chapter 4: date

25 2 0
                                    

"Gising!!!" Sigaw ko sa kwarto nila tom at mark. Dala-dalawang beds kasi ang binigay kong kwarto sakanila.

Bigla naman nila kong binato ng unan. Aba?!

Binato ko naman sila ng alarm clock. Take note, kay tom alarm clock kay mark, maliit na orasan na ka size lang ng alarm clock na binato ko kay tom.

Ayun, nagising sila ng nakasimangot.

"F*ck naman xandy oh!! Ang sakit!" Sigaw ni mark. Bala sila diyan.

"Bumaba na kayo. Kain na." Sabi ko then binato nanaman nila ko ng unan. This time apat na naman. Kaya ayun natumba ako. Silang dalawa naman, tawa ng tawa.

Pagkatayo ko binato ko na sakanila ulit yung dalawang unan. Tapos binato naman nila sakin yung unan na binato ko sakanila. So parang pillow fight ang peg namin ngayon.

"Huy!! Kain na diba? Hindi pillow fight!" Sigaw ni andie.

"Toh naman si andie. Napaka kj." Sabi ni tom sakanya.

"Ano?!" Sigaw nanaman ni andie.

"Joke lang babe." Sabi naman ni tom sabay akbay niya kay andie.

"Bumitaw ka nga." Sabi ni andie. Sabay baba na.

"Sabihin mo nga sakin tom,  kayo ba ni andie?" Tanong ko sakanya. Siya naman namula lang sabay talikod at baba. Hala siya.

"Hoy!! Sagutin mo ko!!" Sigaw ko sakanya habang pababa ako. Humarap nama siya sakin.

"Oo." Sabi niya. Bigla namang may nagsi-tilian na babae sa gilid ko.

"Hala ka diyan!!! Kayo na ni tom?!" Sigaw ni becca.

"Huh?" Sabay naming sabi ni tom.

"Huh ka diyan. Kayo na?" Tanong naman ni sam.

"Hindi pwede!!" Sigaw ni andie and luke.

"At bakit kayo sumisigaw diyan?" Tanong naman ni becca kay andie at luke.

" I'm courting alex, remember?" Sabi ni luke kaya napa-tango na lang sila becca at sam.

"Eh ikaw naman andie, bat ka nasigaw diyan?" Tanong ni sam kay andie.

"U-uhhh..a-ano..b-basta." Sabi ni andie sabay handa ulit ng table.

"Kasi guys ganito yan.." sabi ni tom sabay hila kay andie at hinwakan niya ang mga kamay nito.

"Kami na." Sabi niya na nagpapanganga samin ng literal. What da?!

"T-tom!!" Saway sakanya ni andie.

Ngumiti lang si tom saming lahat. Hindi ko inaakala na magiging sila. Akala ko kasi sila na ulit ni sam.

Tumingin naman ako kay sam. Ganun din ang ginawa ng iba.

"Bat kayo nakatingin?" Sabi niya. Kaya pinandilatan namin siya.

"Tss. Over na kami. Mas bagay sila." Sabi ni sam na naka crossed arms.

Sabay sabay naman naming siya inirapan.

"Tara na. Kain na!" Sigaw ni tom kaya nagpunta na kami ng table at kumain na.

Pagkatapos ng maingay naming kainan nagmall muna ako with luke. Niyaya niya kasi ako. Sila mark naman, nandoon lang sa bahay nag ee-xbox. Sila becca, nagpunta ng salon.

"Huy, kanina ka pa tulala." Sabi niya sakin.

"Ay, sorry. May sinasabi ka ba?" Tanong ko saknya.

"May sinabi ba ko?" Tanong din niya.

"Wag mo nga kong sagutin ng tanong." Sabi ko sakanya. Siya naman nginitian lang ako.

"Don't get mad. I hate it when you are. Meron ka ba ngayon?" Tanong niya kaya hinampas ko yung braso niya. Kung siya hindi nahihiya sa sinabi niya, well ako oo!! Ikaw kayang tanungin kung 'meron ka' hindi ka ba mahihiya? Kainis.

"Your talking to yourself." Sabi niya sakin habang nagdadrive siya.

"No i'm not." Sabi ko sakanya. Nginitian nanaman niya ko.

"It's ok to get mad at me. Sabi nga nila, 'the more you hate, the more you love.' Kaya, go ahead. Just get mad at me." Sabi niya habang nakangiti pa rin.

"Just drive will you?" Sabi ko sabay irap sakanya.

"K." Sabi niya then nagdrive na lang ng nag drive. Hanggang sa maka-abot kami sa mall.

"Hanggang dito ba naman sa mall naka simangot ka? Ngiti naman diyan!" Sabi niya sabay lapirot sa mga pisngi ko.

"Tigil! Tsk. Sino kayang babae ang hindi maiinis kung tanungin siya ng lalaki kung meron siya?!" Tanong ko sakanya.

"Edi sorry." Sabi niya sakin pero tumalikod nako sakanya then nagstart ng maglakad.

"Alex!! Huy!" Sabi niya habang ako naglalakad. Naramdaman ko naman yung paghawak ni luke sa isa kong kamay.

"Sorry na. Please? I'm sorry." Sabi niya sabay pinaharap niya ulit ako sakanya. Hindi pa rin ako nalatingin sakanya.

"Dali na kasi..bili na lang tayo ng ice cream?" Sabi niya kaya unti-unti nakong tumingin sakanya. Alam na alam talaga niya ang weakness ko. Kairita.

"Ano? Tara?" Sabi niya kaya tumango nako.

Bumili kami ng ice cream then kumain at nag punta na sa car park.

"Nag enjoy ka?" Tanong niya sakin.

"Oo. Bakit ka ba nag-aya lumabas?" Tanong ko sakanya.

"Uhmm..date?" Sabi niya.

"Date?" Tanong ko sakanya.

"Oo. Ano bang tawag mo dito? Review ng studies?" Sabi niya kaya agad ko siyang binatukan kahit ang tangkad niya. (Kayo na lang mag-isip kung pano yun.)

"Pilosopo." Sabi ko sakanya.

"I love you too." Napa lingon naman ako bigla sakanya.

"H-ha?" Tanong ko sakanya.

"Sabi ko. Ang ganda mo, kaso hindi mo pa ko sinasagot." Sabi niya.

"Alam kong maganda ako." Sabi ko sakanya. Siya naman bigla akong inakbayan.

"Bakit nga ba hindi mo pa ko sinasagot?" Tanong niya sakin.

"Kasi ayaw ko pa. Hindi pa ko handa luke. Alam mo naman siguro yun diba?" Tanong ko sakanya.

"I know. But if your ready, let me know. Ok?" Sabi niya kaya niyakap ko siya.

Alam ko namang sobra na siyang nag eeffort sakin eh. Ramdam ko talaga na mahal niya ko. Pero, hindi ko pa talaga alam ang feelings ko. Mahal ko pa rin kasi si vin eh. Hindi naman ata nagbago yun. Pero syempre kailangan ko ng tapusin tong feelings ko para kay vin. Dahil hindi na pwede pang maging kami ulit. Malabo na atang mangyari yun. Kasing labo siguro ng pinagliliguan ng mga kalabaw. Ganun. Parang siguro kasing labo ng ilog pasig.  Sa sobrang labo hindi ko na makita pa na pwede kaming magkabalikan pa ulit ni vin. Sobrang hindi na.

Mahal ko man si vin. Sa tingin ko naman hindi na kami pa magkakatuluyan pa ulit.

•••

Her Happily Ever After (Book 2 Of TOTGA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon