James POV (12)

257 15 0
                                    

Andito na kami sa tapat ng bahay namin. Una akong lumabas, sumunod si Peter para siya naman ang magbukas ng ppinto para kay Chelsey. Ako na ang nagbukas ng gate. “Dude, salamat ah.” Tumango lang siya at pumasok na ako sa loob. Kinuha ko yung cellphone ko para matext agad si Kim. Andoon pa sa labas si Peter at ang kapatid ko.

Nagtext ako...

“Kim, naka-uwi na kami. Ikaw saan na?” Text ko...

“Andito na din ako sa bahay kuya James.” Sagot nya...

“Good to know, buti at safe kang naka-uwi :)” Reply ko...

“I like you.” Sabi nya...

Abot langit ang ngiti ko nung nabasa ko yung text nyang iyon.

“Gusto din kita Kim, gustong gusto. Simula 1st day na nakilala kita, gusto na kita. Kim, pwede ba kitang ligawan?” Tanong ko... Sana payagan nya ako. Sana may pag-asa.

“Pwede naman. Gusto din kita makilala ng lubos.” Reply nya, tuwang tuwa ako. Tumalon pati puso ko....

Habang nagtitext ako, napalingon ako kina Chelsey at Peter. Ang tagal kasi nila sa labas kaya pinuntahan ko na ang kapatid ko para pumasok na sa loob ng bahay. Gabing gabi na din kasi...

“Chelsey, pasok na.” Onting pasigaw ko habang lumalabas ng gate...

Nang paglabas ko, nakita ko na naghahalikan sila ni Peter... Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nasaktan ako na ewan. Bakit ganon. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Ang labo...... Kapatid ko lang naman si Chelsey pero nasaktan ako. 1st time ko na maramdaman ito para sa kanya.

Nakita ni Peter na lumabas ako at itinigil na nila ang kanilang halikan. Nakita nya siguro ang reaksyon ng mukha ko. Napatigil talaga ang mundo ko nung nakita ko iyon.

“Oh sige na princess ko... Goodnight! Kita kits bukas sa school. I love you.” Paalam ni Peter.

“Oh ok, ingat ka pag-uwi. Text mo ko pag naka-uwi ka na.”

Agad agad ng pumasok sa gate si Chelsey na parang hindi ako nakita sa labas.... Dirediretso kung maglakad hanggang sa kwarto namin... Kung umasta kala mo hindi ko nakita yung ginawa nilang iyon. Sinaran ko na yung gate at saka pumasok na din sa bahay. Umupo muna ako sa sala para magpakalma ng dibdib ko. Uminom ng tubig at saka umakyat na din ng kwarto.

Nakita ko na nakabihis na si Chelsey ng pantulog at nakahiga na sya sa kanyang kama. Mukhang napagod sa date nila ng boyfriend nya kaya ang bilis nakatulog...

Bitbit bitbit ko parin ang minion na binili ko para sa kanya kani-kanina lang. Paano ko ba ito ibibigay sa kanya? Gisingin ko ba para ibigay sa kanya o iwan ko na lang sa tabi nya? Hmm siguro iwan ko na lang nga sa tabi nya. Ayoko naman na gisingin pa sya, parang wala na din kasi ako sa mood para mag-usap kami ngayon...

Kakalimutan ko na nga lang tong gabing ito at matutulog na lang ako....

Ang Kapatid Kong Player (On-going)Where stories live. Discover now