C h a p t e r 53: I found her (DO's Special)

1.5K 87 53
                                    


DO's POV

"Si Danielle daw nakita na niya" sagot ko sa sinabi ni Kai.

Bigla akong kinabahan sa nalaman ko. Eto na ba yung time para magkita kami?

Biglang tumunog yung cellphone ko at nakita ko may sinabi siyang name ng park. Pumunta daw ako dun ngayon na dahil andon daw siya ngayon.

Tumakbo na lang ako kahit alam kong tinatawag nila ako hindi ko sila pinansin. Excited ako na at the same time kinakabahan. Ano na kayang itsura niya noh?

Baka mamaya mas matangkad pa siya saakin.

Ani, grabe naman yun.

Mas okay kung mas matangkad ako sa kaniya. Cute couple.

DO ano ba yan! Couple agad? AGAD? Landi netong kwago na to'

Hay nako pati sarili ko kinakausap ko na. Kalma!

Dumaan ako sa Pizza store. Knowing her, matakaw siya kumain. Mas tatanggapin niya ito kesa sa material.

Ano kayang magiging reaction niya kapag nakita niya ako? Naalala pa ba niya ako, o ako na lang ang nakakaalala saamin.

Nakaramdam ako ng kirot dahil sa naisip ko. Wag naman sana!

Tsaka sana hindi din siya nagbago at ako lang pa din yung nag-iisang tao na tinatawag niyang oppa.

Dumiretso na ako sa kotse na dala ko at pumunta sa park na sinasabi niya.

Saglit lang nakadating na ako dun. Pagbaba ko wala na gaanong tao dito, gabi na din kasi. Diniall ko yung number ni detective kaya agad din naman siya sumagot.

"Saan dito?" Tanong ko

"Punta ka dun sa swing, silang dalawa lang yung nandon"

"Dalawa?"

"Oo, may kasama siyang lalaki eh? Lalaki nga ba? Ewan puntahan mo na lang kita ko pa naman sila dito. Pero aalis na din ako"

"Okay" nandito pala siya tsk. Tsaka lalaki? May kasamang lalaki? Hindi naman niya siguro boyfriend yun diba?

Hinanap ko yung swing na sinasabi niya, kundi din tanga sa dami ng swing dito hindi man lang sinabi kung saan banda.

Napatigil ako ng nahagip ng mata ko yung mga ilaw sa gilid.

Dahan-dahan akong, lumapit don at ...

Nakita ko yung dalawang tao na nasa swing, napa ngiti ako.

Pero habang palapit ako sa kanila, hindi ko alam kung sasaya ba ako o maiinis sa sarili ko dahil ang tanga ko at hindi ko siya agad nakilala.

All this time, ikaw yun. Dhen ...

Dhen's POV (Someone's POV)

"Gusto kita" nagulat at naguguluhan ako sa sinasabi ni Jeonghan ngayon.

"A-Ako?!" Gulat kong tanong.

"Ay hindi baka yung swing. Tsk oo ikaw" sabi niya kaya medyo natawa ako.

Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalita sa gilid namin kaya parehas kaming napatingin ni Jeonghan.

"Dhen" nagulat ako sa kaniya. Bakit siya nandito?

"DO oppa!"

"DO!" Sabi din ni Jeonghan.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumapit saakintapos bigla niya akong niyakap.

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon