Unedited
NAKATAYO si Freya sa labas ng condo unit ni Ylac. Nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa nakasarang pinto sa kanyang harapan. Ngayon ang araw na napag-usapan nila ni Ylac na mag-uumpisa siya bilang housemaid nito. Umpisa na rin ng paghihirap niya.
Huminga ng malalim si Freya bago niya pinindot ang doorbell. Naghintay siya ng ilang minuto para pagbuksan siya ng pinto pero limang minuto na ang lumipas pero wala pa rin nagbubukas ng pinto para sa kanya.
"Maaga sigurong umalis." bulong ni Freya sa sarili. Bumuntong-hininga siya. Binuksan niya ang hand bag at kinuha mula roon ang susing ibinigay sa kanya ni Ylac kahapon. Sabi kasi nito na baka hindi daw niya ito maabutan sa condo nito kapag pumunta siya roon dahil maaga daw itong umaalis ng condo nito. Kaya ibinigay nito sa kanya ang isang duplicate key just in case na hindi niya ito maabutan o madatnan. Mabuti na lang at naisipan ni Ylac na bigyan siya ng duplicate key dahil kung hindi ay baka maghintay pa siya doon ng matagal. Isinuksok na ni Freya ang susi. Pagkatapos niyon ay pinihit niya ang seradura para buksan iyon. Pagkabukas ay inuha niya ang bitbit na travelling bag na naglalaman ng mga gamit bago siya tuluyang pumasok sa loob. Iginala ni Freya ang tingin sa kabuuan ng condo unit ni Ylac. Malaki, maganda at maayos. At higit sa lahat ay malinis iyon. Napangiti si Freya ng pagkatamis-tamis. Iisa lang kasi ang ibig sabihin niyon. Hindi siya mahihirapan na linisin ang buong bahay dahil malinis na iyon.
What a life!
Mayamaya ay napalingon si Freya sa kanyang gilid ng maramdaman may bumukas na pinto. Paglingon niya ay hindi niya napigilan ang mapatili sa nakita. Iyon na yata ang pinakamalakas na itili niya sa buong buhay niya, kulang na lang kasi ay lumutang lahat ng ugat niya sa katawan.
"Will you stop yelling?" kunot ang noo na sita ni Ylac sa kanya. Tumigil naman si Freya sa pagtili pero nanlaki naman ang mga mata niya. Hindi naman niya masisisi ang sarili kung ganoon man ang naging reaksiyon niya nang makita si Ylac. Paano ba naman siya hindi titili ng malakas? Paanong hindi manlalaki ang mata niya eh, nakahubad baro ang lalaki. Wala itong suot na pang-itaas kaya kitang-kita ng mata niya ang magandang hubog ng katawan nito. At ang broad chest nito at isama na ang six-pack abs nito. Naka light gray striped pajamas din ang binata. Halatang bagong-gising lang si Ylac dahil magulo pa ang buhok nito. At lalong nadagdagan ang sex appeal nito dahil do'n. Shit lang, pero bigla siyang nakaramdan ng bahagyang alinsangan sa katawan. At nang mapadako ang mata ni Freya sa mukha ni Ylac at ng maghinang ang mata nila ay hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya. Kakatwang isipin pero naging abnormal ang tibok ng puso niya sa sandaling iyon. She couldn't take off her eyes on him too. Para bang may magnet na naghihila sa kanyang mata na makipagtitigan kay Ylac. Para ding may mahika ang itim na mata nito dahil may pinupukaw itong emosyon at damdamin na hirap niyang intindihin. Hindi kasi niya maipaliwanag sa sarili kung ano iyon. Marahang ipinilig na lang ni Freya ang ulo para iwaksi ang mga naiisip niya.
"You're early." napakurap-kurap si Freya ng marinig ang baritonong boses ni Ylac. At aaminin ni Freya sa sarili na maganda at masarap pakinggan ang boses nito. It's like music to her ears.
"G-good morning, Yla—Sir." bati ni Freya sa halip na sagutin ang sinabi nito. Tinanguhan lang siya ni Ylac bago ito humakbang papunta yata sa kusina. Sinundan naman ni Freya ng tingin ang nakatalikod na bulto ng binata. Pinunasan ni Freya ang imaginary pawis niya sa kanyang noo habang sinusundan pa rin niya ng tingin ang magandang hubog ng katawan ni Ylac.
Shit! Trouble, trouble!
----
"TAKE a seat." utos ni Ylac kay Freya habang iminuwestra nito sa kanya ang mahabang sofa sa kanyang harapan. Umupo naman siya roon pero nanatiling nakatayo si Ylac sa harapan niya at nakahalukipkip. At dahil matangkad ito ay kailangan pa niya itong tingilain. Nakasuot na ngayon si Ylac na puting T-shirt. But he still wearing his light gray, striped pajamas.
BINABASA MO ANG
Bossy Boss (Completed)
General Fiction"I want you to be my housemaid for two weeks. " Hindi na nakatanggi si Freya sa sinabi ng snob and bossy but charming na si Ylac Brillantes. Tinakasan kasi niya ang nabanggang Lamborghini ng binata. At nang mahuli ay iyon ang naging kondisyon nito p...