29- The devil

448 11 1
                                    

Chapter 29

"Hello, there...Andy."

Napalunok ako nang nagkasalubong yung mga mata namin. Si Zeke...nakikita ko ang kadiliman sa kanyang mga mata. Bakit ko ba ipinasok ang sarili ko sa ganitong sitwasyon? Kung alam ko lang sana na isa siyang masamang tao edi sana hindi ko tinanggap yung offer niya noon. Kung alam ko lang sana...

"Parang gulat na gulat ka ah? It's just me. Zeke," sabi pa niya at nagkibit-balikat. Inikuyom ko ang aking mga kamay at tiningnan siya ng masama, "Anong ginawa mo kay Dray?" Tanong ko sa kanya pero napatawa lang ito sa isang sarkastikong paraan. Sa tindi ng galit ko, napapakagat na ako sa labi ko para pigilan yung sarili ko.

"Why? Hindi na ba siya bumalik? Didn't he go to get you your cravings?" Bawat salita na binibitawan niya ay pahigpit naman nang pahigpit yung pagkakakuyom ko. Siya nga ang pakana ng lahat ng ito. "P-Paano mo nalaman yan? Paano mo nalaman yan ha?!" Sigaw ko sa kanya at yumuko ito nang nakangisi.

"I already told you a thousand times, Andy," sabi niya at bigla nalang lumapit sa tenga ko, "I know everything." Agad ko siyang tinulak palayo at tumawa na naman ulit siya. Tanginang to! Ano bang nakakatawa!? "Bakit mo ba 'to ginagawa, Zeke?! Bakit si Dray pa?! Di pa ba sapat ang pagtangka mong pagpatay sakin gamit si Lance?" Tiningnan lang niya ako na para bang wala akong sinasabi. "Sumagot ka, hayop ka!"

Ilang segundo siyang nakatingin sakin nang walang sinasabi. "At ngayon magagalit ka? Kasalanan mo rin naman kung bakit ka nagpabili ni Dray nito..." Seryoso niyang sagot at may kinuha sa gilid niya. May inilahad siya saking isang paper bag. Kinuha ko yun at tiningnan yung laman. "Bakit nasayo to?! Ano bang ginawa mo kay Dray?!" Mangiyak-ngiyak kong sigaw sa kanya.

"I'm giving you that in behalf of Dray. Mukhang hindi narin kase niya maibigay sayo yan nang personal," sabi niya habang tinitingnan niya yung mga kuko niya.
"Demonyo ka! Wag na wag mong sasaktan si Dray!" Napaluha na ako sa tindi ng galit at pag-aalala ko. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong sinakal. Hindi naman ganun kalakas pero mahigpit yung pagkakahawak niya sa leeg ko. Pumapalag ako kaso kinakapos narin ako ng lakas dahil sa pagkakasakal niya sakin.

"How could I not hurt the person who stole my love from me? Answer me!" Nanlilisik yung mga mata niya at napahagulhol nalang ako dahil sa takot. Kahit hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya, sinagot ko parin siya kahit nahihirapan na ako, "P-Please, Zeke...H-Huwag mong g-gawin...to..please.." Lumuwag yung pagkakasakal niya at binitawan din ako. Umayos siya ng upo at napahawak naman ako sa leeg ko habang hinahabol ko yung hininga ko.

Tiningnan ko siya at nakatingin lang siya sa labas nang may galit parin sa kanyang mga mata. Unti-unting dumidilim yung paningin ko at nahihilo narin ako. Dahil siguro sa pagkakasakal niya sakin kanina na muntik ko nang ikamatay. Tila Umikot yung paningin ko at nawalan nalang ako ng malay.

***

Nagising ako sa isang mabaho at madilim-dilim na lugar. Yung baho, amoy patay. Punyeta! Napatakip ako sa sobrang baho at napatingin sa kinalalagyan ko. Nakatali yung mga paa ko pero hindi nakatali yung mga kamay ko. Nakasandal lang ako sa isang bubong na bakas ang mga natuyong dugo. Ewan ko lang kung dugo sa hayop o tao. Pilit kong tumayo pero hinang-hina yung katawan ko para gumalaw. Idagdag mo pa yung amoy na mas lalong ikinahina ko.

Si Dray. Nasan si Dray? I'm sure nandito ako sa mga lugar na pagmamay-ari ng hayop nayun. Baka nandito din si Dray. Inikot ko yung paningin ko at may nakotang isang katawan ng lalaking nakahandusay sa di kalayuan. Nung una, akala ko isang estranghero lang pero napansin kong damit ni Dray yung suot ng lalaki. Dun na ako kinabahan nang husto. "D-Dray... Dray!" Mahina kong sambit at gumapang patungo sa kanya kahit na ang dumi-dumi ng sahig. Nang makalapit ako, iniharap ko yung mukha niya. Pero nagulat ako nang hindi si Dray ang lalaking ito. Napatakip ako ng bibig at lumayo sa katawan. Basag ang mukha nito at kitang-kita ang kanyang utak sa loob. Muntik na nga akong mapasuka dahil diring-diring ako sa nakita ko.

We Got Married Again[WGMBA Season 2][ON-HOLD!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon