Nang nakadating kami sa mall..... Sa ice skating range agad ang punta namin. Per hour ang rent doon kaya dapat sulitin na ang mga sandali. Inalalayan ko sya kasi kwento nya ay first time nyang mag ganito. Ako na din ang nag-soot sa kanya ng sapatos pang skate. Inalalayan ko syang tumayo at yun nga, nagstart na kaming mag ice skating
Hindi ko alam ang gagawin ko nung ipinatong nya ang mga kamay nya sa balikat ko. Alalayan ko daw siya. Hindi ko alam kung namumula ako ng dahil sa lamig o namumula ako ng dahil sa kilig. Mixed emotions. Sa totoo lang, naiihi ako. Ewan ko kung bakit.
Itinuro ko sa kanya kung paano tumayong mag-isa sa yelo, paano igagalaw ng tama ang mga paa at paano iloloko ito sa kaliwa at kanan. Sa una, nahihirapan pa siya. Medyo na tutumba tumba pero andito na naman ako, na laging nasa tabi para saluhin siya.
Unang attempt nya at natumba siya. Itinayo ko siya ngunit pati ako ay nadulas din. Hindi sadya ang pagkakatumba kong iyon at muntik ko na siyang mahalikan sa pisngi. Natigil ang oras ko ng mga sandaling iyon. Parehas kaming halos naka-upo sa malamig na yelo at saka nagtatawanan. Parang mga batang ngayon lang nakapag-laro.
Pinakapit ko siya sa may mga bakal na bars ng range para doon muna siya mag practice ng balance. Hindi na namang sadya na nahawakan ko ang kamay nya sa mga bars na iyon. Patay malisya kuno pero deep inside, tuwang tuwa ang puso ko. Tila nagpapalakpakan.
Tumatagal tagal at medyo okay na siya, nakakasabay na din siya sa bilis at sa mga liko ko. Ang saya lang. Ang saya makitang nageenjoy yung taong gusto mo. Nakita ko na onting gininaw na sya at ibinigay ko ang jacket na soot ko. Nakita ko na inamoy nya muna iyon bago suotin....
“Ang bango kuya James ah?” Sabi nya...
“Aahh talaga? Shempre naman noh, alagang downy yata yan.” Yabang ko...
At tuloy tuloy na kaming nag ice skate....
Tumigil siya at may sinabi...
“Salamat ah?” Namumula nyang sinabi sa akin...
“Para saan naman?” Kunwari di ko na naman alam. Down to earth ako eh. Hahaha
“Dito.... Sa ganito.”
“Oo naman Kim, wag ka na magpasalamat. Ako nagyaya sayo kaya dapat ako sagot sa lahat ng mga gagawin natin. Kahit sa pagturo, akong bahala sayo....”
Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan nya ang mga kamay ko. Kahit naka-gloves kaming dalawa ay ramdam na ramdam ko parin ang init ng kanyang mga kamay. Parang gusto ko ng umalis dito at dalin siya sa ibang lugar. *Evil laugh
YOU ARE READING
Ang Kapatid Kong Player (On-going)
Teen Fiction"Lagi na lang akong bigo sa pag-ibig. Hindi sinasagot o kaya naman minsan ay hindi tumatagal sa isang relationship. May itsura naman ako kahit papaano, pero bakit ganon? Ang gulo lang talaga ng mga babae. Binibigay naman ang gusto nila pero parang k...