C h a p t e r 75: Fine

362 23 31
                                    

C h a p t e r 75: Fine

"Hyung! Hyung!" Mahinang paggising ni Kyungsoo kay Xiumin. "HYUNG!"

"Bakit ba??? Ang aga-aga eh ano ba naman yan."

"Hyung, si Frixie alam ko kung nasaan" ang malambot na kama na tila hinahatak ang kaninang antok na antok na si Xiumin ay biglang napatayo sa kaniyang hinihigaan, na para bang may pwersahang humatak sa kaniya patayo. Ang puso niya ay malakas ang pag kabog at ang buong katawan ay nanginginig sa di malamang dahilan. Takot na baka hindi ito totoo at nananaginip lang siya, pasasalamat kung totoo man at pagkagulo kung paano at saan ngayon ang babae nilang miyembro na isang taon na nilang hindi kasama.

"T-totoo ba?"

"Oo hyung. Pero sana saatin muna tong dalawa. Tsaka natin sabihin sa kanila kapag nakita na natin si Frixie ng personal."

"Pero paano? Paano mo alam? Bakit at paano siya nabuhay?" Naguguluhang tanong ni Xiumin sakaniya.

"Hindi ko din alam hyung, pero hyung, yung company natin sa ngayon hindi pa natin mapagkaka tiwalaan."

"Kyungsoo sana hindi ito prank, bakit pati company natin?" Ngayon ay napa-upo na si Xiumin habang naka kunot ang noo.

"Hyung, since ikaw pinaka matanda dito, sayo ko na muna sasabihin to. Yung company natin, yung SM. Hindi nila mas sinusubukan hanapin si Frixie. Sinubukan kong mag suggest sa kanila pero sarado yung tenga nila, parang lahat ng ginagawa nila, para lang sa pera at publicity. I don't think they are trying hard enough to find Frixie as we all think they are."

"Paano mo nahapan si Frixie? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon? Bakit yun gagawin ng company natin? Kasi, Kyungsoo, may konsensya pa din naman yun. Hindi lang basta umalis saatin, pero nawawala, isang trahedya yung nangyari saatin at sa lahat ng artist at workers nila. Paano mo nasasabi yan?"

"Sinubukan ko kasing sumama, sinubukan ko din na magbigay ng pwedeng mag trabaho sa kanila o tumulong sa paghahanap, kasi isang taon na, wala pa din. Kahit katawan niya." Hindi alam ni Xiumin kung paano siya mag re-react sa mga huling sinabi ni Kyungsoo. Pero alam niya sa sarili niya, at malinaw na hindi niya pa niya kayang tanggapin ang nangyari o kung ano man ang totoong kalagayan ni Frixie ngayon. "Ang sabi lang nila, alam nila ang ginagawa nila. Isang taon kahit mga propesyonal ay walang magawa. Baka mas okay daw na mag pahinga muna, pero nakikita mo naman, isang taon na pero buhay pa din sa public ang nangyari at ipinapakita parin ng SM na naghahanap sila." Naka tungo lang si Xiumin habang nakikinig kay Kyungsoo. "Pero alam ko na kung nasaan siya."

"Paano?"

"Naalala mo yung kaibigan kong tumulong saakin mahanap si Danielle? Hyung, siya, siya yung nakahanap kay Princess, hyung." Hindi na napigilan ni DO na mapa-iyak at mapa piyok ang kaniyang boses. Agad naman siyang niyakap ni Xiumin at dahan dahan itinanong ang ka-isa-isang gumugulo sa kaniyang isip.

"Is— Is she alive?" Mahigit sampung segundo bago naka tugon si DO kaya naman ang kaba at takot na malaman ang totoo ay bumalot kay Xiumin.

"Oo hyung. At masaya siya, may nag-aalaga sa kaniya at tingin ko naman mahal siya ng mga nag-aalaga sa kaniya. At dun, sapat na akong malaman muna yon kaya hindi ako pumunta sa kaniya agad. Sapat na saakin yung malaman muna na okay siya, kaysa malaman na wala na siya saatin." Kahit si Xiumin ay hindi na napigilan pang ma-iyak ng marinig niya na buhay pa ang kanilang nag-iisang babaeng miyembro.

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon