James POV (4)

451 17 0
                                    

Sabado....................

"Mama! Mama! Mama! Wag mo kaming iwan mama....." iyak kong sinabe kay mama...

"James, Chelsey, may dapat kayong malaman.... Hindi ko totoo-o-...." Hindi na nakahinga si mama at tuluyan ng mamatay. Hindi na nya natuloy ang kanyang sasabihin sa amin...

Iyak ako ng iyak nang makita ng dalawang mata ko ang pagkamatay niyang iyon. Humagulgol kami ng humagulgol ni Chelsey sa nangyari.... Ngunit may naririnig akong tawa. Tawang di mo maintindihan. Parang tawa ng isang batang babae.

"Hahahahaha. Hahahaha. Hahaha kuya nananaginip ka! Hahaha iyak ka pa ng iyak. Hahahaha!"

Tae, umaga na at nananaginip lang pala ako. Buti na lang at panaginip lang yung nangyari kay mama..... Tumayo ako at bumaba sa kitchen. Nakita ko si mama, buhay na buhay. Agad ko syang pinuntahan at niyakap.

"James, oh bakit sobra naman yata ang pagyakap mo sa akin?" Nagtatakang tanong ni mama. nakita ko na bumaba din si Chelsey

"Ewan ko ba dyan kay Kuya ma, nakita ko ngang umiiyak yan habang natutulog eh." Tawa ni Chelsey...

Hindi naman ako nahiya nung nakita nya akong umiiyak at niyakap ko sya ng sobrang higpit. Buti nga at panaginip lang yun. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala si mama, mahal na mahal ko siya kahit lagi nya akong binibiro sa mga naging karanasan ko sa buhay. Hindi ko din alam kung kaya kong buhayin si Chelsey ng mag-isa lang ako pag nawala siya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at saka umakyat na ulit sa kwarto.... Umakyat din ang kapatid ko at tinapik ako sa balikat....

"Kuya, sorry pala kahapon ah. Nagulat lang talaga ako sa ginawa mo para sa akin."

"Ok lang yun, teka bakit nga pala nagbreak kayo? Parang isang linggo pa lang kayo nun ah? Tanong ko...

"Ah kasi kuya, ako ang nakita nyang may ibang kasama. Pinagsabay ko sila nung classmate ko sa Phylosophy."

"Eh kaya naman pala.... Ikaw naman pala ang may kasalanan, nasapak ko pa yung Franco na yun. Bakit ka ba kasi ganyan Chelsey? Bakit ang hilig mong paglaruan yung mga lalaki mo? Bakit di ka makuntento sa isa? Mag seryoso ka kaya noh?" Payo ko sa kanya...

"Eh kuya.... Ayokong matulad sa ibang mga babae. Ayokong gumaya sa kanila na sila ang pinaglalaruan noh. Magseseryoso ka tapos ano, bre-breakin ka na lang agad kasi may nakita na mas maganda kesa sayo? Saka masaya ako sa ginagawa ko. Nabibigay nila yung mga gusto ko. Tignan mo nga, nasusundo at nahahatid pa ako dito sa bahay."

"May point ka naman dyan Chelsey, pero sana wag mo silang paglaruan. Parang ako, ganito din ang nararamdaman nila pag hinihiwalayan sila ng girlfriend nila. Intindihin mo din sila. Player ka talaga!" Sabi ko...

Sana matauhan naman itong kapatid ko.... Sobrang magkasalungat kami pagdating sa lovelife. Ako stick to one tapos siya naman ay player. Ang hirap maging two-timer noh. Malalaman nung isa na may karelasyon ka na tapos malalaman din nung isa na may karelasyon ka din palang iba. Parehas mawawala sayo yon pag nagkataon. *Tsk tsk tsk

"Ay nga pala kuya, maligo ka na at may bisita tayo mamaya. Pupunta yung kaklase ko dito, gagawa kami ng project at si Kimberly yun."

"Pupunta siya?????" Agad agad akong kumuha ng damit at twalya para maligo na. Excited ako at pupunta dito si Kimberly, ito na ang pagkakataon ko para makausap at makilala siya ng lubos. Ang saya ko

Ilang oras din at may nagdoorbell na.

Pinuntahan ni Chelsey sa labas ng gate namin ang kanyang kaklase

"Ma, may bisita tayo. Si Kimberly po, gagawa kami ng project ma." Sigaw ni Chelsey habang nag-aalis sila ng tsinelas sa may pintuan...

