Monday........
Nag-ring ang alarm ng cellphone ko at mag 7am na. Pasukan na naman at makikita ko ulit si Kim. Ang sigla kong minulat ang aking mga mata at nag-unat. Nakakapanibago dahil hindi ako tinatamad pumasok ngayong araw na ito... Ganito siguro talaga pag may special someone ka. Excited na akong makita siya ulit. Pero teka, naguguluhan pa rin ako sa naramdaman ko kagabi. Di bale na nga lang yun, siguro nabigla lang talaga ako sa nakita ko.
Tumayo ako at napansin ko na nasa higaan parin ang kapatid ko. Ngumiti naman ako at nasa tabi parin nya si minion. Hinayaan ko muna syang matulog at tinignan ko muna ang cellphone ko. 1 message received from Kimberly Ramos. “Good morning.” Yan ang nakalagay sa text nyang iyon. Ngumiti ako kasi naunahan nya akong bumati ng good morning. Sana personal text ito at hindi send to many. Hindi na muna ako nagreply sa kanya dahil kailangan ko na talagang maligo. Mamaya ko na lang ititext pag papasok na ako ng school....
Nang matapos na akong maligo, nakita ko na gising na si Chelsey. Hawak hawak na nya ang minion na binili ko at nilalaro laro nya ito. Pisil pisil at yakap yakap. Tuwang tuwa ang bata. Lumabas na ako ng banyo at sinabe ko na sya naman ang maligo. Agad agad syang tumayo at lumapit sa akin. Niyakap nya ako ng mahigpit at bumulong...
“Kuya, salamat.... para sa akin pala yung hawak hawak mong stuffed toy kahapon. Kala ko kasi para kay Kim lahat...” tuwa niyang sinabe sa akin.
“Naalala kasi kita kahapon, diba favorite mo yan? Kaya binili ko na para sayo.” Bulong ko naman...
Matagal tagal kaming nagyakapan ni Chelsey. Siguro mga 5 minutes din iyon. Hindi ko alam kung bakit ganun katagal pero parang nadala kami ng emosyon. Bihira ko lang siya na makitang ganun kasaya, na ganun din yumakap. Naaamoy ko pa ang buhok nya habang nakayakap siya sa akin. Mabango pa rin ito kahit hindi pa sya naliligo. Nararamdaman ko ang kanyang dibdib at hindi tumagal ay parang umiinit ang pakiramdam ko.
Masyado ng matagal ang yakapan namin at inilayo ko na siya.
“Oh tama na... Maligo ka na, bilisan mo lang ah!” Sabi ko sa kanya habang nakahawak ang mga kamay ko sa balikat nya.
“Sorry naman...” Patawang sabi ni Chelsey.
Ang gulo din ng babaeng yun... Kagabi sobra kung hindi makapansin, ngayon naman may payakap yakap pang nalalaman. Buti okay ang mood nya ngayon, maganda ang gising... Lalo tuloy syang nagiging cute at gumaganda.
Bumaba na ako sa kusina at nakita ko si mama...
“Good morning ma.” Bati ko.
“Oh maganda ata ang gising mo ngayon anak ah?” Banggit ni mama
“Inspired po.... Ma, may nililigawan ako. Si Kim, yung kaklase ni Chelsey. Yung andito nung isang araw. Naaalala mo ma? Yung ano, yung maganda.” Kinikilig na sabi ko
“Ahh oo anak, naalala ko. Okay din yun, magalang at simple lang.” Sabi nya habang inaayos ang mga platong kakainan namin.
“Tulungan na kita dyan ma....”
“Ma, hindi ko nga po pala nabili yung buko pie nyo kahapon. Nagkita kasi kami ni Chelsey sa mall tapos nanood kami ng sine kasama yung bago nyang boyfriend. Pasara na yung mall nung matapos yung palabas kaya hindi na ako nakabili. Pasyensya na mama ah? Bawi nalang ako...”
“Okay lang yun anak. Teka, si Chelsey may bagong boyfriend? Hindi ko alam yun ah, hindi naman nya nababanggit. Dati dati naman, lagi syang nagkwe-kwento sa akin.” Nagtatakang sagot ni mama.
“Eh shempre ma, minsan kailangan ding magsekreto ng tao noh. Privacy ba.” Sabi ko at umupo na ako para kumain ng agahan...
Habang kumakain ako, bumaba na ang kapatid ko na yakap yakap yung minion na binigay ko... Hindi inaalis pati sa pag upo sa harap ng mesa. Inilapag nya ito katabi ng plato nya. Parang gusto pa atang pakainin. Pakasalan na lang kaya nya noh? *Hahaha
“Alisin mo muna yan dito, baka madumihan oh. Clumsy ka pa naman minsan.” Payo ko sa kanya. Baka nga naman madumihan, yellow na yellow oh. Kitang kita yung mantsa pagnagkataon...
“Uy hindi ah. Hindi ko dudumihan to, alagang alaga ko yata tong si Chad.” Pagmamalaki nya. Sana wag lang talagang madumihan. Hotdog pa naman yung pagkain namin... May ketchup. Pag yan talaga nadumihan, kokotongan ko to sa ulo
“Chad? Watdapak...” Tanong ko, ang weird talaga... Pati stuffed toy may pangalan na din. Bahala nga sya.
“Oo, sya si Chad.... Cute nya dba? Ang cute ng bebe ko... hello bebe ko, kain ka na bebe ko...” Sabi nya habang kinukurot ang cheeks nung minion.
“Oh, sino na naman ba nagbigay nyan sayo?” Tanong ni mama sa kapatid ko
“Ahhmm si kuya ma, ang sweet nya diba?” patawa ni Chelsey
“Syempre naman anak, mahal na mahal ka ng kuya mo noh... Kahit lagi kayong nag-aasaran, kahit lagi kayong nagpipikunan, kahit lagi kayong nagsisigawan and yet mahal nyo pa rin ang isa’t isa.” Sabi ni mama.
Nabigla ako sa sinabing iyon ni mama. Natahimik kaming dalawang magkapatid. Hindi ko alam kung literal na “mahal” ang tinutukoy nya.
Nagsalita ako sa isip ko.... Ma? Ano? Mahal na mahal? Is it natural dahil kapatid ko sya? O may iba ka ng napapansin sa mga ikinikilos ko? Hmmm. Wala naman sana. Saka hindi naman ako pwedeng ma-inlove ako kay Chelsey eh. Hindi pwede dahil magkapatid kami.
Binilisan ko na lang ang pagkain ko at saka tumayo na ng hapagkainan... Nagsipilyo at nagpaalam na kay mama. Palabas na ako ng gate ng marinig ko na may nag-busina na naman sa harap ng bahay namin. Alam ko na ito, si Peter ito at susunduin nya si Chelsey.... Agad agad na lumabas na ang kapatid ko at iba ang nakita naming dalawa.
Si Kim pala iyon. Nasa taxi, naka-dungaw sa bintana.
“Kuya james! Ikaw ah, di ka nagtitext... Tara sabay na kayo sa akin.” Sigaw ni Kim
Nabigla ako at si Chelsey naman ay napahinto. Akalain ba naming pupunta si Kim dito. Sinundo pa ako. (*Hahaha feeler) Nagulat lang talaga kami. Naglakad kami patungo sa kanya at sumakay na sa taxi....Hindi ko makausap si Kim dahil na sa harap ako at silang dalawa ay nasa likod. Mamaya na lang pagdating sa university.
YOU ARE READING
Ang Kapatid Kong Player (On-going)
Teen Fiction"Lagi na lang akong bigo sa pag-ibig. Hindi sinasagot o kaya naman minsan ay hindi tumatagal sa isang relationship. May itsura naman ako kahit papaano, pero bakit ganon? Ang gulo lang talaga ng mga babae. Binibigay naman ang gusto nila pero parang k...