C h a p t e r 46: DO's problem

2.1K 99 24
                                    


Taeyong's POV

Pagdating ko sa bahay hinanap ko agad si Shangshang para maka-usap siya. Kaso laking gulat ko nang malaman kong umuwi na pala siya sa dorm nila.

Kaya dumiretso ako sa dorm nila. Nagdoor bell ako, napangiti ako ng si Shangshang ang nag bukas ng pinto nila.

"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. Akala ko cold niya lang akong titignan pero ngumiti siya ng malapad.

"Okay na okay na ako Taeee!!!!" Sabi niya tapos niyakap niya ako. Ramdam kong hindi pa siya gaanong okay.

"Wag ka ngang mag sinungaling sakin. Para sabihin ko sayo, bata palang tayo magkasama na tayo kaya alam ko kung okay ka o hindi." Sabi ko at niyakap siya pabalik. Ramdam ko ngayon na umiiyak na siya. "Hindi ka pa okay diba? Pero paano mong nagawa na ngumiti saakin? Bago ata yan? Kasi dati naman lagi kang cold eh! Kung hindi pa kita kakausapin hindi ka magiging okay" ganiyan yan siya. Kapag komportable siya sa nakausap niya nagiging okay siya. Ako lang ang nakakagawa non kaya nagtataka ako kung bakit nagawa niyang makangiti ngayon. "Sabihin mo, sino yang nakausap mo? At nagawa ka niyang pangitiin kahit hindi ka pa gaanong okay" ngayon pumasok na kami sa dorm nila. Napansin ko walang tao dito. Pinunasan ko yung luha sa mata niya.

"Wala naman Tae! Si Luhan oppa lang naman" sabi niya tapos ngumiti. Ngumiti na lang din ako sa kaniya.

"Asan pala sila? Sila sunbaes"

"Walang tao dito pagdating ko pero si Luhan oppa nasa kwarto niya siya at may sakit. Kaming dalawa lang dito" nagulat naman ako sa sinabi niya

"ANO?!"

"Teka! Kalma lang"

"Hays, hayaan mo na nga. May ibibigay ako sayo" sabay inabot ko sa kaniya yung kwintas na may Angel na nakalagay. Isinuot ko sa kaniya "Siguro naman Shangshang eto na yung panahon para itigil na ang paninisi sa sarili mo. Sa tingin mo ba matutuwa sila tita jan sa ginagawa mo? Ayaw nilang malungkot ka. Kaarawan mo ngayon kaya dapat masaya ka" iniharap ko siya saakin. Umiiyak nanaman siya.

"Saan mo nakita tong kwintas na to?" Sabi niya habang titig na titig sa kwintas niya na bigay pa ng mama niya.

"Simula ng hindi mo na suotin yan, ako na ang nagtago niyan. Alam ko namang hindi ka magiging forever na sinisisi ang sarili mo noh" nginitian ko siya. "Walang forever!" Natawa naman kaming dalawa. "Bukas na bukas dadalaw tayo doon sa puntod nilang apat. Isama natin si harabeoji at lami. Wala ka naman sigurong gagawin bukas diba? Kasi kaninang pumunta ka don umiiyak ka, kaya umiyak din yung langit. Pinaiyak mo kasi sila sa taas. Kaya bukas, ipakita mo sa kanilang masaya ka na okay?"

"Alam mo Tae, ang swerte ko talaga sayo kasi lagi kang andiyan para saakin" sabi niya. "Dito ka na matulog, dun ka sa kwarto ko gabi na din oh! Delikado na sa labas!"

"SA KWARTO MO?!"

Nagulat kami ni Shangshang ng biglang sumabat si Luhan sunbae sa usapan namin.

"Oppa!! Diba mataas pa lagnat mo? Bakit bumaba ka na agad?" Sabi ni Shangshang tapos agad na inalalayan si Sunbae paupo.

"Eh kasi kala ko kung ano ng nangyari sayo dito sa baba"

"Ahh pero oo dun siya sa kwarto ko matutulog. Bakit gusto mo tabi kayo? Okay lang naman sakin na tabi kayo oppa. Ayiiee"

"Frixie magtigil ka nga!" Luhan sunbae

"Oo nga! Tsk" kinikilabutan ako sa sinasabi nitong babaeng to kahit kailan talaga.

"Okay /pout/ pero tara na akyat na tayo antok na ako eh!" Tumango na lang kami ni sunbae sa kaniya tapos sabay-sabay na kaming umakyat.

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon