Chapter Five

14.9K 517 16
                                    


Unedited

"GOD!" sambit ni Freya nang makita ang oras sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Agad siyang bumalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga. Saka siya bumaba ng kama. Masyadong nasarapan ang tulog niya dahilan para hindi niya namalayan kung ano ang oras sa umagang iyon. Nakalimutan din ni Freya na sa ibang kwarto siya. Ang buong akala kasi niya ay nasa sariling kwarto lang siya. Ang oras kasi ng gising ni Freya sa umaga ay alas siyete or alas otso. Hawak kasi niya ang sariling oras. Pero iba na ang sitwasyon niya ngayon. Hindi na iyon tulad ng dati na gigising na lang siya kung anong oras ang nais niya. Ngayon magtitiis siya ng dalawang linggo na gumising ng maaga hanggang matapos niyang bayaran ang atraso niya kay Ylac—este sa naging atraso niya kay Mr. Lambhorjhini.

Nagmamadaling isinuot ni Freya ang balahibong tsinelas na nakalapag sa sahig. Saka patakbong pumasok sa banyo para magmumog. Basta na lang din niyang inipit ang magulong buhok na hindi pa nadadaanan ng suklay. Hindi na rin siya nag-abalang magpalit ng damit. Nakaputing pajama lang siya at nakaputing sleeveless blouse.

Nagulat si Freya ng pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay ang pagbukas din ng pinto ng kwarto ni Ylac. Iniluwa niyon ang naka-t-shirt at nakapajama rin na si Ylac.

"Sir! Good morning!" bati niya kay Ylac sa nanlalaki ang mata. Hindi na niya hinintay na sumagot ito tumakbo na lang siya papunta sa kusina para ipagluto ito ng almusal. Sa pagmamadali niyang makapunta agad sa kusina ay hindi niya namalayan ang pagbangga niya sa sofa. "Ouch!" impit na daing niya ng tumama ang binti niya sa sofa pero gayunman ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtakbo. Hindi niya alam kung namali lang siya ng rinig pero parang narinig niya ang salitang 'careful' na lumabas sa bibig ni Ylac. Pero nakapa-impossible naman iyon. Si Ylac? Mag-aalala? Mukhang end of the word na.

Pagkarating ni Freya sa kusina ay agad niyang binuksan ang fridge. Kinagat niya ang isang daliri habang naghahalungkat siya kung ano ang pwede niyang mailuto sa almusal. Napalingon siya kanyang likod ng maramdaman niya ang mga yabag at presensiya ni Ylac. Nakita niya itong nakatayo sa bukana ng pinto sa may kusina.

"S-sir Ylac pasensiya na. Na-late ako ng gising. Akala ko kasi nasa bahay lang ako." hingi ni Freya ng paunmanhin sa binata. Habang sinasabi niya iyon ay napapakamot siya ng kilay. "Hindi na ito mauulit. Promise!" itinaas pa niya ang kanang kamay. Na tila ba siya nanunumpa.

"It's okay." sagot ni Ylac. Nakahinga naman siya dahil doon. Mukhang maganda ang gising ni Ylac dahil good mood na ito hindi tulad ng nagyari kagabi.

Kagabi kasi ay bad mood ito ng tanungin niya kung patay na ba ang nakakatandang kapatid nito na si Xavier. Hindi naman niya masisisi ang sarili kung mag-assume siya ng ganoon. Masyado kasi itong haggard at malungkot ng dumating ito sa condo nito at nagkataon rin na aksidente si Xavier kaya inakala niyang patay na ang nakakatandang kapatid nito. At hindi rin naman niya masisisi si Ylac kung maging bad mood ito kagabi sa kanya. Ikaw ba naman ang tanungin kung patay na ang mahal mo sa buhay? Talagang maba-badtrip ka.

"By the way, anong gusto niyong iluto ko for your breakfast?" tanong niya. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang gusto nitong iluto niya. Mabuti na lang ang magtanong kaysa magluto siya ng gusto niya at hindi naman nito iyon gusto. Mabuti na lang ang nakakasiguro. Para hindi sayang ang pawis at effort niya sa pagluluto.

"Bahala ka na." anito saka ito tuluyang pumasok sa loob ng kusina. Ibinalik naman niya ang tingin sa loob ng fridge at naghalungkat kung ano ang pwede niyang mailuto roon. Inilabas niya sa fridge iyong madaling iluto. Tulad na lang ng bacon, hotdog at egg. Pagkalabas niya ay ipinatong niya ang mga iyon sa may sink saka siya sumulyap kay Ylac.

Bossy Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon