James POV (8)

294 11 0
                                    

“Uy.” Sabi ni kim na may halong tapik sa balikat ko...

“Ay oh, ano yun kim?” Napalingon ako sa tapik nyang iyon...

“Kapatid mo ba iyon?” Itinuro nya si Chelsey...

“Hmmm saan? Saan?” Lingon lingon din pag may time...

“Ayun oh, may kaholding hands.” At nakita ko nga....

“Oo nga noh, loko yun ah. Andito din pala siya.” Napakunot noo ako sa nakita namin

“Tara lapitan natin.” Aya ni Kim...

Nilapitan namin sila. Hindi ko gaanong makita ang itsura nung lalaki dahil sa dami ng tao dito sa MOA................

“Hi Chelsey..... Hi Peter!” Bati ni Kim...

“Oh Kim? Hmmm kuya??” Nagulat na sabi ni Chelsey at sabay alis ng kamay doon sa ka-holding hands niya

“Huli ka! Anong ginagawa mo dito? Sino yan?” Tanong ko...

“Ah kuya, si Peter. Boyfriend ko... Ang pogi nya noh?” Pakilala ni Chelsey na may halong patawa sa sinabe

“Oo nga kuya James, siya si Peter. Classmate din namin.” Sabi ni Kim...

“Oh ok. What’s up dude, James nga pala. Kuya ako niyang syota mo.” Pa-ewang sabi ko sa Peter na yon.

“Kilala na kita James,  nakwe-kwento ka lagi sa akin ng princess ko.” Sabay shake hands namin.

Tama ba ang narinig ko? “princess ko”? What the hell. Ang pangit naman ng tawagan nila. Nakakainis! Ano ba yan! Excited pa naman akong ibigay kay Chelsey tong binili ko tapos ngayon naman nakita ko sila, bigla akong nabanas. Ewan ko ba, hindi ko din maintidihan tong sarili ko kung bakit hindi ako boto sa mga nagiging boyfriend ni Chelsey. Hindi pa kasi ako nakakakilala ng boyfriend niya na sobrang gaan ng loob ko.

“Saan punta nyo Chel?” Tanong ni Kim sa kapatid ko.

“Manonood kami ng sine eh. Tara, sama kayo ni kuya.” Alok ni Chelsey...

“Uy tara, sama kami ni Kuya James dyan... Teka, ano ba panonoorin nyo?” Tanong ulit ni Kim...

“Hmm yung World War Z? Ewan.” Sagot nya...

“Yung ano kaya, yung BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO?” Nakangiting yaya ni Kim.

“Ay oo! Pwede! XIAN LIM!! Yun na lang, tara!”

Agad agad nagsama ang dalawang babae at kami ni Peter ay sunod ng sunod lang. Sa totoo lang, ayoko ng sumama. Gusto ko ng umuwi. Pero dahil gusto ni Kim, sige sasama na ako. Wag lang sanang maglandian sa harap ko itong si Chelsey at ang kanyang boyfriend na bugok.

Nasa ticket booth na kami ng sinehan para bumili ng ticket pass.... Siguro ako na lang ang manlilibre para ma-impress naman sa akin si Kim. Galante ba.

“Miss 4 tickets nga po sa cinema 5” Sabi ko sa teller at sabay bunot ng wallet sa likod ng pantalon ko

Habang kinukuha ko yung wallet ko, inabot ni Peter sa teller ang P1000 bill para siya na ang magbayad sa ticket naming apat. Nagulat naman ako sa mga braso nya na bigla bigla na lang sumusulpot para mag-abot ng pera. Bakit nya ginawa yun? Ano tingin nya sa akin, walang pera? Nakakainis! Ang yabang

“Dude, ako na.... Ako nakakatanda dito kaya ako ang magbabayad.” Sabi ko...

“Ok lang dude, pang bili mo na lang ng gel yang pera mo. Ako na bahala.” Sabi ng mayabang na Peter.

“Ok.” Sarap sapakin, grabe kung magsalita. Kala mo kung sino. Ang hangin.

Pagkatapos naming bumili ng ticket.... Inaya ko naman sila na mag grocery, dun na lang kami bibili ng snacks para naman maka-tipid kami. Ang mahal ng popcorn sa snack bar ng sinehan, ang mahal din ng softdrinks o kahit tubig. Kahit hotdog ang mahal. Lahat mahal.

“Tara, punta tayo ng grocery. Bili tayo ng snacks doon.” aya ko sa kanilang tatlo.

“Excuse me.... Dude, ayun lang yung snack bar oh. Bakit pa kailangan natin pumunta ng grocery? Eh sa ground floor pa yun. Doon na lang, mapapagod pa tayo eh.” Yabang na naman ni mahanging kumag.

“Edi doon. Sige doon na. Ikaw na masusunod.” Bulong ko sa sarili ko.

Agad na kaming pumunta ng snack bar at saka bumili na ng mga pagkain. BBQ popcorn ang kinuha ko. Si Chelsey naman ay cheese. Cheese na lang din daw kay Kim. Rootbeer ang naging drinks naming tatlo.At wala na akong pakielam sa inorder nung Peter.

As usual, si Peter na naman ang nagbayad. Siguro sobrang impress na impress na tong kapatid ko sa kanya. Nakikita ko sa mga mata nya oh, nag iispark na parang watusi. Ewan ko ba, ang bano pumili ng boyfriend nitong kapatid ko. Mayayaman nga, pero saksakan naman ng yabang ang pinipili.

Ang Kapatid Kong Player (On-going)Where stories live. Discover now