C h a p t e r 49: First Win

1.6K 103 38
                                    

C h a p t e r 49: First Win

Third Person's POV

"Bakit ganon? Ang ganda ni Luhan oppa? Transgender ba siya?" Tanong ni Frixie kay Kris na ngayon ay katabi niya.

"HAHAHAHAHA Transgender? Aniyo, meron lang talaga siyang magandang mukha" sagot naman ni Kris.

Ngayon ay nasa backstage sila dahil magpeperform sila sa Inkigayo.

"Appa, bakit kapag lumalapit saakin si Luhan oppa yung heart ko parang may sakit ako sa puso. Siguro dapat mag patingin na ako sa doctor diba?"

"Hahahaha! Someday, you will know why. You are indeed an innocent girl haha" sabi ni Kris at inakbayan si Frixie.

"Hm, bakit someday pa? Baka yung someday na yun nangingitim na yung kuko ko dahil sa sakit ko sa puso. Appa talaga" bulong ni Frixie.

"Layuan mo ako Kai ha. Baka hindi kita matantya at ilagay kita sa oven para lalong masunog yang balat mong leche ka"sabi ni Chen kay Kai na ngayon kinukulit siya kung ano ang nangyari sa kanila ni sora.

"Si hyung naman, ang init ng ulo. Dapat nga nag papasalamat ka sakin dahil kung hindi ko yon ginawa, nganga ka ngayon."

"Bakit sila ba? Hindi naman diba? Isa lang yong Imahinasyon" dugtong pa ni Baekhyun kaya nahampas hampas sila ni Chen.

Napansin ni Frixie na nagkukulitan ang mga oppa niya kaya ayan nakitabi siya. Ano nanaman kaya ang kalokohan nitong madaldal na babaeng to?

"Lay oppa! Sabihin mo nga Feather 10x" at syempre uto-uto ang kaniyang Lay oppa ay ginawa niya yon.

"Nagpapa-uto nanaman si hyung kay Frixie hahahahaha" bulong naman ni Chanyeol kay DO

"Pwede ba Chanyeol? Lumayo lay ka saakin ha?" Sagot naman ni DO sa kaniya.

Pagtapos sabihin ni Lay ang Feather ng sampung beses nagtanong agad sa kaniya si Frixie.

"Anong english ng pakpak?"

"Feather!"

"Hindi kaya oppa! Wings kaya! HAHAHAHAHAHA" lahat sila natawa sa ginawa ni Frixie at si Lay ay napakamot nanaman ng ulo niya. Makakalimutin na nga lagi pa nilang pinagtitripan. Kawawang Lay.

"EXO!!" Sigaw ng host at yun naman ang paglabas ng EXO sa backstage.

Sinayaw at kinanta nila ang Call Me Baby.

Nakasuot sila ngayon ng T-shirt na may nakalagay na C-A-L-L M-E B-A-B-Y at dahi trese sila may E-X-O naman kila Luhan, Kris at Frixie.

Matapos nilang magperform ay agad din silang bumalik sa back stage.

"WAAAAH GRABE ANG DAMI NATING FANS SA LABAS!! PATI YUNG MGA FANCHANTS ANG DAMI NILA KYAAAAH!!"

"Frixie tara na!" Sabi ni Chanyeol tapos tinakpan yung bibig ni Frixie.

Kakain muna sila bago bumalik sa stage at malaman kung sino ang nanalo sa votes. As usual nagkakagulo nanaman sila sa pagkain.

"Grabe nakakagutom!" Sigaw ni Xiumin.

"Lagi ka namang gutom hyung! Hindi na bago yun!" Sagot naman sa kaniya ni Suho. Magsasalita na sana si Chen ng pangunahan siya ni Suho.

"Ano nanaman Chen? Na pandak ako at hindi na bago yun? Ha? Oo na nga eh! Tanggap ko na diba?" Sabi ni Suho.

"Luh si hyung, papakiabot ko lang yung manok." Sabi ni Chen sa kaniya kaya nagtawanan sila.

"Ay Princess namimiss ko na yung dinuguan ba yun? Yung filipino dish?" Tanong ni Kai kay Frixie.

"Yung kakulay mo oppa?" Sabi ni Frixie.

"HAHAHAHAHA AYAN BUTI NGA!!" Chen.

"Joke lang oppa, hehe sige lulutuan ko kayo mamaya pag-uwi natin"

"Nah, it's okay! You can do it tomorrow. Pag-umuwi tayo pagod na tayo" sabi ni Kris kay Frixie at tsaka ito inabutan ng chicken.

"Bibili ako ng inumin. Frixie anong gusto mo?" Tanong ni Luhan kay Frixie.

"Ayiiiieeeeee" sigaw nilang lahat.

"Bibili ng inumin pero si Frixie lang ang tinanong? Hyung ah napaghahalataan" sabi ni Tao.

"Epal mo talagang adik ka" sabi ni Luhan at inambaan si Tao.

"Hyung oh!" Sabi ni Tao sabay kapit kay Kris. Napatingin silang lahat kay Frixie na katabi ni Chanyeol habang kumakain. Mag kasundo sila kapag pagkain.

"Umamin ka na kathi thakaniya hyung" bulong ni Sehun.

"Ilang araw pa lang kaming nagkakasundo tapos aamin agad ako? Ayoko nga" tinawanan naman siya ni Sehun.

"Ako na nga lang ang thathama thayo" sabi ni Sehun at tsaka sila umalis.

Habang kumakain sila bigla silang nakita ng Bigbang kaya lumapit agad ito sa EXO.

"Hi Wifey!" Bungad ni GD kay Frixie.

"Wow! Yung fanboy nandito" sabi ni Baekhyun.

"HAHAHAHA" agad na tawa ng bigbang members.

"Tsk! Jugullae?!" Sigaw ni GD sa mga ka members niya.

"Sila ba yung nag video sayo? Hahahaha ang galing niyo!" Sabi ni Suho sabay thumbs up pa.

Bumalik ang tingin ni GD kay Frixie na kumakain pa din.

"Wifey, kamusta?" Nakangiting sabi ni GD.

"Okay lang ako! Ikaw ba?" Napaawang ang bibig ni GD dahil inaantay niya pa ang kadugtong ng sasabihin ni Frixie. "Ahh! Hubby!"

"Yes!" Sabi ni GD sabay kinilig pa kaya natawa sa kaniya ang EXO at ang co-members niya. "Aalis na kami Wifey ha? See you tomorrow" sabi niya sabay pisil ng pisngi ni Frixie.

"Tapusin niyo na din yan para makapunta na tayo don sa stage" sabi ni Suho.

Tinapos na din nila ang kinakain nila at inantay nilang makabalik sila Luhan at Sehun para mainom na nila yung mga binili nila.

Pagdating ng HunHan ay agad na din silang pumunta sa Stage dahil tinatawag na din sila.

Magkakahawak ang kamay ng EXO dahil sa kaba nila. Lalo na si Frixie na ngayon lang mararansan ang manalo.

"Wag kang kabahan, mananalo tayo niyan. Fighting" bulong ni Luhan habang nakahawak sa kamay ni Frixie. Nay Lu masyado ka maka tyansing.

"1st Place is EXO!!!!" Sigaw ni Park Bo Gum.

Napatalon si Frixie at napatili. Pero ang hindi inaasahan ng iba ay yung ...

Mapayakap siya kay Luhan

Kahit mismo ang magandang hello kitty ay nagulat sa ginawa ni Frixie.

"WAAAAH PANALO TAYO YEHET" pagkasabi non ni Frixie ay biglang tumunog yung part niya sa Call me baby kaya napa bitaw din siya kay Luhan.

Lumapit naman si Sehun kay Luhan.

"Ayiee thi Hyung kinilig"

"Ayiiee thi thehun bulol pa din" sabi ni Luhan tapos inirapan si Sehun.

----

Hi Guys!! Nabalitaan niyo na ba yung KaiStal?

Sinong bitter? HAHAHAHA SHET BUTI NA LANG SHIPPER AKO NG DALAWANG YON OMG ❤️

Anyway, thankyou sa pagbabasa nito! Sarang 💓

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon