Chapter Two

16.3K 685 30
                                    

Hi! If you have time, kindly visit my youtube channel and subscribe na rin po. Watch niyo na rin po ang mga videos do'n. Thank you!

https://www.youtube.com/watch?v=SdN2OZJDWC8.

Unedited

NAKASANDAL si Freya sa bumper ng kotse niya. Kanina pa niya hinihintay ang paglabas ni Ylac Brillantes sa gusaling iyon. Gusto kasi niya itong kausapin tungkol sa nagawa niyang kasalanan. Gusto niya itong makausap para sana makipag-areglo. Medyo naalarma kasi siya sa isiping baka ituloy nga nito ang pagsampa ng kaso sa kanya. At baka malaman pa iyon ng mga magulang niya. Ayaw na ayaw pa naman ng magulang niya na makaladkad ang pangalan nila sa anumang eskandalo. Freya family is very influential in the high ranking government officials. Kaya ayaw na ayaw ng mga ito na nababahiran ang magandang pangalan nila sa anumang eskandalo.

Iyon din ang naging kondisyon ng ama ng payagan siya nitong mag-aral ng kolehiyo sa Maynila. Papayagan lang daw siya nito na mag-aral sa lungsod basta maipapangako niya na hindi siya gagawa ng kahit na anong bagay na makakasira sa magandang pangalan nila. Pumayag naman si Freya sa kondisyon ng ama. Kung iyon lang ang tanging paraan para mapapayag niya ito ay gagawin niya. Nais kasi niyang humiwalay mula sa poder ng mga magulang. Lalong-lalo na sa kanyang ama. Mahigpit kasi ito sa kanilang dalawa ng Kuya niya lalong-lalo na sa kanya. Sa sobrang higpit nito ay para na siyang nasasakal. Wala din siyang kalayaan sa mga nais niyang gawin kapag malapit lang ang presensiya ng ama. Lagi kasi itong nakabantay sa lahat ng gagawin niya. Hindi din niya magawa iyong mga gusto niyang gawin. Tulad na lang ng pagpunta sa bar para magsaya kasama ang mga kaibigan. Hindi niya magawang makipag-overnight sa bahay ng kaibigan niya kasi hindi siya pinapayagan ng ama. Kaya iyon ang ginawa ni Freya. Nag-ingat siya. Pero kung may nagawa naman siyang kapalpakan ay hindi niya iyon pinapaalam sa mga magulang. Maingat lang niya iyong nilulusutan.

Maayos naman nakapagtapos ng kolehiyo si Freya sa kilalang unibersidad sa Maynila sa kursong Fine Arts. Ngayon ay isa na siyang pintor. Masaya si Freya dahil unti-unti na ring nakikilala ang pangalan niya sa napili niyang career. At kakatapos lang din ng gallery na ilan sa mga obra niya ang tampok.

Biglang naalala ni Freya iyong sinabi ni Jade sa kanya ng ikwento niya rito ang buong pangyayari at kung bakit nakita nitong nag-uusap sila ni Ylac.

"Oh, god! Freya. What you have done? Hindi mo alam kung sino ang binangga mo. Hindi mo ba alam? Na bawat salita ng mga Brillantes ay ginagawa nila. Kung sinabi nitong idedemanda ka niya. Talagang idedemanda ka niya."

"Ano ang gagawin ko?" kinakabahan na tanong niya sa kaibigan.

Jade shrugged her shoulder. "I don't know."

Mula sa pagkibit-balikat ng kaibigan at mula sa sabihin nitong hindi nito alam kung ano ang gagawin niya ay do'n na siya nabahala. Hindi na rin siya mapakali. Kaya sinabi niya sa kaibigan na mauna na itong umalis. Sinabi niya rito na, gagawa pa siya ng paraan para makausap si Ylac. Gagawin niya ang lahat para huwag nitong ituloy ang demanda laban sa kanya.

Aaminin din niya sa sarili na nakaramdam siya ng takot sa kaalamang baka ituloy ni Ylac ang pagdedemanda sa kanya. Resisting an arrest resulting to damage and properties at obstruction of justice ang pwedeng isampang kaso sa kanya dahil sa kapabayaan niya. At kapag nagkataong magkatotoo ang banta nito baka umabot iyon sa kaalaman ng magulang niya. Lalong lalo na sa kanyang Papa. Baka mamaya ay pauwin na siya nito sa Probinsiya at ipilit nito ang matagal na nitong gusto na ipakasal siya sa anak ng kapartido ng ama niya sa Politika. Actually, mayroon na siyang isang warning sa ama niya. Noong muntik na siyang makulong dahil sa bribery. Minsang na kasing nasita si Freya ng Traffic Enforcer na nag-over speeding siya. At dahil medyo nagmamadali siya noong araw na iyon ay naisipan ni Freya na i-bribe ang Traffic Enforcer. Unfortunately, ang taong gusto pang i-bribe ni Freya ay isang mabuting mamayan ng bansa. Sa halip na tanggapin ang suhol niya ay dinala siya nito sa presento. Inireport nito ang ginawa niyang panunuhol. At hindi pa doon nagtatapos. Gusto din ng traffic Enforcer na sampahan siya ng kasong Bribery. Doon na naalarma si Freya. Kaya kailangan na niyang humingi ng tulong. Tinawagan niya ang Kuya Anthony niya para humingi ng tulong. Isang kasing abogado ang Kuya Anthony niya. Gaya ni Freya ay sa Maynila din naninirahan ang Kuya niya. At alam niyang ito lang ang tanging makakatulong sa malaking suliranin na kinahaharap niya. Hindi naman nagdalawang isip ang Kuya niya. Tinulungan siya nito. Ito ang gumawa ng paraan para hindi siya tuluyang makulong dahil sa kasalanan niya. At ang buong nangyaring iyon ay umabot sa kaalaman ng ama niya. Nabingi nga si Freya sa sermon ng ama noong tumawag ito sa kanya.

Bossy Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon