James POV (3)

426 18 0
                                    

Uwian na namin ng makita ko si Franco sa may hall ng university. Nakita ko na may babaeng naka-upo sa kanyang mga laps. Pag tingin ko, ibang babae at hindi si Chelsey. Loko to ah. Babaero! Girlfriend nya ang kapatid ko pero ibang babae ang kasama nya. Linapitan ko sya at sinuntok sa mukha

"Hoy Franco! Ano yan ah? Sino yang babaeng yan? Niloloko mo kapatid ko! Gago ka ah!" Sigaw ko sa tapat ng mukha nya habang itinatayo ko sya...

"Tumigil ka! Break na kami ng kapatid mo! Kaya pwede ba, bitawan mo ako!" Sagot ni Franco at itinulak ako...

Madaming estudyante ang nakakita. Ang akala ko kasi niloloko nya ang kapatid ko. Ayaw na ayaw ko pa naman na nasasaktan yun. Mas okay na yung siya yung makasakit, huwag lang na sya yung saktan. Hindi ko alam na hiwalay na pala sila ni Chelsey. Sobrang naging offensive ko sa nangyaring yun. Buti na lang at hindi nakita ng mga professor, pwede kasi akong ma-expelled pagnagkataon.

Umuwi ako agad agad ng dahil sa nangyari. Nakalimutan ko na dapat ay sabay kami ng kapatid ko na umuwi. Yun kasi ang bilin ni mama, ingatan ko daw lagi si Chelsey. Sya na lang daw kasi ang matitira sakin pag may nangyaring masama sa kanya.

Nang maka-uwi na ako ng bahay, dumiretso agad ako sa kwarto namin. Hindi na ako nakapag-palit ng pang bahay na damit. Iniisip ko pa rin yung pagsapak ko kay Franco. Hindi ko talaga sinasadya. Ang tanga ko naman kasi, dapat inalam ko muna kung sila pa o hindi. Nakatulog ako habang naka-bukas ang TV

"Knock knock knock!"

Naalimpungatan ako sa katok na iyon. Pag bukas ng pinto, si Chelsey ang nakita ko

"Kuya ano ba naman yan! Bakit mo ginawa kay Franco yun?" pasigaw na sabi nya...

"Masisisi mo ba ako sa nangyari? Kala ko kasi niloloko ka nya eh! Malay ko ba na break na pala kayo!" Paliwanag ko...

"Next time kasi wag kang nangingielam. Alam ko naman ginagawa ko eh! Saka pag ikaw naman ang nagkaka-girlfriend, hindi kita pinakikielaman ah!" Maiyak iyak na sabi nya...

"Ok fine! Ayaw mo na nangingielam ako? Eh di wag kang mag boyfriend! KUYA MO AKO CHELSEY! Mahal kita kaya hindi ko magagawang baliwalain ka lang. Hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan!"

Nag walk out siya nung sinabe ko iyon. Narinig ni mama at nakita nya na lumabas ng kwarto si Chelsey. Sinundan nya ito para kausapin. Hindi ko alam ang pag-uusap nilang iyon pero alam ko na kinuwento na nya kay mama ang lahat na nangyari sa school kanina. Naririnig ko na umiiyak si Chelsey pero kinuha ko na lang ang headset ko at nakinig na lang ng music. Nakatulog na naman ako

Ang Kapatid Kong Player (On-going)Where stories live. Discover now