Halos naka-3 hours kaming nagpaikot-ikot sa ice skating range. At ayun, nagutom kami sa sobrang saya.... Dinala ko sya sa “Yakimix” na Eat-All-You-Can ang concept. Chinese, Japanese at Korean food. Nagustuhan naman nya doon dahil favorite nya ang mga japanese food. Parehas sila ni Chelsey, hilig din ang japanese cuisine
Isang plato na puro california maki, wasabi at mga sushi. Isang plato na panay hindi pa lutong mga pork, beef at salmon. Isang plato na panay cupcakes! Red velvet, mocha at chocolate. Unlimited din ang soft drinks. Ilang basong red tea. Isang plato na bacon na may nakabalot na mga letus. At shempre, hindi mawawala ang kimchi.
Nag umpisa na si Kim na magluto sa pan na nasa harapan namin. Halata sa kanya ang pagka-excited na magluto doon. Parehas na parehas sila ni Chelsey nung una nyang punta dito. Nakipag-agawan pa sa aking magluto. Inilagay lahat ni Kim ang mga bacon.... At ako naman, kain na ng kain habang nagluluto sya. Kung titignan mo, para kaming mag-asawa na si Kim ang nagluluto at ako naman ay yung taga-kain. Ang sarap sa feeling
Naka-ilang balik din kami sa pinaka-kuhanan ng mga pagkain doon. Ang gulo namin ni Kim, parang mga taga-bundok. Kuha dito, kuha doon. Pero ang pinakafavorite nya talaga is yung sa may beef, trip na trip nya magluto doon sa pan tapos hindi naman din nya kakainin. Ako din ang uubos. Sobrang busog ako ng mga oras na iyon. Feeling ko ang laki laki na ng tyan ko. Okay lang kahit bondat, basta happy
Sunod naman ay naglakad lakad kami. Mas masarap maglakad pagtapos kumain ng sobrang dami. Ibinalik na din sa akin ni Kim ang university jacket ko. Habang inaabot nya sa akin iyon, napadaan kami sa may gift shop na “CLIPPER” at nakita ni Kim ang stuffed toy na minion. Minion, yung mga maliliit na kulay yellow sa palabas na Despicable Me. Cute, bilugan ang katawan at malalaki ang mga mata. Sino ba naman ang hindi nakakaalam kung sino sila diba?
Naglakad siya patungo sa gift shop na iyon at kinuha ang isang minion. Niyakap niya ito na parang gustong gusto nyang mapasakanya.
“Gusto mo niyan?” Tanong ko...
“Oo, ang cute nya super. Ang lambot lambot pa. Gusto ko yakapin hanggang sa makatulog ako sa kama.” Tuwang tuwang sagot ni Kim
“Okay sige...” Kinuha ko ang stuffed toy na yon at dinala ko na sa counter.
Nagtaka siya sa ginawa kong iyon... “Ano ginagawa mo?”
“Bibilin ko para sayo. Gusto mo diba?” Sabay bunot ng wallet sa likod.
“Oo, pero may pera naman ako para ako na ang bumili nyan...” Sabi nya
“Okay lang Kim, hindi ko kasi pinagbabayad ang mga babae pag ako ang nagyayang lumabas. Sabi ko naman sayo kanina diba? Ako ang bahala at sagot sa lahat.” Sabay kindat
Nang magbabayad na ako sa counter.... Bigla kong naalala si Chelsey, sobrang paborito din nya kasi ang minion na yun. Naalala ko na ilang ulit nyang pinanood yung part 2 nung palabas na yun dahil sa mga bubwit na to.
“Ay miss, wait lang. Kukuha pa ako ng isa.” Agad agad akong kumuha pa ng isang minion.
Naka-alis na kami sa bilihan. Naglakad lakad na para maka-uwi. Natuwa ako sa nabili ko at siguradong magugustuhan ito ng kapatid ko. Hindi ko naalala na may kasama pala ako dahil excited na akong ibigay ito kay Chelsey. Dire-diretso lang ako sa paglalakad....
YOU ARE READING
Ang Kapatid Kong Player (On-going)
Teen Fiction"Lagi na lang akong bigo sa pag-ibig. Hindi sinasagot o kaya naman minsan ay hindi tumatagal sa isang relationship. May itsura naman ako kahit papaano, pero bakit ganon? Ang gulo lang talaga ng mga babae. Binibigay naman ang gusto nila pero parang k...