C h a p t e r 40: He left

2.6K 106 30
                                    

C h a p t e r 40: He left

Frixie's POV

Nagspazz lang ako ng biglang may kumatok sa pinto ko. Pagkabukas ko naman si Yuta yung nasa labas hehe.

"Xixi!" Tapos hinug niya ako ng mahigpit. Ano kayang problema nito? Sobrang higpit eh.

"May sasabihin sana ako sayo" tapos bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin at umupo kami sa kama ko.

"Anu naman yun? At may yakap effect ka pa? Wag mong sabihin gusto mo pa ng yakap? Teka, tatawagin ko si Xiumin oppa! Mas masarap yakapin yun chubby yun eh hehe" tatawagin ko na sana si Xiumin oppa nung bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"Hindi kasi yun. Upo ka muna dito" naupo naman ako sa tabi niya. Alangan naman tumayo ako, upo nga eh diba?

"Anu ba kasi yun? Kung hindi yakap, anu yun?" Takhang tanong ko sa kaniya.

"Kasi, Xixi gusto ko lang sana uli sabihin sayo na I like you ..."

"Ahhhh! Hehe diba sinabi mo na sakin yan? Thankyou uli sa like! Ang bait mo pa hehe"

"Seryoso kasi ako"

"Ako din kaya, seryoso din ang pagthank you ko sayo noh! Hahahaha"

"Tsk. I like you as in I like you! Gusto kita hindi dahil gusto kitang kaibigan o little sister gusto kita ng higit pa sa kabigan Xixi. Huhuhu! Sana naman magets mo oh, mas mahirap pang makipag-usap sayo kesa i-reject mo eh huhuhu. Naiiyak na ako sa kaslowan mo hindi dahil sa nireject mo ako!" Tapos nagpunas pa siya ng luha niya wala namang natulo. Parang Suho oppa lang kapag nananalo sa awardings, umiiyak ng walang luha.

Pero teka? Gusto daw niya ako ng higit pa sa kaibigan? Hm .... Diba kapag ganon gusto kang maging asawa? ASAWA?!

/gasp/

"Ano nagets mo na ba?"

"Hala, oo .... Dati mo pa sinasabi yun pero di ko nagegets huhu sorry"

"Sorry? Kasama ba jan na nirereject mo ako?"

"Hm, pwede?"

"Xixi naman eh"

"Hehe joke lang eh! Pero kasi ..."

"Alam ko na~ Di mo na kailangang sumagot. Alam ko na rin naman eh" ngumiti siya sakin pero yung ngiting yun, yun yung ngiting hindi totoo. Hindi katulad dati nag shine bright like a diamond ang ngipin niya kapag nangiti siya. Huhuhu! Kasalanan ko to eh ...

"Sorry ha"

"Ok lang. Basta promise mo sakin ako lang nag-iisang lalaking magbibigay sayo ng blue na panyo ha?"

"Sige! Promiseeee" tapos nag pinky promise siya.

"Xixi, may sasabihin pa pala ako sayo ..."

"Ano yun?"

"Bukas na kasi .."

"Ang alin? Pa suspense ka naman eh!"

"Aalis na ako, pabalik sa Japan"

"HA?! WAAAAH!!! BAKIT MO AKO IIWAN?!" Tapos nag-iyak na ako.

"*sob* Bakit ka aalis? Pano ka na mag training niyan? Pano na pangarap mong maging idol? Diba kaka balik mo lang dito? Bakit aalis ka nanaman? Ang daya mo naman *sob* tapos ngayon mo lang sinabi sakin yan, kung kailan bukas na ang alis mo!" Pinunasan niya naman ang luha ko. Ang daya naman kasi talaga niya eh!

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon