New character: Zeke Fontanilla portrayed by Mino of WINNER :)
This chapter is dedicated to @JoanGozo :) Comment sa gustong magpadedicate! Hindi ko alam kung paano magdedic gamit ang ipad kaya dito ko nalang nilagay hehe sensya ^^
***Kinaumagahan, naghanda na agad ako ng almusal. Pancakes at hotdog lang naman. Bumaba si Dray habang kinukusot-kusot yung mga naniningkit niyang mata. "Morning," sabi ko, kunwari wala sa mood. Pero sino ba namang mawawalan ng mood kung umaga palang, ulam na agad yung makikita mo? I mean hindi yung hotdog na nakalapag sa mesa. Nakatopless kase si fiancè. Boxer lang suot niya.
Kagabi kase, pagkatapos kong magluto, kumain ako ng konti. Medyo wala pa akong gana. Bumalik na ako sa kwarto at humiga sa tabi niya. Naghubad na pala yung gwapo kong kasintahan. Pinagpapawisan pa nga siya kahit naka-aircon na eh. Natulog nalang din ako ng mga oras na yun.
"Ahhh~ Why am I starving like this?" He murmured at umupo sa dining chair. Nagsaing ako ng kanin at inilagay ito sa mesa. Tinimplahan ko siya ng kape. Oha, feeling misis na agad ako. Kekeke.
"Hindi ka kase kumain kagabi. Sarap ng tulog mo, mas masarap pa sayo."
"Ano?" napatingin siya sakin at umiling-iling naman ako agad.
"Wala, wala! Kumain ka na. Baka malate ka pa sa work mo," sabi ko at umupo sa tapat niya. "Wag mong iniiba ang usapan, baby. Nahihiya ka pa eh." Sabi pa niya sabay kuha ng kanin at nilagay sa plato niya. "Masarap naman talaga ako," tinutusok niya yung hotdog at kinain iyon. Napatingin ako sa bibig niya habang nginunguya ang kawawang hotdog. Tapos sa gumagalaw niyang adam's apple. Jusko lord, censored! I mean, bakit ang hot bigla ng paligid? Pinagpapawisan ako.
Hindi ko na nga lang siya pinansin at kumain nalang din. Baka malate pa ako sa second day of work. Speaking of work, okay na ba talaga siya tungkol dun? Tanungin ko kaya.
"Um... I was thinking--"
"That I am still not in favor of your work in Zeke's company? Hindi pa nga. Pero gagawin ko ang aking makakaya para hindi magselos. Kung pwede nga, magpapadala ako ng bodyguard para mabantayan ka sa ugok nayun."
Wow, mindreaded talaga ang isang to. "Dahil wala naman talaga dapat ika-selos, babe," sabi ko sa kanya.
"Anong wala? Halatang-halata dun sa Zeke na yun na may gusto siya sayo. Kaya ayokong dumidikit ka sa hunghang na yun. Mas gwapo pa ako dun tsaka...." tumayo siya sa kanyang kinauupuan habang nakatusok yung buong hotdog sa tinidor at lumapit sa tainga ko, "....mas malaki yung hotdog ko."
O_O
My jaw dropped dahil sa sinabi niya. Ampupu! Namula ako dun ah! Bigla naman niya akong sinubuan ng hotdog na dala niya. Oh my jollibee. Mas lalo akong namula! Nakakainis naman eh! Pwede na siguro akong ibenta sa palengke dahil mukha akong kamatis.
"Maliligo lang ako, sweety. Pakabusog ka dyan sa hotdog. Masarap yan," natatawa niyang sabi at ngumiti. Kahit ngiting-aso, napakagwapo niya parin. Naman oh, nawala pa ata ako sa sarili ko. Napapailing nalang ako at kinain yung hotdog ni Dray- este yung Virginia hotdog.
--
Hinatid na niya ako sa Fontoco kahit labag man sa kalooban niyang pumunta dito. Wala siyang choice eh. Alangan namang magpapasundo ako kay Zeke diba? Yan yung sinabi ko sa kanya kaya ayun, walang patumpik-tumpik pang hinatid ako dito."See you later. Wag kang didikit sa mukhang unggoy nayun, kuha mo?"
Natatawa ako dahil ang cute niya kapag nagiging possessive. Pero minsan nakakainis din, "Oo na, oo na. Pareho naman kayo ng mukha kaya parang sinabi mo naring mukha kang unggoy."
BINABASA MO ANG
We Got Married Again[WGMBA Season 2][ON-HOLD!!]
RomansSa lahat ng mga pinagdaanan nila Didi at Dray, pinagsama parin sila ng tadhana. Sa paglipas ng mga panahon, may mga darating na mga bagong pagsubok na magpapatunay ng kanilang pagmamahalan. May aalis at may bagong darating. May magbabago at may mana...