Chapter Seven

14.1K 438 9
                                    


Unedited

"MAGTITITIGAN na lang ba tayo buong araw o sasabihin mo sa akin ang gusto mong sabihin kung bakit ka nakipagkita sa akin ngayon?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Jade kay Freya habang nakahalukipkip din ito. Tinawagan ni Freya si Jade kagabi para magkita sila sa paborito nilang coffee shop. Gusto niyang makipagkita rito dahil may nais siyang itanong sa kaibigan.

Nagpakawala ng marahang buntong-hininga si Freya ng taasan siyang muli ng kilay ni Jade. Tumikhim din siya bago nagsalita. "Jade paano mo nalaman na in love ka na kay Sebastian?" tanong niya sa kaibigan. Ang tinutukoy niya ay ang boyfriend nito na dalawang taon ng karelasyon nito.

"Why do you ask?"

"Just answer me, okay?" sabi niya.

Tinitigan muna siya nito ng matiim bago nito sinagot ang tanong niya. "Nalaman ko na mahal ko na pala si Sebastian noong hindi siya maalis sa isipan ko. Kapag naiisip ko siya hindi ko mapigilan ngumiti." habang sinasabi ni Jade iyon ay nakikita niya ang kinang sa mata nito. Mahal na mahal talaga ng kaibigan ang nobyo nito. Habang tumatagal kasi ang relasyon ng dalawa ay lalong tumitibay iyon. Mahahalintulad ni Freya ang relasyon ni Jade at Sebastian sa isang alak. Habang tumatagal ay lalong sumasarap.

"Nagiging abnormal ba ang tibok ng puso mo sa tuwing malapit lang ang presensiya niya?" tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin sa abnormal?" balik tanong ni Jade.

"What I mean is kung tumitibok ba ng malakas ang puso mo kapag malapit lang si Sebastian?"

"Yup. Halos mabingi ka nga sa lakas ng tibok ng puso mo." nakangiting wika nito. Marami pang sinabi si Jade at mataman naman siyang nakikinig. At ng magsink in sa kanyang utak ang lahat ng sinasabi nito ay napasandal siya agad sa silyang kinauupuan niya. Ang mata'y nanatiling nakatitig kay Jade kaya napansin niya ang panlalaki ng mata nito.

"Wait, wait are you asking me this question Freya because you...you are in love?" tanong nito. "Who's the unlucky guy?"

Matalim ang tinging ipinukol niya rito pero ang magaling niyang kaibigan ay ngumisi lang. Mayamaya ay nanlaki na naman ang mata nito ng may maisip. "Don't tell me you're in love with Ylac? Siya lang kasi ang lalaking nakakasama mo ngayon."

"I don't know. Urg! I think so." magulong sagot niya.

Sumimsim si Jade sa in-order nitong latte. "Ano ba ang nararamdaman mo para sa kanya?" tanong ni Jade kapagdaka.

"Pareho ng nararamdaman mo kay Sebastian." kagat labing sagot niya sa kaibigan.

"Shit! You're in trouble." bulalas ni Jade.

Kumunot ang noo niya. "I'm in trouble?" balik tanong niya. "How? Why?" naguguluhang tanong niya.

"Remember what I told you before about the Brillantes brothers?" sa halip na tanong ni Jade.

Tumango naman siya bilang sagot. "Women can drool with them, stare with them as long as they want. But you cannot reach them. Sila kasi iyong tipo ng mga lalaki na kayang-kaya mo na nga silang abutin. Gayunman ay hirap na hirap ka pa rin na abutin sila. Dahil hindi sila basta-basta yumuyukod. Partikular sa isang babae." naalala niyang wika ni Jade sa kanya noon.

"You're in trouble because Ylac is not capable of loving someone."

"How sure are you?" si Freya.

"Sure as a ball."

"Paano ka nakakasiguro na hindi siya capable na magmahal? Bakit nababasa mo ba ang puso niya? May nakalagay ba na sign board sa puso niya na 'I'm not capable of loving someone'" pagtatanggol niya kay Ylac.

Bossy Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon