8- Twin?

1.1K 19 0
                                    

Hinigit na niya ako paalis dun sa lugar ni wala pa akong sinasabing oo. Maryosep! Baka kidnapper 'to o ano tapos nagpapanggap lang na tinutulungan niya ako! Kaya habang hinihigit niya ako sa kung saan man, kinagat ko yung kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

"Shit! Bakit ka ba na nangangagat?!" Napabitaw siya sakin tsaka nakita kong galit na galit siya sakin. Nagsasalubong yung mga kilay niya, oh my lord. At teka, bakit parang si Dray ito? Si Dray ba 'to? O nawawala niyang kapatid? Imbes na matatawa ako sa mukha niyang kulubot, tinitigan ko yung mukha niya.

"Tapos titingnan mo ko nang ganyan? Alam kong gwapo ako, miss pero wag mo naman ipahalata sakin." Ang hangin. Sinimangutan ko nalang siya at inirapan yung kalokalike ni Dray. Di hamak na mas pogi naman yung fiancè ko dito. "Eh ayaw mo akong bitawan eh. Kaya ko namang maglakad nang hindi mo tinatakpan yung bibig ko. Ayan tuloy, napagkakamalan kitang kidnapper."

-_- Ganito mukha niya ngayon.

"Tch, hindi ako kidnapper no. Sa gwapo kong 'to? Tara na nga at baka maabutan tayo ng ugok nayun."  sabi niya sakin tsaka kinuha ulit yung kamay ko at hinigit ako patungo sa isang kotse. Pero hindi yata tama to. Bakit ako sasama sa lalaking di ko naman kilala? "Hoy," tawag ko sa kanya. "What?" mahinahon niyang sagot sakin.

"Saan mo ba ako dadalhin?"

"Iaalay kita kay satanas tapos--" Agad ko siyang tinadyakan sa paa kaya napabitaw siya sakin sa ikalawang pagkakataon. "Argh! Ano bang problema mo? Tinutulungan na nga kita dyan eh! Hoy, wag kang babalik dun! Aish, tigas talaga ng ulo mo!" sigaw niya sakin habang tumatakbo ako palayo sa kanya. Babalik nalang ako sa condo ni Bev at magpapa-deliver nalang siguro kami.

"Alagad ka ni satanas, bakit ako sasama sayo?!" sigaw ko rin sa kanya.

"Di mo ba gets na nagjojoke lang yung tao?! Hoy! Bumalik ka dito! Delikado dyan!"

"Blah blah blah!" sabi ko pa at binelatan siya. Pero nung lumingon ako sa harap ko, muntik nang mawala yung kaluluwa ko. Ang laking tao naman nito tapos ang daming tattoos. Mukha rin siyang gorilla. Siya ba yung nakasugod sakin kanina? *gulp

Tinitigan niya lang ako pero parang nahihilo na ako. Sa sobrang takot ko sa kanyang mukha, para akong hihimatayin. Tapos may...may baril pa siyang dala! Bakit ba walang taong napapadaan dito? Para idadamay ko siya. Punyeta. Unti-unti nang nawawala yung tingin ko at halos di na ako makakita. Tapos...

black out

Beverly's POV
Ang tagal naman yata ni bebs. Siguro wala siyang nakitang pagkainan. Hindi kase talaga matao yung lugar nato lalo na't binansagan itong ghost street eh wala naman talagang ghost. Gabi-gabi kase, may mawawalang babae dito kaya sinisigurado talaga ni Luke na nahahatid niya ako. Minsan nga umaatake yung mga yun kahit maaraw. Hala, sana naman okay lang si bebs. Bigla namang nagring yung phone ko at dali dali ko kong kinuha iyon sa dulo ng kama ko.

My Luke calling...

>___<

Tumatawag na siya sakin sa wakas! Nag-aalinglangan pa ako dahil iiyak na naman ako nito. Pero baka hindi nato tatawag ulit kaya I took risk. Sinagot ko.

"H-Hello..."

[Baby... let's talk. I'm outside.]

O_o Totoo ba to? Makikipag-usap na siya sakin? Agad akong kumaripas sa pinto at binuksan iyon. And I saw him, smiling in a very lonely manner. Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap at niyayakap ko rin siya pabalik. Namiss ko siya nang sagad-sagad. Pero naalala kong galit-galitan ako sa kanya kaya kumalas ako sa yakap at sinapak siya nang wagas sa dibdib.

"Ano bang pumasok sa isip mo't pumunta ka pa dito?! Akala ko ba ikakasal ka na!"

"Kaya nga ako nandito eh. Para sabihin sayo lahat. Tsk." sagot naman niya in a frustrated look. Pumasok siya sa loob at napahiga sa kama ko. Akala ko ba mag-uusap kami? Eh bakit nakahiga siya dyan?

We Got Married Again[WGMBA Season 2][ON-HOLD!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon