Chapter Twelve (Finale)

20.3K 714 76
                                    

Hi! If you have time, kindly visit my youtube channel and subscribe na rin po. Watch niyo na rin po ang mga videos do'n. Thank you!

https://www.youtube.com/watch?v=SdN2OZJDWC8 or simple search Fiona Queen.

Unedited

TUMULO ang luha sa mga mata ni Freya habang ini-scan niya ang bawat pahina ng kanyang sketchpad. Habang ginagawa niya iyon ay patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mata. Habang binubuklat niya ang pahina ay tumatambad sa kanya ang mukha ni Ylac na iginuhit niya noong naninirahan pa siya sa condo nito. Kahit walang nararamdaman si Ylac para sa kanya ay aaminin ni Freya sa sarili na nami-missed niya ito. Nami-miss niya ang pagsusungit ng binata, ang palaging pagkunot noo nito sa kanya sa tuwing may nasasabi siyang hindi nito gusto. Sa tuwing inuutusan siya nito na hindi agad niya sinusunod. She missed Ylac so badly. Pero wala naman siyang magawa para kausapin o makita ito. Bantay sarado kasi siya ng ama. Hindi rin siya hinahayaan ng ama na lumabas ng bahay. Kinompiska din nito ang cellphone niya kaya hindi niya magawang kontakin ang binata. Para nga siyang preso sa bahay na iyon. Lalong naging masagana ang patak ng luha sa kanyang mata ng maalala niya ang nais ng ama na mangyari. Iyong kinatatakutan siyang mangyari ay nangyari na. Sa ayaw at sa gusto daw niya ay ipapakasal siya nito sa anak ng kapartido nito. Bukas nga ay may gaganaping salo-salo para sa pamilya nila para pormal na ipakilala ang magiging asawa niya kuno. Tumanggi siya sa nais ng ama. Sinabi niyang hindi siya magpapakasal sa lalaking iyon. Sinasabi niyang ayaw niyang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal. Nagmakaawa siya sa ama. Pero naging sarado na ang isipan nito. Magpapaksal daw siya sa lalaking iyon at wala na daw siyang ibang magagawa.

Hindi talaga inaasahan ni Freya na makikita niya ang ama sa labas ng condo ni Ylac. Hindi niya alam kung paano nalaman ng ama kung nasaan siya. Pumikit si Freya ng maalala niya ang naging pag-uusap nila ng ama ng araw na iyon.

"A-ano ang g-ginagawa niyo rito, P-papa?" nanginginig ang boses na wika niya sa ama.

"Di ba dapat ako ang nagtatanong niyan? Ano ang ginagawa mo rito sa condo ng may condo? And for god sake! Condo ng isang lalaki pa!" pagalit na wika ng ama sa kanya. Napaatras si Freya ng isang hakbang sa takot na lumukob sa kanya sa sandaling iyon. Pinasadahan siya ng ama ng tingin. Napamura siya sa kanyang isipan ng mapagtanto kung ano ang suot niya sa sandaling iyon. Nakasuot lang siya ng pajama at manipis na sleeveless. "I can't believe that you're living with a guy without the benefit of marriage, Freya. Hindi mo na iginalang ang sarili mo. Hindi mo na iginalang ang sarili mong ama. Iyan ba ang natununan mo bilang isang independent? Iyan bang natutunan mo sa paninirahan mong mag-isa rito sa Maynila. Ang maging immoral?!" halos umusok ang ilong ng ama sa sobrang galit nito sa kanya. Hindi na rin niya mapigilan ang sariling luhang pumatak sa kanyang mata.

"P-papa...let me expla—

"I don't need your explaination, Freya. Pack your things." putol nito sa sinasabi niya. "Sa ayaw at sa gusto mo iiwanan mo iyang kinakasama mo."

"P-pa..."

"Now!"

Patakbong siyang pumunta sa kwarto na tinutuluyan niya roon at kinuha niya ang mga gamit.

Bago tuluyang umalis si Freya ay nag-iwan niya ng maikling sulat kay Ylac. Sinabi niya rito ang dahilan kung bakit umalis siya ng walang paalam. Sa maikling sulat na iyon ay inamin niya rito ang totoong nararamdaman. Na sa maikling panahon na nakasama niya ito ay minahal na niya ito. Hindi naman sa ganoong paraan nais ni Freya na ipaalam sa binata ang nararamdaman pero wala siyang choice. Halos kaladkarin na nga siya ng ama paalis sa condo ni Ylac. Kinagat ni Freya ang ibabang labi para pigilan na naman niya ang sariling mapahikbi. Kahit alam niyang imposible ay umaasa pa rin si Freya na pareho sila ng nararamdaman. Umaasa pa rin siya isang araw ay makikita niya si Ylac at sasabihin nitong mahal siya nito. Pero alam ni Freya na hanggang asa lang siya. Dahil tatlong araw na siyang naghihintay, tatlong araw na siyang umaasa na dadating si Ylac upang sabihin din ang nararamdaman nito para sa kanya.

Bossy Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon