Nakapasok na kami ng school....
Friday yun kaya may flag ceremony sa school. Nakahilera lahat ng istudyante at mga guro. Babae sa kanan. Lalaki sa kaliwa. Section by section at level by level. Nakita ko si Chelsey sa may kabilang dulo at napansin ko din na may magandang babae sa likuran niya. Sobrang ganda. Hindi ko nga maalis ang mga mata ko kakatingin sa kanya.
♪ ♫ "Ang mamatay ng dahil sayo...." ♫ ♪
Oh. Tapos na pala ang flag ceremony. Hindi ko namalayan. Pabalik na ako ng classroom at biglang lumapit sa akin si Chelsey.
"Kuya, si Kimberly nga pala. Classmate ko sa Hystory Class..."
Siguro napansin ng kapatid ko na nakatitig ako sa kaibigan nya kaya ito, ipinakilala sa akin. AYOS! Magkakilala pala sila. Grabe, natulala na naman ako. Hindi ako makapag-salita.
"Hi. Ako nga pala si James, kapatid ko yang si Chelsey. Ang layo ng itsura namin noh?" Pabiro kong sinabi sa kaibigan nya
"Nice to meet you Kuya James."
KUYA James talaga? Aray naman.... Pero okay lang. Sakto, kaibigan nya si Chelsey. Pwede ko syang maka-usap pag bumisita sya sa bahay namin. Agad kong hinawakan si Chelsey sa braso at onting inilayo....
"Uy ang ganda naman nyang kaibigan mo. May boyfriend na ba yan? Baka naman pwede ko siyang ligawan.” Bulong ko.....
"Ang alam ko kuya walang boyfriend yan ngayon. Pero madaming nanliligaw, baka magkaroon ka lang ng madaming kaaway kuya. Madaming karibal ba. Saka hindi naman gaanong kagandahan oh? Mas maganda parin kaya ako." yabang ni Chelsey....
"Ikaw? Kahit kailan talaga! Lagi mong ibinibida yang sarili mo eh noh. Mas maganda kaya sya. Maganda siya sa paningin ko. Tingin mo magpag-asa kaya ako sa kanya? Tulungan mo naman ako oh." Excited na tanong ko
"Ewan ko lang kuya. Ikaw bahala." Mahinang sagot ni Chelsey...
Umalis na din sila para pumasok sa kanya kanyang classroom. 3rd year college na nga pala ako at si Chelsey ay 2nd year naman. Hindi ko talaga maiwasang hindi isipin si Kimberly. Ang ganda ng buhok, mahaba at shiny. Ang ganda ng mata, parang pang anime. Ang ganda ng katawan, slim pero sexy. Siguro mga 5’4 ang height nya. At ang ganda ng mukha, maaliwalas at makinis. Ahhh gusto ko na sya agad. Sobrang ideal girlfriend ang dating nya para sa akin.
YOU ARE READING
Ang Kapatid Kong Player (On-going)
Teen Fiction"Lagi na lang akong bigo sa pag-ibig. Hindi sinasagot o kaya naman minsan ay hindi tumatagal sa isang relationship. May itsura naman ako kahit papaano, pero bakit ganon? Ang gulo lang talaga ng mga babae. Binibigay naman ang gusto nila pero parang k...