ang kanyang lagay. Agad ko namang binuksan yung takip ng injection at tinusok dun sa bottle. Nang magkalaman na yung injection, tila nanigas ako sa haba ng karayum na nakikita ko.
"Hang on," sabi ko sa kanya at bahagyang inexpose ang kanyang tyan.
"What the fuck are you doing?!" narinig kong sigaw ni Dray. Nakatingin siya sakin, "C'mon Dray! This isn't the time for you to be jealous!" inis na inis kong sagot sa kanya at muling ibinaling ang pansin kay Zeke.
"Please.... do it now..." mahinang sambit ni Zeke. Nilakasan ko ang aking sarili at ininject sa kanya ang mahabang karayum. Ouch! Parang ako yata ang nasaktan. Napahawak nalang ako sa dibdib ko nang huminahon na ang kanyang paghinga at nakita ko siyang ngumiti.
"Thanks...An-An."
Napatigil ako dahil sa kanyang sinabi. An-An? Isa lang naman ang tumatawag sakin ng ganon. Yung kababata ko. Nasaan na kaya siya ngayon.
"Okay! Enough. Babe, umalis ka na sa harap niya. Now that he's fine, let's go back. I guess hindi narin niya kelangan idala sa ospital," istriktong sabi ni Dray at pinatayo ako. Umayos naman ng upo si Zeke sa sahig at isinandal ang kanyang siko sa tuhod niya.
"Oh, muntik ko nang makalimutan," I said and scratched my head. Andun pa pala sila sa mansyon. Ayoko pa sanang iwan si Zeke na ganito eh. Kawawa naman siya. Wala siyang kasama sa bahay and he doesn't look that well yet.
"We need to go, Fontanilla," seryosong sabi ni Dray kay Zeke at tumango lang ito. Hinila na ako palabas ni Dray. Hay, sana okay na siya. Mabait pa naman siyang tao tapos may sakit pala ito. I kind of pity him...Walang nag-aalaga sa kanya knowing that he is ill. Nasan nga ba kase yung pamilya niya?
--
Natapos ang araw at pagod kaming lahat sa kakalaro at kakatawa at kung anu-ano nalang. Nanuod kami ng Civil War at Paper Towns sa mini cinema dito sa mansyon pagkatapos ay nagkwentuhan kami sa labas tsaka naligo saglit ng pool. Umuwi narin sila dahil may work pa bukas. Sobrang saya ko dahil nakapagbond narin kami after a long time pero hindi ko talaga maiwasang isipin kung kamusta na si Zeke. Bakit kaya siya nagseseizure? Ano kaya ang sakit niya?
BINABASA MO ANG
We Got Married Again[WGMBA Season 2][ON-HOLD!!]
RomanceSa lahat ng mga pinagdaanan nila Didi at Dray, pinagsama parin sila ng tadhana. Sa paglipas ng mga panahon, may mga darating na mga bagong pagsubok na magpapatunay ng kanilang pagmamahalan. May aalis at may bagong darating. May magbabago at may mana...