C h a p t e r 52: A weird date II

1.5K 90 43
                                    

C h a p t e r 52: A weird date II

Luhan's POV

"F-First L-Love?" Nauutal na sabi saakin ni Frixie. Grabe sobra akong kinakabahan sa nangyayari ngayon. Tsk, kasalanan nila to eh! Wala naman akong planong mag tapat ngayon.

"P-Pero kasi oppa--" hindi ko na tinuloy yung sasabihin niya at nagtakip ako ng tenga.

"Wingwingwing!!!! Wala akong naririnig!!" Ayoko ngang marinig na nireject niya ako.

"Hala?! Bakit bingi ka na ba?" Sabi niya.

"Hindi! Ano ka ba, kumain na nga lang tayo" sabi ko tapos pinaupo siya sa upuan. "Gusto mo ng steak?"

"Nagtanong ka pa oppa eh steak lang naman ang nandito. Niloloko mo ba ako o gusto mong ipakain saakin yung plato? Grabe ka naman saak--" hindi ko na siya pinatapos magsalita at nilagyan ko na ng steak yung bibig niya.

"Ang daldal mo talaga!" Nginuya nya na lang yung sinubo kong steak sa kaniya habang naka pout. Tapos nilagyan ko siya ng steak sa plato niya kaya nagsimula na siyang kumain. Seryoso nga pala to kapag kumakain siya.

Nilingon ko si Chen at Baekhyun at walangya yung dalawa naka ngiti don tapos nag bubulungan pa. Sinenyasan ko silang dalawa na umalis pati yung mga nagtatago. Kaso ayaw nila, chismoso talaga ng mga to! Si Sehun naman naka yehet face pa jusko.

"Nakalimutan ko palang sabihin sayo"

"Mmm?" Ang lobo na ng pisngi niya HAHAHAHA ang cute.

"Kung nasaan man si appa at eomma mo, sigurado akong masaya sila sa ginagawa mo. At lagi ka nilang binabantayan, sigurado din akong proud sila sayo kung ano man yang narating mo" napatigil siya sa pag nguya niya tapos medyo naluluha na yung mata niya pero ngumiti pa din siya. Ganon niya talaga kamahal ang magulang niya noh?

"Oppa? Ilan na naging girlfriend mo?" Bigla akong naubo sa tinanong niya. Knowing her hindi siya basta basta magtatanong ng mga ganiyang bagay.

"Eh ikaw ilan na naging boyfriend mo?"

"Ikaw tinatanong ko tapos sasagutin mo ako ng tanong? Pero sige lima na hehe"

"LIMA?!" Sigaw ko pero pati silang lahat sa likod napasigaw din.

"Oo lima. Si Taeyong, Yuta, Junhui, Jeonghan at Yixuan."

"HAHAHAHAHAHA BOYFRIENDS AS IN CHINGGU!" Sigaw ni Kris kaya para akong nabunutan ng tinik. Ewan ko pero kasi gusto ako yung una.

"Bakit? Akala niyo ba boyfriend na love? Syempre wala pa, lagot ako kay Taeyong" sabi niya kaya lahat kami napa ehem. "Bakit may ubo ba kayo?"

"Wala~ ang manhid mo naman kasi" napakunot noo niya tapos ginalaw niya katawan niya.

"Hindi naman? Dama ko naman eh" sabi niya. Hahahahaha! "Pero oppa bakit kasi ako yung nagustuhan mo? Eh nung una inis na inis ka naman saakin. Tsaka nung nalaman mo bakit hindi nawala yung inis mo saakin?" Napatigil ako sa tanong niya. Sa puntong to bumilis yung tibok ng puso ko. Ang bakla! Naka tingin lang siya saakin habang inaantay ako sumagot

"Alam mo ba kung bakit ako inis na inis sayo? Kasi sa lahat ng babae ikaw pa yung napansin ko. Ayokong mainlove pero pagdating sayo iba yung nararamdaman ko. Sa dami ng fans ko ikaw yung nakita ko. At naiinis ako kasi sa isang weirdo ako nainlove. Pero kahit ganon, nagpapasalamat ako dahil ang weirdong yun ay si Li Shang Xi" napatigil siya pero nakatingin lang siya saakin.

"Bakit ikaw? Di ko din alam pero kasi pagdating naman sa pagmamahal hindi mo mapipili yun eh! Hindi mo mapipili kung sino o kanino titibok to." Tinuro ko yung puso ko "Pero nagpapasalamat ako at tumibok siya sa tamang babae at yung babaeng yun ay ikaw" kinuha niya yung baso ng tubig tapos ininom niya ng straight.

"H-Hehe a-ang i-init" sabi niya tapos pinunasan pa yung noo niya.

"ANG KORNY MO LUHAN HYUNG!!!" Narinig kong sigaw ni Kai. Pero hindi ko siya pinansin. Di ko naman siya nakikita sa dilim.

"Ano bang dapat kong sabihin? Hehe" tanong ni Frixie.

"Wala. Wala ka namang dapat sabihin. Basta napasaya kita ngayon, masaya na din ako" nginitian niya ako and that smile makes my heart race. "Tingin ko tama si mama" I paused.

"Tama si mama sa sinabi niyang pakasalan ko daw yung babaeng may Y and X sa pangalan. You have that X both your stage name and your real name"

"Asan yung pagmamahal don? Nasa X? Hala" napahilamos na lang ako sa kamay ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano hahahahaha!

"Wala ka pa bang nagugustuhang lalaki?" Nagisip muna siya. Kinakabahan ako baka sabihin niyang meron na at hindi ako yun.

"Wala pa naman. Kasi hindi ko naman alam kung may gusto na ako sa isang tao eh! Baka hindi pa ito yung time na yun"

"Kung kailan man yun mag-aantay ako" tsaka ko siya nginitian.

"AYIIEEEEEEE!!!" Sigaw nilang lahat tapos naglabasan na.

"Date namin to! Bakit kayo makikisali?" Tanong ko sa kanila.

"Simple lang, nagutom kami sa kakornihan mo" Chen

"Nako! Princess wag kang lalapit kay Luhan hyung, kukunin niya yung puso mo!" Nagulat naman si Frixie tapos nanlaki yung mata.

"Oo tama si Kai, dudukutin niya yang puso mo. HALA" sabi naman ni DO tapos lalo pa niyang nilakihan mata niya.

"Etong KaiSoo na to! Ang hilig ng mang asar. Wag ka maniwala jan Frixie, kasi yung mata ni DO yung dudukutin ko kapag di aila tumigil" sabi ko naman ng lalong nagpalaki sa maya niya.

"UWAAAAAAH!!!! Bubulagin mo si oppa?! Bakit?! Wag! Kawawa naman siya!!" Sabi niya tapos tinakpan yung mata ni DO.

"HAHAHAHA JOKE LANG" sabi ko.

Wala na hindi na sweet sinira na nila yung moment namin ni Frixie. Epal kasi nila eh!

"Should we go now? You look dissapointed" Kris

"Pano kasi naki singit tayo sa date nila ni princess hahahaha!!" Suho

"Pero nung una talaga mas boto ako kay GD eh! Pero bagay din pala kayo" Xiumin

"Bagay? Tao kaya kami"

"Bagay as in you look cute together. Kapag kayo magkasama, at nagkataluyuan bagay kayo" Tao

"Pano naman yun? Eh parang mas mapagkakamalan pa siyang babae kesa saakin eh"

"HAHAHAHAHAHA" tawa naman nila.

"Manly ako manly! Ang ganda ganda mo kaya"

"Ayiiiieeee" sabi nila.

Napa tingin kami kay D.O ng biglang tumunog yung cellphone niya. Nakatingin lang kami sa kaniya hanggang sa yung malaki niyang mata lalong lumaki.

"Oh? Bakit hyung?" Tanong ni Kai.

"Si Danielle daw nakita na niya"

-------

Yo guys!!! HAPPY 4 YEARS ANNIVERSARY SAATIN!❤️❤️💓 Forever OT12 HUHU~~

Here's my UD sana magustuhan niyo!

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon