UNEDITED
PAGKAPASOK ni Freya sa loob ng kusina ay nadatnan niya roon si Ylac na nakaupo sa silya sa harapan ng dining table.
"Morning." bati niya rito. Dumeretso na siya paglalakad papunta sa may sink. Kinuha niya ang nakasabit na apron at agad niya iyong isinuot. Nagulat na lang si Freya ng biglang nasa tabi na niya si Ylac. Lalo siyang nagulat ng kuhanin nito ang isang ekstrang apron at isinuot din nito iyon.
Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa mukha nito. "Anong ginagawa mo?" tanong niya rito. Palipat-lipat ang tingin niya sa mukha nito at sa suot nitong apron.
Nalaglag na naman ang puso niya nang makita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. "Teach me to cook." sabi nito.
"Huh?" tanging na sabi lang niya.
"Turuan mo akong magluto." ulit na wika nito na tinagalog lang naman nito.
"Bakit?"
"Ayoko ng madaming tanong. Basta gusto ko lang matutong magluto." wika nito bago nito buksan ang fridge. Bumuntong-hininga muna siya bago siya nagsalita.
"Ano ba ang gusto mong lutuin natin?" tanong niya rito habang sumisilip din siya sa loob ng fridge. Napaatras bahagya si Freya ng lumingon si Ylac sa kanya.
"Ano ba ang paborito mo?" sa halip na tanong nito sa kanya.
Nagtataka man ay sinagot din niya ng maayos ang tanong nito. "Tinola."
Ylac nodded and at the same time smile. "Okay. Turuan mo ako kung paano magluto ng tinola." sabi nito. Napamaang lang naman si Freya sa kinatatayuan habang nakatitig lang siya gwapong mukha ni Ylac. Akala niya ay wala ng mas kikiligin pang nangyari sa pagitan nila ni Ylac noong dumalo sila sa wedding anniversarry ng parents ng binata noong nakaraang gabi. Iyong mga salitang sinabi nito sa kanya noong gabing iyon. Hanggang ngayon nga ay malinaw pa sa kanyang isipan ang mga salitang binitawan nito na nagpalobo ng husto sa kanyang puso ng sobra-sobra.
"Ayokong nakakipagsayaw ka sa iba. Ayokong may ibang lalaking humahawak sa baywang mo. Ayokong may ibang lalaking nagpapatawa sa'yo. Because you are mine. Only mine." naalala niyang sabi nito. Sino ba namang babae ang hindi kikiligin kung ganoon magsalita ang lalaking mahal mo. Para kasi itong nagseselos na may halong possessiveness habang binibitawan nito ang mga katagang iyon. Hindi na nga masukat ni Freya ng tape measure iyong sayang ipinaparamdam ni Ylac sa kanya.
Hindi na namalayan ni Freya na may ngiti na palang sumungaw sa labi niya.
"What was that smile for?" napakurap-kurap si Freya nang makita niya ang nakangiting mukha ni Ylac habang nakatingin ito sa kanya. Napakagat labi din siya. Napalunok siya nang makita niyang nakatingin ito sa kanyang labi. Lalo siyang napakagat-labi ng mapansin niya ang pagtaas-baba ng adams apple nito.
"Are you teasing me?" wika nito nakakatitig sa kanyang labi.
"H-hindi ah. L-luto na nga tayo para makapasok ka na sa trabaho at makapag-grocery na ako." iniwas na niya ang tingin rito. Ayaw kasi niyang makita nito ang namumulang pisngi niya. Ayaw din niyang makita ang gwapong mukha nito. Baka...baka...matukso siyang halikan ito sa labi!
Ipinokos na lang ni Freya ang atensiyon sa loob ng fridge. Kailangan niyang mag-focus roon baka kasi kainin siya ng tukso at may gawin pa siyang ritong magugustuhan niya. Napakislot si Freya sa kinatatayuan ng maramdaman niya sa kanyang likod ang matitipunong katawan ni Ylac. Nagsitayuan din ang lahat ng balahibo niya sa katawan ng maramdaman niya ang mainit na hininga nito na humahaplos sa kanyang batok ng magsalita ito. Basta na lang kasi niyang ipinusod pataas ang mahabang buhok ng magising siya.
BINABASA MO ANG
Bossy Boss (Completed)
General Fiction"I want you to be my housemaid for two weeks. " Hindi na nakatanggi si Freya sa sinabi ng snob and bossy but charming na si Ylac Brillantes. Tinakasan kasi niya ang nabanggang Lamborghini ng binata. At nang mahuli ay iyon ang naging kondisyon nito p...