Unedited
"Malapit na ako."
Pagkatapos itipa ni Freya ang mensahe na iyon sa kanyang cellphone ay agad niyang ipinadala iyon kay Ylac. Nagtext na naman kasi ito sa kanya, tinatanong kung nasaan na siya.
Si Ylac ang nagtext sa kanya kanina. Pinapapunta siya nito sa opisina nito. Tinanong niya ito kung bakit, pero ang tanging sagot ni Ylac sa kanya ay pumunta na lang siya at huwag siyang magtanong ng magtanong. At dahil gusto naman niyang makita si Ylac sa sandaling iyon ay hindi na siya nagtanong pa. Sinabi na lang niyang pupunta siya. At dahil malapit na ring magtanghali ng magtext si Ylac sa kanya ay napagdesisyon niyang ipagluto ito ng lunch at dalhin iyon sa opisina nito.
Huminga ng malalim si Freya ng nasa tapat na siya ng YB Jewelry. Tiningnan din niya ang hawak na paper bag bago siya pumasok sa loob. Nginitian lang ni Freya ang mga empleyadong bumabati sa kanya. Dumiretso na siya kung saan makikita ang opisina ni Ylac. Nilibot ni Freya ang tingin upang hanapin ang secretary ni Ylac pero hindi niya ito makita kaya napagpasyahan na niyang pumasok sa loob ng opisina ng binata. Pero pagbukas niya ng pinto ay hindi niya inaasahan ang makikita ng kanyang mata
"O, sorry." sabi niya sabay talikod upang hindi niya makita ang ginagawa ng dalawa. Hindi naman siya masokista para panuorin kung ano ang ginagawa ng dalawa. Nakita kasi ni Freya si Ylac na nakaupo sa swivel chair nito samantalang may nakakandong naman na babae rito—si Ellise ang babaeng naghahanap kanina kay Ylac at ang babaeng tumawag sa kanya na whore. Sa sandaling iyon ay parang may kumirot sa kanyang dibdib sa eksenang nadatnan. Hindi tuloy napigilan ni Freya na mapahawak sa kanyang dibdib. Hindi niya inaasahan ang eksenang madadatnan sa opisina ng binata tulad na lang ng hindi niya inaasahang maramdaman iyong sakit sa kanyang puso. Sa unang pagkakataon ngayon lang naramdaman ni Freya ang ganoon sa kanyang puso.
"Freya." narinig niyang sambit ni Ylac sa pangalan niya. Huminga mo na ng malalim si Freya bago siya humarap sa mga ito. Umalis na mula sa pagkakandong si Ellise kay Ylac. Nakatayo na ito sa gilid ni Ylac samantalang ang binata naman ay nanatiling nakaupo sa swivel chair nito.
"Sir Ylac." sambit naman ni Freya sa pangalang ng binata. Pagkatapos niyon ay napakagat siya sa kanyang ibabang labi. Hindi sumagot si Ylac sa halip ay matiim lang itong nakatitig sa kanya na para bang binabasa nito kung ano ang laman ng isip niya at ng hindi niya matagalan ang titig nito ay umiwas siya ng tingin at napatuon naman ang tingin niya kay Ellise na ngayon ang nakangisi sa kanya. Sa sandaling iyon ay uminit ang ulo ni Freya dahil sa ngisi at tinging ipinupukol sa kanya ng babae na tila ba ipinapahiwatig ng ngisi at titig nito sa kanya na...
Girlfriend huh?
Tinaasan lang ni Freya ng tingin ang babae at muling sumulyap kay Ylac. "Bakit mo pala ako pinapunta rito, Sir?" tanong ni Freya.
Pero kung alam ko lang na ganito ang eksenang madadatnan ko eh, di sana hindi na lang ako pumunta rito. ani Freya sa isipan. But on second thought, tama lang na pumunta ako rito dahil napigilan ko ang muntik ng mangyari sa pagitan niyo.
Hindi sumagot si Ylac sa tanong niya sa halip ay bumaba ang tingin nito sa paperbag na hawak.
"Whar's that?' tanong ng binata habang nakatingin sa hawak niya.
Tiningnan naman ni Freya ang hawak na paperbag na naglalaman ng niluto niya para sa binata. Akmang magsasalita siya para sagutin si Ylac ng unahan siyang magsalita ni Ellise.
"Oh, your maid brought you lunch, Ylac." sabi ni Ellise. Binigyan diin nito ang salitang maid sa kanya. Ahh! Nag-init na naman ang ulo niya. Kunting-kunti na lang, tatamaan na ito sa kanya. Baka kapag hindi siya makapagtimpi lumipad ang hawak niyang paperbag patungo sa mukha nito. "How sweet of you." dagdag na wika ni Ellise sa kanya na tila ba iniinis siya. Nang mag-angat naman ng tingin si Ylac sa kanya ay lumambot ang ekspresiyon ng mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Bossy Boss (Completed)
General Fiction"I want you to be my housemaid for two weeks. " Hindi na nakatanggi si Freya sa sinabi ng snob and bossy but charming na si Ylac Brillantes. Tinakasan kasi niya ang nabanggang Lamborghini ng binata. At nang mahuli ay iyon ang naging kondisyon nito p...