Chapter Six

15.5K 455 10
                                    


Unedited

MULA sa pagkayukyok ni Freya sa mesa ay nag-angat siya ng mukha ng makarinig siya ng malakas na pagtikhim. Nakita niya si Ylac na nakasandal sa pinto ng fridge habang hawak-hawak nito ang isang baso na naglalaman ng tubig habang matiim na nakatitig sa kanya. As usual, nakakunot na naman ang noo nito.

"I want to eat. Maghanda ka." utos nito bago dinala ang hawak na baso sa labi nito. Kahit masama ang pakiramdam ni Freya ay pilit niyang tumayo mula sa pagkakaupo. Masama ang pakiramdam niya at ayaw niya iyong madagdagan kung papagalitan siya ni Ylac.

Paggising ni Freya sa umagang iyon ay may kakaiba na siyang naramdaman sa sarili. Mabigat ang pakiramdam niya. Masakit ang katawan at ulo niya. Pero sa kabila niyon ay pilit pa rin niyang bumangon para ipaghanda ng almusal si Ylac at gawin ang trabaho niya. Pero nang nasa kusina na siya ay umikot ang paningin niya. Kaya sa halip na buksan ang fridge para maghalungkat ng pwede niyang iluto ay umupo siya sa silya at inuyukyok doon ang ulo sa mesa. At mula sa pagkayukyok ay hindi niya namalayan na nakatulog muli siya. Hindi pa siguro siya magigising kung hindi lang niya narinig ang malakas na pagtikhim ni Ylac.

Nakakaisang hakbang palang si Freya ng umikot muli ang paningin niya. Muntik na rin siyang mabuwal. Mabuti na lang at may matatag na brasong pumaikot sa baywang niya.

"Are you okay, Freya?" tanong ni Ylac. Dala siguro ng masamang pakiramdam ay kung bakit nahihimigan niya sa boses nito ang pag-alala. At sa kauna-unahang pagkakataon din ay binanggit nito ang pangalan niya. Hindi siya sumagot. Pumikit lang siya at isinandal ang katawan sa matatag na katawan nito para kumuha ng suporta. Nanghihina kasi ang tuhod niya at nahihilo din siya kung hindi niya gagawin iyon ay baka matumba siya. Narinig niya ang mahinang pagmura ni Ylac. And next thing she knew, ay buhat-buhat na siya nito. Hindi naman siya nag-protesta sa ginawa nito dahil wala siyang lakas. At ang nais niya sa sandaling iyon ay humiga sa kama at matulog. Masama talaga ang pakiramdam niya. Bihira lang tamaan ng sakit si Freya. At sa kinamalas-malasan ay dito pa sa bahay ni Ylac siya tinamaan ng sakit. Nagkasakit siguro siya dahil sa sobrang stressed dahil sa mga pinag-uutos ni Ylac sa kanya.

Mayamaya ay naramdaman ni Freya sa kanyang likod ang malambot na kama. Nang magmulat siya ng mata ay kitang-kita niya ang pag-alala sa mukha ni Ylac habang nakatingin ito sa kanyang mukha. Napakurap-kurap si Freya. Baka kasi namamalikta na naman siya. Pero kahit nakailang kurap na siya ay iyon pa rin ang nakikita niya sa mukha nito. His eyes were softer too. Parang hindi si Ylac ang nakikita niya. Parang ibang Ylac ang nasa tabi niya sa sandaling iyon.

"Are you okay?" tanong nito. Hindi siya sumagot sa halip ay nakatitig lang siya rito. Umupo si Ylac sa gilid ng kama. Umangat ang kamay nito para sapuhin ang noo niya. Hindi pa ito nakuntento sa pagsapo sa noo niya isinunod kasi nito ang leeg niya.

"Damn!" mahinang mura nito pero umabot naman iyon sa pandinig niya. "Mainit ka? May gamot ka ba diyan?" tanong nito sa kanya mayamaya.

Umiling naman siya bilang sagot. Dahil bihira lang naman siyang magkasakit hindi na siya nag-i-stock ng gamot. Hindi naman kasi niya nagagamit iyon eh. Tumayo si Ylac mula sa pagkakaupo nito sa gilid ng kama. At kahit masama ang pakiramdam niya ay hindi niya napigilan ang manlaki ang mata ng akmang bubuhatin muli siya nito. Pinigilan niya ang braso nito. Salubong ang mga kilay nitong tumingin sa mukha niya.

"B-bakit?"

"Dadalhin kita sa ospital." salubong pa rin ang kilay na sagot nito. Sa kabila ng nararamdaman ay hindi niya napigilan ang sariling mapangiti.

"What?" ani Ylac sa masungit na tinig.

"H-hindi mo na kailangan dalhin ako sa ospitaL. Simpleng lagnat lang ito. Inom lang ng gamot at kunting pahinga ay gagaling na ako." wika niya kay Ylac. Akmang bababa siya ng kama ng pigilan siya nito.

Bossy Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon