Chapter 35
-Flashback-
"Sasama ako sayo. Kaya hindi mo na kailangang gawin to. Please, nakikiusap na ako sayo.." Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya pero tinatagan ko yung sarili ko. Nagliwanag naman yung mukha niya at ibinaba yung baril. Lumapit siya sakin at niyakap ako, "I'm so happy with your decision, An-an." Agad ko siyang inilayo at sinamaan siya ng tingin. "Now that you've got what you wanted, wag na wag mo nang idadamay si Dray at yung mga kaibigan at pamilya ko.""A-Anak, anong ibig mong sabihin?" Tanong ni mama.
"Ma, pa.. Ako na po bahala dito. Umakyat na po muna kayo sa taas at wag kayong lalabas," sabi ko sa kanila at nag-alinlangan pa sila nung una pero sumunod din naman sila."Wala nang atrasan to, ah?"
"Yeah...If you promise not to bother them again," seryoso kong sabi. "Well, I'd love to see one of your friends die but--" tumigil siya at tumingin sakin tsaka tumawa. "I'm kidding. Ofcourse, I won't bother them. Pero kung malalaman kong niloloko mo lang ako, you already know what I can do. I'm giving you three days. Three days para gawin lahat ng gusto mo bago maging akin ka na.""Three days?"
"Why? I'm being generous already. Gusto mo paiksihin ko pa?"
"N-No..."
"Then, good. But to make sure hindi ka makakatakas, I'll let you wear this," may kinuha siya mula sa suitcase niya na isang itim na bagay na may mga wires na hindi ko alam kung ano hanggang sa makita ko ito nang maayos. Isang..."Are you out of your mind?!"
"Yes. Yes, I am. Baka tumakas ka pa sakin. Well, if you're going to do that, you're going to end up dead. Boom," at nag-gesture pa siya na sasabog daw ako. "You already said it that you're coming with me. Are you regretting it already?" Tumaas yung kilay niya at sapilitan akong umiling, "No. Three days will be enough and I'm all yours." Napatungo ako at naramdaman kong tinakip niya yung balikat ko.He flipped my shirt up na ikinagulat ko naman nang husto, "Anong ginagawa mo?" Tumawa lang ito at kinindatan ako, "What else? I'm making sure you won't escape." Isinuot niya yung bomba sa waist ko. Hindi naman siya ganun kalaki. Pero mahigpit nga lang yung pagkakasuot nito sakin. "Kapag susubukan mong tanggalin ito, you're gonna die. At lahat ng pupuntahan mo, malalaman ko. Kapag lumagpas ka sa limit ng maaari mong puntahan, mag-aalarm ito at malalaman ko rin yun. Nasa akin na yun kung pasasabugin ko yung bomba o hindi," mahabang sabi niya.
"Goodluck, honey. See you in three days."
***
Pinahiga namin ni Brylle si Dray sa kama ko at napagulong-gulong naman ito. "Thanks, Bry. You can go home now. Makakasakay ka ng taxi kapag naglakad ka nang konti. May station dun," sabi ko sa kanya. "Sige, ikaw na bahala sa kanya ah..." Ngumiti si Brylle pero may bahid ng pag-aalala. Lalabas na sana siya pero tumigil ito, "Nothing's wrong, right?"
"Wala. Don't worry about it, Brylle. Umuwi ka na. Wag ka nang mambababae," I smiled and he smiled back bago siya umalis nang tuluyan. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Dray na naglilikot dito sa kama habang nakapikit yung mga mata. Grabe, nakakasakkt ng ulo yung amoy ng alak. "Dee..." He murmured. Hinawakan ko ang kanyang kamay para maramdaman niyang nandito ako. Paulit-ulit niyang tinatawag yung pangalan ko at may napansin akong luha na pumatak galing sa kanyang mata. He was crying in his sleep.
"Andito lang ako, babe..." I said almost in my whispered voice. Inimulat niya ang kanyang mata at napangiti, "Akala ko...iniwan mo na talaga ako." Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan naman niya ang kamay ko. "Magagalit sana ako sayo dahil hindi ka na umuwi simula nun pero you have the reason to do so....I'm sorry, Dray.."
BINABASA MO ANG
We Got Married Again[WGMBA Season 2][ON-HOLD!!]
RomanceSa lahat ng mga pinagdaanan nila Didi at Dray, pinagsama parin sila ng tadhana. Sa paglipas ng mga panahon, may mga darating na mga bagong pagsubok na magpapatunay ng kanilang pagmamahalan. May aalis at may bagong darating. May magbabago at may mana...