C h a p t e r 47: May The Best Man Win

1.9K 98 24
                                    

Namiss ko bigla yung 'Never been your fangirl' yun ang unang fanfic na nabasa ko eh OMG. Kittypompom is ❤️

Anyway, BELATED HAPPY MINSEOK DAY! GURANG KA NA PERO MUKHA KA PA DING 10 YEARS OLD JUSKO. 🎉🎉🎈

C h a p t e r 47: May The Best Man Win

Frixie's POV

"PEN PEN DE SARAPEN GILAGID NIYA NAGNININGNING HAW HAW DE BABA NIYA MATULIS PA DIN!" Sigaw ko. Ayan yung tinuro saakin ni Chen oppa kapag ginising na daw namin sila HAHAHAHA. Lalo daw kay Kris appa.

Anong oras na kasi sila umuwi kagabi kaya tulog pa din sila. Si Taeyong naman umuwi muna kasi ngayon nga pala ang punta namin sa puntod nila mama.

Si Chen oppa naman may hawak hawak na dalawang takip ng kaldero tapos yun yung pinapatunog niya. Sila oppa naman inis na inis na. Bakit kaya?

"FRIXIEEEEE!!!!! SHUT UPP!" Sigaw ni Suho oppa sakin. Ano daw yun?

"HA?!" Tapos nagtalon talon pako sa kama niya at tumakbo pa sa ilang kwarto hehe.

"JUNMYEON JUNMYEON ANG LIIT LIIT! KUNG KUMILOS KUMILOS ANG SIKIP SIKIP! BULILIT! CAMELIA HOUSE" nag-eendorse na pala si Suho oppa ng mga bahay? Hehe yan kasi narinig kong kinakanta ni Chen oppa.

Tumakbo naman ako ngayon sa kwarto ni Luhan oppa. Wala na daw kasi siyang lagnat eh kaya pwede na namin siya gisingin hehe.

Pagdatin ko don sisigaw na sana ako at kakanta ng may nakita akong familiar na lumang panyong blue. Tinitigan kong mabuti at tsaka yun kinuha. Teka ...

"Frixie!! Andyan ka pala?" Biglang tanong ni Luhan oppa tapos hinablot yung panyo

"Ah syempre oppa wala ako sa labas" sabi ko. Ginulo niya naman yung buhok ko.

"Kulit mo talaga tara na nga sa baba" sabi ni Luhan oppa tapos bumaba na kami. Nakaka panibago naman.

"Oh?" Gising na pala silang lahat. Kaya lahat sila napatingin saamin ni Luhan oppa tapos gulat na gulat pa.

"Oh? Oh Sehun?" Pagpapatuloy ko sa sinabi ni Appa. Nagtawanan naman sila.

"Himala magka vibes ata kayo ngayon?" Tanong ni Kai oppa.

"Bati na kami!" Sigaw ni Luhan oppa tapos inakbayan ako. Nag-okay sign naman si Tao sa kaniya.

"CELEBRATION TAYO YES!!! SA WAKAS!" Sigaw ni Baekhyun oppa.

"MAMAYA!! DUN TAYO SA RESTAU NILA EOMMA" pagtutuloy naman ni Chanyeol oppa.

"Ah kasi oppa ... Aalis kami mamaya ni Taeyong. Pupunta kami sa puntod nila mama" sabi ko.

"Edi mas okay! Dun tayo bumisita sa puntod ng mama mo diba?" Sabi ni Xiumin oppa.

"TAMA! Picnic na lang tayo, magluluto ako mamaya kaya kumain na kayo para makapag handa na" sabi ni DO oppa. Kaya bigla na din akong naexcite.

Kumain na ako ng mabilis tapos diretsong umakyat sa kwarto para maka pag-ayos na din. Nagsuot lang ako ng blue dress tapos, tapos na.

Sumakay kami nila oppa dun sa van ng EXO-M syempre madami kami kaya hiwalay uli.

Katabi ako ng bintana tapos si Luhan oppa naman sa kabilang side ko.

"Grabe ha? Luhan maka dikit kay Frixie ha parang mawawala?" Chen.

"Ha? Bat naman ako mawawala?" Takang tanong ko. Shunga nito ni oppa alam niyang nandito ako sa loob ng sasakyan tapos mawawala pa ako.

