UNEDITED
"WHAT are we doing here, Sir?" tanong ni Freya ng dalhin siya ni Ylac sa pagmamay-ari nitong YB Jewelry. Nagulat nga si Freya ng sunduin siya ni Ylac sa condo nito. Sinabi nito sa kanya na magbihis siya at may pupuntahan daw sila. Hindi na naman nagtanong si Freya kung saan sila pupunta. Hindi naman importante sa kanya kung saan man siya dalhin ni Ylac. Ang importante sa kanya ay makasama niya ito. Malapit na rin kasing matapos ang dalawang linggong usapan nila ni Ylac bilang housemaid nito. Apat na araw na lang ay aalis na siya sa condo nito. So, she wants to spend her time and day with her.
Hindi sumagot si Ylac sa halip ay hinawakan nito ang kamay niya at hinila papasok sa loob ng store. Habang hila-hila siya nito ay nakatingin naman siya sa kamay nilang magkasalikop. Hinigpitan niya ang pagkakahawak roon dahilan para mapahinto sa paglalakad si Ylac. Nginitian niya ito ng lumingon ito sa kanya. At sa buong pagkagulat ni Freya ay nginitian din siya nito pabalik. Naramdaman din niya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya.
"Tara." yakag ni Ylac. Muli siya nitong hinila. Huminto silang dalawa sa harap ng glass shelves. Agad silang nilapitan ng staff na nakaantabay roon.
"Good morning, Sir Ylac." bati ng staff sa binata. "Good morning, Ma'am." bati naman nito sa kanya ng mapatingin ito sa gawi niya. Ginantihan naman niya ang pagbati nito.
"Ilabas mo ito." utos ni Ylac sa staff. Agad naman nitong sinunod ang utos ng binata. Inilabas nito ang isang set ng jewelry. Binitawan ni Ylac ang kamay niya at kinuha ang isang set ng jewelry.
"Anong gagawin mo diyan?" tanong pa rin ni Freya kahit may ideya na siya kung ano ang gagawin nito.
Sa halip na sumagot si Ylac ay kinuha nito ang isang three-strand lariat-style diamond necklace. Pumuwesto ito sa likod niya para maisuot nito ang kwentas. Inilagay naman niya sa gilid ang mahabang buhok para mas mapadali ang pagsusuot nito ng kwentas sa leeg niya. Pigil niya ang sariling mapasinghap ng mapapadaiti ang kamay nito sa leeg niya. Nang matapos nitong isinuot ang kwentas sa leeg niya ay ipinihit siya nito paharap. Napakurap-kurap siya ng hawiin ni Ylac ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Inipit pa nito iyon sa tainga niya.
"Beautiful." sabi nito sabay haplos sa suot niyang kwentas pero ang mata naman ay nakatitig sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung sinong beautiful ang tinutukoy nito. Siya ba na tinititigan nito o ang kwentas na hinaplos nito?
"Ako ba o iyong kwentas?" hindi napigilang itanong ni Freya kay Ylac. At sa buong pagkamangha niya ay ngumiti ang binata sa kanya. Isang ngiting halos magpalundag ng puso niya patungo rito. Grabe! Hulog na hulog na talaga ang puso niya—hulog na hulog na iyon kay Ylac.
"You." sambit nito pagkatapos nitong balingan ang staff na nakaantabay sa kanya. "We will take this." tukoy nito sa kwentas na suot niya at iyong ibang set ng jewelry na pinili ni Ylac kanina. Natulala naman si Freya sa kinatatayuan. Hindi siya makapaniwala sa narinig na sagot ni Ylac ng tanungin niya ito kung sino ang tinutukoy nitong maganda? Siya daw ang maganda! Nais tuloy niyang magpa-party sa sandaling iyon. At dahil nga sa pagkatulala niya ay hindi niya namalayan ang mga sumunod na sandali. Basta ang alam niya ay hawak-hawak ni Ylac ang kamay niya habang palabas silang dalawa sa YB Jewelry.
"Saan ulit tayo pupunta?" doon lang tuluyang nagising mula sa pagkatulala ni Freya ng buksan na ni Ylac ang pinto ng passenger seat ng kotse nito.
"Huwag ng madaming tanong. Basta sumakay ka na lang." wika nito. Ipinaikot pa niya ang mga mata bago niya sinunod ang gusto nito. As usual, umarangkada na naman ang pagiging bossy ng mahal niya.
BINABASA MO ANG
Bossy Boss (Completed)
General Fiction"I want you to be my housemaid for two weeks. " Hindi na nakatanggi si Freya sa sinabi ng snob and bossy but charming na si Ylac Brillantes. Tinakasan kasi niya ang nabanggang Lamborghini ng binata. At nang mahuli ay iyon ang naging kondisyon nito p...