Narinig ko agad yun habang nasa itaas ako. Nagmadali akong nagbihis. Nagpabango. Naglagay ng onting pulbos sa mukha at nag-gel sa buhok. Pababa na ako ngunit ayaw umapak ng mga paa ko sa hagdan. Kinakabahan ako. Baka matulala ako sa harap nya pag nakita ko na sya. Ahmm... Kung sa kwarto na lang kaya ako? Kung wag na lang kaya akong bumaba? Kinakabahan kasi talaga ako eh. Pero sige, sayang naman tong porma ko kung dito ko lang idi-display sa kwarto.

Bumaba ako at nakita ko na siya. Tumayo siya para batiin ako

"Kuya! Hello! Magandang umaga....." Sabay ngiti niya sa akin. Sobrang cute nya ngumiti! Parang pusa. Ang cute din ng ngipin nya. May onting sungki pero cute. Oh craaaap, anong gagawin ko...........

"Oh Kim, andito ka pala. Asan si Chelsey?" Kunyari hindi ko alam. Pakipot. Pero asan nga ba si Chelsey?

"Kinuha nya ata yung mga gamit na gagamitin namin sa project." Sagot nya...

Umupo ako katapat nya at tinignan ko ang sya..... Siguro tunaw na tunaw na siya kakatitig ko sa kanya. Hindi nya naman nakikita na tinitignan ko sya kasi hawak nya ang kanyang cellphone. May ka-text yata. Tumingin siya sa akin ngunit lumihis na ako ng tingin sa kanya. Shempre noh, ayoko makita nya na nakatitig din ako sakanya. Hanggang sa dumating na nga ang kapatid ko

"Oh kuya, umalis ka na dito. Gagawa na kami ng project."

Natawa si Kimberly nung sinabi yun ni Chelsey. Natawa siguro pinapalayas ako.

"Okay okay, ang sungit naman nito. Sinasamahan ko lang tong kaklase mo kasi wala syang kausap dito oh." Paliwanag ko...

Umalis ako at sabi ko sa sarili ko "Yes! nakausap ko din sya kahit saglit." Sana maulit yun. Sana. Sana. Sana.

Umakyat na ako ng kwarto ko para mag-computer. Sinearch ko sa facebook ang pangalan ni Kimberly... At yun, sakto! May lumabas at 1 mutual friend, ang kapatid ko. Nagulat ako ng makita ko... "Response to friend request". Siya pala ang nag-add sa akin. Shempre kinilig naman ako sa pangyayaring iyon. Hindi ko ineexpect na sya ang unang mag-aadd sa akin

"Confirm", click agad. Tinignan ko ang profile nya. At alam nyo kung ano ang una kong tinignan? Ang relationship status nya. "Single". SINGLE! SINGLE siya. Yahoooooooooooo! Ang saya saya ko. Sana pag nakausap ko sya ulit, payagan nya akong ligawan siya.

Lumakas ang loob ko nung nakita ko yun. Nag-boost ang confidence ko kasi unang una, sya ang unang nag-add sa akin. Sunod, single sya. Pangatlo...... nasa sala lang sya. Ang saya saya! Bumaba ako para pumunta ng kitchen, kukuha ako ng tubig kasi uhaw na uhaw na ako. Mataas ang tirik ng araw kaya sobrang init. Nang bumaba ako, nakita ko na naman sya na nag-iisa sa sala

"Uy Kim, na-confirm na kita sa facebook ah." Sabay ngiti hanggang tenga...

Ngumiti lang si Kim at hindi nagsalita. Dumating na naman tong kapatid ko. Wrong timing palagi! Parang hindi ako makaka-the-moves ngayon, baka makita din ni mama na gusto ko tong si Kim. Aasarin na naman ako. Sa school ko na nga lang sya ulit kakausapin, o kaya sa facebook

Gabi na nang maka-uwi si Kim, sinundo sya ng kuya nya na nakasakay sa pulang Vios. Tinignan ko syang pumasok sa kotse at nagulat ako ng makita nya akong nakatingin sa kanya. Bigla kong hinarang yung kurtina. Grabe, bakit ganon? Bakit pag tumitingin ako sa kanya tumitingin din sya sa akin. Co-incedence ba yun? O baka gusto nya lang din ako?

Kinausap ko si Chelsey

"Che, ang ganda talaga nung tropa pa. Liligawan ko sya." Masayang sinabi ko sa kanya...

"Ah ok." Sabi ng kapatid ko

"Tulungan mo ako ha?"

"Kuya, napagod ako sa ginawa namin. Una na ako sayo sa taas." Malamyang sagot ni Chelsey...

Mukhang mahimbing ang pagtulog ko ngayon ah. Sana mag-monday na para makita ko siya ulit sa university. Hindi na talaga ako magdadalawang isip na lapitan sya. Sana she's the one.

Ang Kapatid Kong Player (On-going)Where stories live. Discover now