"Wag mong pansinin yan si Chen. Minsan talaga naka drugs yan" sabi naman ni Luhan oppa.

"NAKA DRUGS?! Hala diba masama yun?" Gulat kong tanong. Si Kris appa naman napailing.

"Kung ano-anong sinasabi niyo kay Princess. Could all of you just please stop?" Kris.

"Even eating?" Sabi ni Xiumin oppa na maraming laman pa yung bibig. Hahaha ang cute.

"Hyung bawal mag salita kapag puno pa yung bibig" Sabi naman ni Tao. Ang kulit nanaman nila kaya tumingin na lang muna ako sa bintana.

"Frixie?" Luhan.

"Bakit oppa?"

"Hm, wala lang" pagtingin ko sa kaniya ang lapit na sobra ng mukha niya sa mukha ko.

Waaaah! Eto nanaman yung ang bilis ng tibok ng puso ko. Katulad lang nung nagpunta kami sa bahay nila harabeoji. Nung nasalo niya ako nun huhu. Dapat talaga nagpatingin na ako ng puso ko nun eh.

"Ehem! Nandito na tayo!" Sabi ni Chen oppa na naubo pa.

Napatayo agad si Luhan oppa tapos lumabas. Ako naman ginising ko si Lay oppa tulog nanaman kasi.

"LAMIIIIII!!!" Sigaw ko pagbaba ko ng van.

"SHANGXI EONNIEEEE!!!!" Sigaw naman pabalik ni Lami tapos tumakbo papunta saakin. Agad niya akong niyakap pagkakita niya saakin. Hehe namiss ko siya ha!

"Namiss kita!!" Sabi ko tapos kiniss ko siya.

"Ako din eonnie! Ang daya mo eh, kinalimutan mo na ako" sabi niya tapos nag pout pa.

"Ha? Kailan kita kinalimutan? Wala akong maalala. Nagka-amnesia ba ako?" Bigla siyang tumawa.

"Kahit kailan ang slow mo talaga eonnie"

"Ako? Slow? Hindi mo nga ako mahabol kapag naglalaro tayo eh! HAHAHAHA" tumayo ako tapos tumakbo palayo sa kaniya. "Habulin mo ako!!"

Namiss ko yung gantong buhay. Simple lang, walang gaanong nakakakilala sayo. Hindi ganon ka-kumplikado kapag lumabas ka at naglakad sa paligid mo.

Pero kahit ganon pa, nagpapasalamat pa din naman ako kasi naging parte ako ng EXO at nakilala ko ang doseng lalaki na tinuring akong tunay na prinsesa kahit na minsan ang weird weird nila hehe.

Bakit parang nagpapaalam nako? Nahahawa na tuloy ako kila oppa sa kaweirduhan nila.

Luhan's POV

Pinapanood ko lang si Frixie habang tumatakbo siya. Napaka isip bata talaga kahit kailan. Hindi ko maintindihan kung bakit nagka gusto ako sa kaniya.  Nung una gusto lang naman talaga eh. Bakit kanina iba yung naramdaman ko?

"Gusto mo siya diba? Sunbae?" Biglang sabi ni Taeyong sa tabi ko.

"Ha? Sino?" Napalingon ako kila Kris na nagluluto ngayon ng beef. Sila Chen at Baekhyun naman nakisali na sa pakikipag habulan. Si Xiumin hyung naman at Lay iniinis si Kris at Chanyeol habang nag-luluto. Si Sehun naman, hindi ko alam kung anong ginagawa niya kasi naka-upo lang siya. Si DO at Kai naman may pinag-uusapan at parang may kakaibang aura. Parang may plano sila sa kung sino. Kaisoo nga naman. Si Suho at Tao naman nagtuturuan ng martial arts.

"Sunbae, alam naman naming lahat na gusto mo si Shangshang" Lahat? "You're too obvious" nakatingin lang ako sa kaniya.

"Gusto ko din siya." Alam ko. Pero tahimik lang ako at inaantay yung susunod niyang sasabihin. "At ipaglalaban ko siya. May the best man win" nginitian niya ako at tsaka niya inaboy yung kamay niya. Inabot ko at ngumiti din sa kaniya.

"May the best man win"

----

Hi guys! Sorry kung natagalan sa UD ha? Maraming sorry talag huhuhu! Here's my UD sana magustuhan niyo!

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon