Chapter 40
Nakauwi ako kaagad dahil wala talaga ako sa mood magbusiness ngayon. Wala rin namang gagawin masyado. Pumunta ako ng sala nang nakapagbihis na ako ng pambahay at naabutan ko si Yuki na may pinapanood sa iPhone niya.
"Uy, ano yang pinapanood mo?"
"Your sex scandal, hyung."
"What?!"
"Kidding. Why react that way? Maybe you really have a scandal, hmm?" Pailing-iling akong umupo sa sofa at inilipat yung channel. Gusto ko manuod ng Fight For My Way. Yung lead actor kase sa Hwarang yung nagdadala. Idol ko yun. Tapos maganda pa leading lady."Hyung, I was waiting for something!"
"May papanuorin ako no. Kaninong tv ba to? Akin. Kaninong penthouse ba to? Sa akin din. Kaya ako ang masusunod," pang-aaway ko sa kapatid ko at hindi na ito nakipag-agawan sa remote at hindi na niya tinanggal ang tingin niya sa kanyang phone. Madali naman palang kausap.
Lumipas ang ilang minuto, bigla nalang nag-off yung tv. "What the?! Ang ganda na sana! Tch. Anong tawa-tawa mo dyan?" kunot noo kong tanong kay Yuki dahil narinig ko siyang tumawa. He showed his phone and I saw some alien-like codes. Tangna, anong ginawa niya?!"Don't mess with a hacker, hyung," he smirked at tinakip ako sa balikat bago siya umalis. Langya! Hacker? So siya yung nag-off ng tv? Pero paano niya ginawa yun? Whoah. Napahanga ako saglit. Kung nalaman ko lang sana agad na may alam pala siya sa mga ganyan hindi na sana ako naghire ng hacker.
Tumunog yung phone ko at kinuha ko agad ito mula sa bulsa at sinagot yung tawag.
"Hello, Dray. I have good news," sabi nung lalaking may napakalalim na boses sa kabilang linya.
"I've done it already so I guess you already have some information about their location," sagot ko.
"Yes, I'll be sending the location soon."
"Okay. If possible, send it right after you end the call."
"Sure...but there's also bad news." Hinintay ko siyang sabihin yung bad news daw. "I can't work for you anymore. Because of some personal reasons. But don't worry, Dray. I can recommend you to a friend of mine. His skills are way better than mine. I'm really sorry.""Oh.. No, it's fine. I recently met someone who can do the work for me. Thanks," nagsorry ulit siya bago nagpaalam at inend yung tawag. Hmmm, kung magpatulong kaya ako sa kapatid ko? Mukhang magaling naman siya kase nagawa niyang patayin yung tv eh.
Maya-maya sinend na niya yung location sakin. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Masaya ako dahil malapit ko nang mabawi si Dee pero kinakabahan din ako sa maaaring mangyari sa pagbawi ko sa kanya. It wouldn't be easy. Agad akong tumakbo papuntang kwarto ni Yuki at pumasok nang walang katok-katok.
"Mwoya?!" [What the?!] napasigaw siya sa gulat. Nagpeace sign ako sa kanya pero inikutan lang niya ako ng tingin at itinuon ulit ang pansin sa phone niya.
"Yuki, help me." Tinaasan niya ko kilay. "Sige naaaa. Babayaran kita," sabi ko at agad siyang humarap sakin."How much? It shouldn't be less than 10 thousand." Choosy nitong kapre nato.
"Mukha ka palang pera, tsktsk. Osige, call. Just promise me that you'll help me."
"Ofcourse. What can I help you with?" Umupo ito sa gilid ng kama niya.
"Be my hacker," bumilog yung mga mata niya at lumiwanag yung mukha. So I guess papayag siya? Babayaran ko naman siya. As long as he'll do his job well."That's my forte! Damn, what are we hacking?" Excited nitong tanong sakin. I told him everything pati yung nangyari kay Dee.
"Cool! When do we start?"
"Tomorrow."
"Daebak! This is gonna fun!" Patalon-talon niyang kinuha yung isang maleta niya at pinahiga ito sa sahig tsaka binuksan. At napanganga ako sa nakita ko. Napakadaming gadgets at malay ko kung ano ang purpose nun. Probably for hacking. Kakaiba talaga ang isang to. Bakit kaya siya nagkainteres sa ganitong bagay?
BINABASA MO ANG
We Got Married Again[WGMBA Season 2][ON-HOLD!!]
RomanceSa lahat ng mga pinagdaanan nila Didi at Dray, pinagsama parin sila ng tadhana. Sa paglipas ng mga panahon, may mga darating na mga bagong pagsubok na magpapatunay ng kanilang pagmamahalan. May aalis at may bagong darating. May magbabago at may mana...