C h a p t e r 15: Danger

3.4K 138 59
                                    

C h a p t e r 15: Danger

[EXO]

Nagulat ang doseng lalaki ng may narinig silang nag sisigawan sa pool side kaya naman agad silang tumakbo papunta dun.

"Anong meron?" Tanong ni Kris kay Jessica.

"Si -- SI FRIXIE NALAGLAG SA POOL"

"What?! Si Princess, what da!"

At tumakbo na sila sa pool.

Tatalon na sana si Luhan para iligtas si Frixie ng may nauna sa kanya ..

'Taeyeong again' bulong nya sa isip niya.

Nag panic naman agad ang iba, pero yung hello kitty freak ay naiinis sa sarili niya at kinakanta sa isip niya ang That shoul be me. Malunod lunod na ang girl member nila yan pa din ang iniisip. Lintek na nanay yan walang kwenta!

Pag-ahon ni Taeyeong sa pool at buhat si Frix ay mahahalata mo sa mukha nya na nag-aalala na ito.

"What happened?" Tanong nung pinaka matangkad na leader nila. Si Suho.

Hindi naman agad naka sagot si Taeyeong dahil agad niyang inilapag si Frixie sa lapag. Alangang ilapag nya sa pool edi lalong nalunod yan.

"Teka anong gagawin mo?" Tanong ni Luhan.

"CPR" maikling sagot nito. Di niya alam na ang sunbae nya ang kausap niya dahil kaligtasan lang ni Frixie ang inaalala niya ngayon.

"WHAT?! HAHALIKAN MO SIYA?"

"Luhan. This is not the right time to talk about that." Mahabang litanya ni Kris. Ewan ko pero para sakanya 100 words na yan.

Nagsimula na si Taeyeong na gawin ang dapat gawin. Pinump nya ang dibdib ni Frixie ng tatlong beses, at tsaka niya ito binigyan ng hangin.

Hindi alam ni Sehun kung matatawa siya o mag-aalala dahil nagtatakip ng mata si Luhan. Kala mo mag papainject eh. Hays.

Naka-ilang ulit pa siya at bigla naman nagbuga ng tubig si Frixie.

Naka hinga naman ng maluwag ang lahat ng tao sa party.

"Shang Xi Unnie!!!! OMO! Oppa what happened? Have you called ambulance oppa?"Sabi ni Lami ng makita niya ang nangyayari.

"I already called" Sagot naman ni Tao.

"Bakit ba kayo nag english?" Mahinang sabi ni Frixie na ikinagulat ng lahat at agad naman dumating ang ambulance.

Agad nilang isinakay si Frixie at si Chanyeol na lang ang sumama sa loob. Si Taeyeong kailangan daw muna mag palit dahil basang-basa na siya.

Agad namang dumating si Yuta na may hawak na Chocolate cake with matching Cookies n' cream Ice cream with a cherry on top.

Agad naman siyang nagtanong kay Taeyeong kung ano ang nangyari. Pero nagulat siya ng bigla siya nitong sinapak.

"You're the one whom i saw with her. Bakit mo siya iniwan? Diba alam mo naman na hindi siya pwedeng malapit sa pool. Bakit ka pumayag?"

"Sorry Taeyeong. Im sorry" sabi nito at agad na tumayo para pumunta sa hospital kung saan dinala si Frixie.

"Okay! I know this party has not started yet. But maybe we can continue this in another time. So the party is over, sorry" Sabi ng KJ na CEO na si Young Min.

Wala naman silang magawa kundi ang mag si uwian sa kaniya-kaniya nilang tahanan. Umalis na din si Taeyeon para mag palit ng kaniyang damit.

Naiwan naman dun si Sehun at Kris. Ang dalawang baba na hindi ko alam kung bakit hindi pa sila sumusunod.

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon