James POV (1)

777 12 0
                                    

*** James' POV

 Friday.....

"Break na tayo."

Yan ang unang unang nakita ko sa inbox ko nung gumising ako kaninang umaga. Text yan ni Kara. As usual. Ano pa bang bago? Sanay na ako hiwalayan ng mga babaeng gusto ko. Hindi ko namang magawang pilitin kasi baka mas ma-reject lang ako. Tanggapin na lang siguro

Napag-isip isip ko.... Kung sa bagay, nung tumatagal naman ay hindi ko na din nagugustuhan ang pinapakitang ugali nang babaeng yun. BILMOKO. Bilhan mo ako nito, bilhan mo ako nyan. Parang ginagawa akong walking bank account. Grabe talaga. Branded pa kung magpabili. Ako naman itong si bunot ng wallet at abot agad ng pera sa cashier

Bumangon na ako sa higaan at nakita ko na tulog na tulog pa si Chelsey. Siya nga pala ang younger sister ko. Dalawang taon lang ang agwat namin sa isa't isa. 19 ako at sya naman ay 17. Maganda siya pero pikon kung minsan. Ginising ko na sya para makapag-almusal kami. Baka ma-late na naman kami sa klase dahil sa bagal nyang pag-gising sa umaga.

"Chelsey, gising gising! Gumising ka na...."

Inalog ko sya ng inalog para magising, pero wala eh. Hindi effective... Tulog na tulog. Baka naman nananaginip na naman ito? Kasama niya siguro yung lalaking nasa panaginip nya palagi. "Hoy gising!" Ayaw talagang magising oh. Maghahalikan na siguro sila nung prince charming nya kaya ayaw magpa-gising

Pumunta ako sa banyo para mag-mumog. Pinuntahan ko ulit si Chelsey sa kanyang kama at winasikan ko sya ng tubig sa mukha. Ayun, sa wakas at nagising din

"Kuya!! Kuya ano ba?? Badtrip ka naman oh. Naputol tuloy yung panaginip ko!" sigaw ni Chelsey. Abnormal talaga tong kapatid ko. Malay ko bang nananaginip na naman siya. Ambisyosang babae.

"Gumising ka na kasi. Anong oras na oh." Oo nga naman, anong oras na. Maliligo pa kami at kakain. Ang tagal tagal pa naman nitong maligo. Daig pa artista kung maka-sabon sa mga katawan.

Matapos kong maligo, siya naman ang pumasok sa banyo. Nagbihis na ako ng pang-pasok at saka bumaba para makita kung naka-handa na yung almusal. Si mama yung nagluluto. Wala na din pala kaming tatay. Nasa heaven na siguro. Agad agad akong umupo at na-kwento ko kay mama na yun nga, na naghiwalay na kami ni Kara.

"Ma, break na kami ni Kara."

"Nako anak, sanay na ako sayo. Kailan ka ba tumagal sa mga girlfriend mo?" Pabirong sabi ni mama....

Bigla naman akong nahiya sa sinabeng yun ni mama. Parang nanliit ako. Oo na, hindi ako ganon kagwapuhan pero sana malaman naman ng mga babae na seryoso ako. Na stick to one lang ako kung magmahal. Ilang saglit lang din at bumaba na din si Chelsey, umupo at sumabat sa usapan namin

"Oh, ano na naman yang naririnig ko? Nakipag-break na naman sayo yung syota mo? Yung ano, yung social climber?"

Haaay nako, isa pa ito. Ang sakit ah. Dadagdagan pa niya ang pagka-depress ko sa babaeng yun. Ang lakas pa naman nito kung makalait. Minsan personal pa kung makapag-salita.

"Oo, si Kara. Wala eh. Binreak ako kasi hindi ko daw siya nabilhan ng iPhone kahapon." sabi ko habang kumakain ng tocino....

"Sabi ko naman sayo dati pa... Huhuthutan ka lang non."

Tama nga. Sana nakinig na lang ako nung simula una pa. Hayaan na lang. Mahal ko kasi si Kara nung time na kami pa eh. Ok lang kahit perahan ako basta makasama ko lang sya. Sabi ko sa inyo eh, one woman man ako.

"Eh kuya James, naalala mo pa ba yung niligawan mo dati? Yung ginamit mo pa ako para lang mag-selos yung girl? Hahaha. Effective diba? Pasalamat ka talaga kuya at maganda ako. Saka yung ano. Yung niligawan mo na taga Cavite? Ako pa ginamit mo para maging maskot." Yabang na sabi ni Chelsey....

"Oo naaalala ko lahat yun kaya pwede ba, wag ka ng magsalita? Kumain ka na lang kaya noh. Saksakan kita ng tinapay dyan sa bibig mo eh." Pikong sagot ko. Nakakairita siya talaga kung minsan. Lalo na pag pinapaalala yung mga nakaraan ko. Yung mga oras na naging tanga ako sa pag-ibig.

"Bilisan niyo na dyan at pumasok na kayo." Sabi ni mama....

Tumayo na kaming dalawa at sabay na nagsipilyo sa may kitchen...

"Ang daldal mo talaga!" Sabi ko kay Chelsey. Hindi ko na nakayanan ehh, napikon ako sa mga pinaalala nya.

"Eh kuya, totoo naman yung mga sinabi ko ah? Bat ka nagagalit?" Paliwanag ng bata....

"Hindi kaya alam ni mama yung mga ginagawa ko. Ayokong ipakita sa kanya na sobrang hina ko pagdating sa mga babae. Kainis ka!" Sabay walk out....

"James, oh ito. Ito ang baon mo. Magtipid ka para may pangbili ka ng iPhone next time ah." Pabirong sabi ni mama....

"Ma naman eh...." Sabay kamot sa ulo

"Che, ito naman ang baon mo... Ingat ka ah, maganda ka pa naman."

Bakit ganun? Bakit ang ayos ng sinabi ni mama sa kapatid ko? Tapos sa akin ganun.... Babae nga naman oh. Parang pagtutulungan ka lagi. Di bale, makapasok na nga lang

Nang makalabas na kami ng gate, nakita ko na may naka-park na kotse doon sa tapat namin. Si Franco na nakadungaw sa bintana. Siya yung bagong boyfriend ng magaling kong kapatid. Iba na naman ang kotse. Big time. Pero mukhang babaero

"Good morning babe. Good morning bro! Tara, pasok na." Mahanging sinabi ni Franco....

Maka "bro" naman to, kala mo close kami. Ni hindi nga nya yata alam ang pangalan ko eh. May pagka-player din kasi itong si Chelsey, kung sino sino na lang ang mga sinasagot.

"Sige brad, si Chelsey na lang yang isabay mo. Magtricycle na lang ako. Malapit lang naman." Sagot ko. Shempre mataas ang pride ko pagdating sa ganyan. Ayoko nga ipakita sa kapatid ko na boto ako ni-isa sa mga nagiging boyfriend nya.

"Tara na kuya, pare-parehas lang naman tayo ng school oh!" Pilit ni Chelsey.....

"Ok lang ako... sapakin ko pa yang boyfriend mo eh." Pabirong bulong ko sa kanya....

At yun na nga, nakasakay na siya at ako naman ay nagtricycle na lang....

Ang Kapatid Kong Player (On-going)Where stories live. Discover now