19- Unwell

880 16 3
                                    

Isang linggo rin ang lumipas at naging normal na ang atmosphere ng Fontoco. Ang emplayadong nawawala ay hindi parin nakikita hanggang ngayon at pina-iimbestigahan pa raw ito. Naging succesful din yung meeting with the board at magkakaroon daw ng product launching sa weekend. At dahil proud sa akin yung gwapo at hot kong fiancè, andito kami ngayon sa malawak na garden ng mansyon. Nakaupo kami sa isang blanket at ginagawa kong unan yung lap niya. Since it's Sunday, wala kaming trabaho so we have the whole day to bond. Tinawagan narin namin yung mga kaibigan namin para samahan kami sa maliit naming salo-salo. Tapos movie mara daw yay hehe.

"Hindi makakapunta si Luke, hindi ko siya macontact. Anyare kaya sa lokong yun." Nagtatakang sabi ni Dray.

"Hay, napaka-outdated mo talaga. Matuto ka naman makichismis paminsan-minsan," umiling-iling ako at sinamaan lang niya ako ng tingin.

"You know I don't have much time to make chismis. Pero I have a lot of time to make..." lumapit siya sakin at ngumiti nang nakakaloko, "....babies."

Sabi ko na nga ba eh! Imposibleng hindi hahaluan ni Dray ng kalibugan ang mga plano niya. Papalag pa ba ako? Syempre, oo! Andito kami sa labas tapos may mga gardener dito na nagwawater sa plants tapos may guard dun sa di kalayuan. Those things should be kept discrete and sacred.

"Umayos ka, GD. Kung gusto mo, dun ka sa mga halaman makipag-ano," sita ko sa kanya.

"Laswa naman pakinggan niyan, babe. Bakit ko pa gagalawin yang halaman kung kasing ganda naman ng mga bulaklak ang nasa harap ko ngayon."

O_O

>\\\\<

"Aish, nambola ka pa," hinampas ko nang mahina yung paa niya at napangiti lang ito. Kahit ngiti lang yun, nakakasabog obarya. Nilalaro niya yung buhok ko tapos binebraid pa niya ito. Nakakarelax lang ng ganito. Walang inaalala, good vibes lang.

"Let's plan our wedding," sabi ko kay Dray.

"I'd love to pero napakabusy ko pa talaga sa work eh. Kahit anong gawin ko para mapaiksi yung schedule ko, may bago na namang dadating."

"Ah, I understand..." Medyo nalungkot naman ako dahil mas inuuna pa niya yung work niya. Psh. Parang mas importante yung trabaho niya kesa sakin. Pwede naman naming planuhin yung wedding on Sundays eh. O di kaya kapag may vacant kami.

"Wag kang magtampo! I'll do my best to settle everything para makapagfile ako ng leave for a week," panunuyo niya at inayos yung hibla ng buhok na nakaharang sa noo ko.

"Babe... malaki pala noo mo no?"

-__-<<

"Ouch naman! Yung abs ko!" Napahawak siya sa tiyan niya dahil kinurot ko siya at bumangon ako mula sa kahihiga ko sa lap niya at umupo. "Arte mo naman, babe! Ouch talaga? Di pwede aray lang? Tsaka wala naman akong naramdamang abs ah!" Pang-aasar ko sa kanya. Bigla niya akong tiningnan ng matalim, "Bakit, may abs ba yung Zeke na yun? Tch."

"Hindi ko alam. Bakit mo ba sinasali si Zeke sa usapan?"

"Wala. Ayoko lang talaga sa lalaking yun. Sabi mo kase magkamukha kami. Baka magkagusto ka pa dun!"

"Magkamukha nga kayo pero sayo lang tumitibok ang puso ko."

"Ang korni, babe." Sinamaan ko siya ng tingin at ngumingiti pa siya na parang aso. Korni pala ha? Korni na pala ang pagsasabi ng totoo ngayon? Hmpf. Tumalikod nalang ako at pinaglaruan yung mga nahulog na dahon. Naramdaman ko namang lumapit siya sakin kaya umusog ako palayo sa kanya.

"Oy, galit ba ang baby ko?"

"Tingin mo?"

"Galit nga."

We Got Married Again[WGMBA Season 2][ON-HOLD!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon