Andito na kami sa school at ako na ang nagbayad ng bill namin sa taxi. Malapit lang naman at kering keri kong bayaran... Lumapit ako kay Kim at nag sorry ako
“Uy sorry di ako nakapagtext... Sobrang nagmamadali na kasi ako mag-ayos kanina eh.”
“Ok lang yun.... No problem kuya” sabay ngiti nya.
Kinuha ko ang shoulder bag nya para ako na ang magdala. Okay lang kahit mukhang ewan basta wag lang syang mahirapang magbitbit. Palakad na kami sa hall way at nakita ni Chelsey si Peter. Nagbeso-beso sila sa isa’t isa. Himala, hindi naghalikan ang dalawa... Buti naman. Wag lang nila gawin ulit yun sa harap ko and i swear sasapakin ko na talaga yung Peter na yon
“Mukhang maganda gising mo baby ah? Napaginipan mo na naman ba ako kagabi?” Tanong ni Pedro
Na naman? So.... Si Peter pala ang laging napapaginipan ni Chelsey na prince charming nya? Haaaay ang swerte naman pala nya. Kaya pala mukhang seryoso na sa kanya ang kapatid ko, natagpuan na pala nya si “man of her dreams.”
Hindi naman umimik si Chelsey sa sinabi ng syota nya at nagholding hands na lang sila. Sabay sabay na kami pumunta sa 1st class nila, hindi pa naman late kaya pwede pang magbagal ng lakad.... Tinanong ko si Kim anong favorite nyang pagkain...
“Ate kim, anung favorite mong pagkain?”
“Japanese food ang favorite ko, lalo na yung maki... Andami ko ngang nakaing ganun nung nag Yakimix tayo diba?” Sagot nya....
Oo nga pala... Ang dami nyang nakaing california maki. Sakto, madali lang gawin yun. “Oh ok. Minsan gagawan kita ah? Para pang lunch natin, gawan kita ng vento.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
“Sige kuya James, salamat in advance. Oh ayun, andito na kami sa classroom. Pasok ka na din baka ma-late ka pa. Sa kabilang building ka pa oh. Kita na lang after.” At kinuha na nya ang bag nya sa akin...
“Okay. Text me...” sabi ko
“Reply reply din kasi pag may time...” pang-aasar nya....
Ngumiti ako at saka umalis na... nakatingin ako sa cellphone ko habang naglalakad, hindi ko napansin na may babae sa harap ko. Nabundol ko at nahulog ang mga dala nyang libro.
“Ay miss, sorry miss...” sabi ko habang pinupulot ang kanyang mga libro
Tumayo ako matapos kong makuha yung mga nalaglag nyang libro.... Pag tingin ko, “WOW CHICKS!” sabi ng utak ko. “Miss ito na, sorry ulit. Sorry.” Paumanhin ko pero hindi sya kumibo. Kinuha nya ang mga libro sa akin at agad agad ding kumaripas ng lakad. Tinignan ko kung saan patungo, papunta din siya sa classroom kung nasaan sina Chelsey, Peter at Kim. Wow, mag classmate pala silang lahat. Bakit ba parang ang gaganda ng mga kaklase nitong kapatid ko. Pero tama na, may Kim na ako eh. Wag na munang tumingin sa iba.
Well anyway... andito na ako sa classroom at andito na si prof, mag-aaral muna ako ah? Hahaha next chapter na lang ulit.
YOU ARE READING
Ang Kapatid Kong Player (On-going)
Teen Fiction"Lagi na lang akong bigo sa pag-ibig. Hindi sinasagot o kaya naman minsan ay hindi tumatagal sa isang relationship. May itsura naman ako kahit papaano, pero bakit ganon? Ang gulo lang talaga ng mga babae. Binibigay naman ang gusto nila pero parang k...