C h a p t e r 76: Geu Nyeon

220 13 12
                                    


C h a p t e r 76: Geu Nyeon

Luhan's POV

Sobrang mabigat pa din sa loob ko, lahat ng nangyari kahit pa sabihin nating isang taon na ang nakararaan simula nung umalis si Kris at iwan kami, matagal na pero yung galit na meron ako sa kaniya, buong-buo pa din. At hindi ko alam kung mawawala pa ba yun.

Sa lahat ng member, sayo ako pinaka nag tiwala. Tapos yun pala ang naglalaro sa isip mo. Isa kang malaking duwag.

Kinausap ni Suho sa telepono ang dalawa naming manager, to tell them we are going for a vacation, para maka release man lang ng stress sa mga katawan namin. Pero ito kami, pupuntahan namin si Frixie.

Kinakabahan ako, kasi sa loob ko may malaking chance na baka hindi siya yun. Kinakabahan ako na kapag nakita ko siya, ano ang sasabihin ko? Ano ang reaksyon na ibibigay ko?

Si Frixie, ang first love ko. Hindi ko inakala na makikita ko ulit matapos ang ilang taon. Akalain mo yun? Para akong sasaeng dati na laging naka tingin sa kaniya sa malayo. Tapos bigla, siya pa ang naging bagong miyembro ng EXO? Mapag laro ang tadhana.

Kahit nagka gusto ako sa iba noon, totoo yung sinabi nila. First love never dies.

Miss na kita. Baobei ko. Sobrang miss na kita. Nawala ka sa paningin ko noon, at naulit pa uli. Ngayon, sisiguraduhin kong hindi ka na uli mawawala pa sa tabi ko.

Pero ang pinaka masakit din kasi sa parte ngayon. Kung totoo nga na buhay ka, bakit hindi mo man lang naisip na may taong tulad namin na hinihintintay ka?

Aaminin ko, gustong sumama ng loob ko pero, sa ngayon mahalaga na buhay ka.

Van ang sinasakyan namin ngayon papuntang airport, si Kai ang nagda-drive nito. Wala na kahit sino saamin ang nanubok mag salita. Siguro dahil kahit ba ganon ang ingay namin kanina at ang excitement, lahat kami ay nag-iisip at may kaniya-kaniyang tanong sa utak namin.

Ano na lamang ang magiging reaksyon mo pag nalaman mo na ang naiwan mong sitwasyon ay hindi na katulad ng dati?

Nasasaktan ako para sayo. At mas lalong nasasaktan ako pag nakita ko na kahit gaano pa kabuti ang mga nag-aalaga sayo ngayon, eh nahihirapan ka sa estado ng buhay mo at malayo iyon sa buhay na pinangarap at pinaghirapan mong makuha.

Nakamit mo nga, ang bilis mo ding nawala.

Pero ngayon makakabalik ka na kami. Lalo na ako.

Nang marating namin ang airport at maingat pa din ang pag disguise namin. Sinigurado namin na walang makaka kilala saamin na kahit sino. Iilan lang din ang bagahe na dala namin dahil na rin sa biglaan lang to at mas iniisip namin si Frixie.

Isang oras lang din naman ang byahe hanggang sa Yeosodo. Yun nga lang ay dalawang oras kaming mag-aantay dito, dahil mamaya pa ang flight namin. Ang iba saamin ay natulog muna, ang iba naman ay kumakain.

Naka tingin ako sa screen sa harapan ko dahil nandoon ang balita na nandito na uli si Kris. Anong mararamdaman mo, kapag nalaman mong buhay siya?

Naalala ko pa yung mga sinabi mo noon, lalo na saakin mo unang sinabi na sumuko na tayo.

Naiintindihan ko, pero nung nadala ka na grabe, parang hindi ikaw ang isa sa pinaka naging close ni Shang Xi.

Inalis ko ang tingin ko doon at tumingin sa labas, mataas ang tirik ng araw at kitang-kita ko ang mga eroplano sa labas. Inaalala ko lahat ng alala na meron tayo baobei. Lahat yun, sa loob ng maraming bwan na wala ka sa tabi ko, tanging ala-ala lang natin ang nagbigay saakin ng lakas. Lakas ng loob na makikita pa kita, makakasama at mayayakap.

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon