Pauwi na kami at tuwang tuwa kami sa aming napanood. Kumuha na ako ng taxi para kay Kim... May kotse si Peter kaya makikisabay na lang siguro ako sa kanila, tutal naman ay ihahatid din nya ang kapatid ko sa bahay namin.
"Kim, hindi muna kita mahahatid sa inyo ah? Kailangan ko kasing sabayan itong si Chelsey sa pag-uwi eh. Next time promise, hahatid kita mismo sa harap ng pintuan nyo."
At inabot ko na sa kanya ang stuffed toy na binili namin kanina sa Clipper.
"Thank you dito kuya James." Sabi ni Kim...
"Alagaan mo yan ah? Yakapin mo pag nalulungkot ka..." Sabi ko habang tinatapik ko ang kanyang ulo.
"Oo pangako, aalagaan ko... thank you ulit." Ulit nya...
"Oh pano, text text tayo ah?" Pabirong sabi ko....
Anjan na ang taxi at ibinukas ko na ang pinto nito sa likod. Nung pagbukas ko, hindi muna pumasok agad si Kim sa loob.
"Ba-bye kuya James, bye Chelsey, bye Peter." Paalam nya...At kiniss nya muna ako sa cheeks bago pumasok sa loob.
Nanginig ako sa ginawa nyang iyon. Parang may spark akong nakita sa mga mata ko. Ang lambot ng labi nya. Ang bango ng mukha nya. Na sakanya na talaga ang lahat pati ang puso ko.
Pumasok na siya sa taxi at umandar na din ito... May nakalimutan pala akong itanong sa kanya. Hindi ko natanong kung pwede ko ba syang ligawan. Ang ulyanin ko naman oh, nakaka-asar. Naglakad lakad na kami para puntahan ang kotse ni Peter. Gusto ko na ding magpahinga...
Nasa harap naka-upo si Chelsey at ako naman ay mag-isa sa likod. Ang tahimik nilang dalawa samantalang ako parang naka-lutang sa ulap sa sobrang saya ng nararamdaman. Binasag na ni Chelsey ang katahimikan. Tumingin sya sa akin patalikod
"So kuya, girlfriend mo na ba yun si Kim?" Tanong nya sa akin...
"Ahh hindi pa. Hindi ko pa nga sya natatanong kung pwede ko ba syang ligawan eh." Sagot ko...
"Eh bakit hinalikan ka agad sa pisngi?!"
"Bakit, bawal ba yun? Thank you kiss lang yun kasi siguro nag enjoy sya ngayong araw." Paliwanag ko habang naka-smile.
Tumahimik na naman ang paligid namin... Si Peter naman ang nagsalita.
"Oh princess ko, bakit parang naka-kunot yang noo mo? Ubos na energy mo noh?" Tanong ni bugok kay Chelsey...
"Ahh oo, parang sumama kasi ang pakiramdam ko eh." Sagot nya habang nagaayos ng buhok...
"Ok ok, malapit na din naman tayo sa bahay nyo. Magpahinga ka ok? Ayokong magkasakit ang prinsesa ko." Korning sagot ni Peter...
Nag uusap sila sa harap habang ako ay medyo natatawa-tawa sa likod. Ang maangas na si Peter ay nagiging korny pag dating sa kapatid ko. Hahaha. Nakakatawa lang. Pero sa totoo lang, hindi sila bagay. Masyadong maganda tong kapatid ko para kay Peter. Pasalamat sya at seryoso na ata si Chelsey sa kanya.
YOU ARE READING
Ang Kapatid Kong Player (On-going)
Teen Fiction"Lagi na lang akong bigo sa pag-ibig. Hindi sinasagot o kaya naman minsan ay hindi tumatagal sa isang relationship. May itsura naman ako kahit papaano, pero bakit ganon? Ang gulo lang talaga ng mga babae. Binibigay naman ang gusto nila pero parang k...