chapter 18: BATANES PT.1

23 2 0
                                    

"Ano ba yan alex! Hanggang ngayon ba naman pahirapan kang gisingin?! Hala sige! Tumayo kana diyan at maligo na! Aalis na tayo oh! Gusto mo bang maiwan?! Kung gusto mo, sabihin mo lang samin ng hindi kami naghihintay sa wala sa baba! Bilis! Tumayo kana diyan! Pag ikaw hindi tumayo malilintikan ka talaga sakin! Isa!!...dalawa!!..ta--" natigil ang lintek na bunganga ni ate ng hindi ko alam kung bakit. Bahala siya diyan.

"Ako na. Sige na, at bumaba kana doon." Sabi nung..lalaki?!

"Gisingin mo yan ha! Naku! Nahahighblood ako sa batang yan!" Sigaw ni ate. Kaya napairap na lang ako kahit naka pikit ako.

Narinig ko namang nagsara ang pintuan.

"Gumising kana. Baka malate tayo sa flight." Sabi ni....sh*t.

Agad akong napabangon at nagkusot ng mata.

"Vin?! What are you doing here?! Bat ka nandito?! Hi--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko.

"Ginising lang kita. Tsaka, gusto kitang makita." Sabi niya.

Ano daw?! Gusto niya akong makita?! Ako ba niloloko nito?! Hindi ba siya naaawkwardan?!

"Tigilan mo muna ako. Maliligo nako at ikaw naman, lumabas kana." Tatayo na dapat ako pero pinigilan niya ako.

"Al, please. Mag-usap naman tayo. Kahit sandali lang. Kating-kating na kong kausapin ka." Sabi niya sakin. Ako naman inirapan ko lang siya. Una, anong ginagawa niya dito?! Feeling ba niya, hindi na ako galit?! Pangalawa, galit pa ako sakanya. Pangatlo, naiinis ako dahil mas gumwapo siya.

"Vin, wala ng dapat pang pagusapan. Pero kung iiinsist mo talaga, next time na lang. Kailangan ko na talagang magready oh. Baka magalit na sakin si ate. Tsaka, baka magalit siya sakin at sayo kapag nakita niya tayong magkasama." Sabi ko sakanya.

"Al, hindi pa naman kami ki--" pinutol ko na ang sasabihin niya gamit ng pagtakip ko sa bibig niya. Pero tinanggal niya naman yung kamay ko at hinawakan niya. Tsk.

"Vin, labas. Bago pa kita masipa at palayasin dito." Iritang sabi ko sakanya. Nakakabwisit eh.

Lumabas na lang siya at iniwan akong nakatanga dito sa loob ng kwarto ko.

Napasinghap at napairap na lang ako, tsaka pumasok ng banyo at naligo.

~~~

Kevin's pov:

"Ano? Nakausap mo na ba siya?" Tanong sakin ni jessie.

"Hindi. Ayaw naman niya eh. Iniisip niya kasi na kinasal na tayo." Sabi ko sakanya habang pinaglalaruan lang ang rubics cube na dinala ko.

"Tss. Ba't hindi mo naman sinabi na hindi?" Inis niyang sabi.

Papakinggan naman ba niya ako kapag nag explain ako? Hindi naman. Naiinis na lang ako sa sarili ko dahil sa una pa lang, kung hindi ko toh ginawa, hindi mangyayari tong lahat. Sana masaya kami ngayong dalawa. Hindi yung masaya siya sa iba.

Hindi pa naman kami ikinakasal ni jessie eh. Ako na rin ang nag sabi sa hudas kong tatay. Sabi ko bigyan muna niya kami ng oras para doon. Pero ang gagawin ko talaga,

Babalikan ko si alex at aayusin ko ang nasirang kami.

~~~

Alex's pov:

"Tara na guys! Malelate tayo sa flight! Gorabells na tayo!!" Sigaw ni maige na sumasakay sa van.

"Taralets na! Yey! I'm si excited!" Malakas kong sigaw then sumakay na sa shotgun seat. Si luke namang ang magdadrive.

Sumakay na silang lahat at ready to gora na kami, pero etong si ate at vin, naglandian pa. Tch.

"Pucha, jessie. Pumasok ka na!" Sigaw sakanya ni vin.

"Ikaw na muna! Gusto ko dito sa may bandang pintuan eh!" Whine naman ni ate.

"Puta," bulong ni vin then hinawakan niya sa bewang si ate at itinulak paloob tsaka sa pumasok at isinara ang pinto ng van.

Napasimangot na lang ako, at napairap. Maglalandian na lang, sa public pa. Kainis.

"Huy xandra, relax lang. Baka mamatay ka sa selos, sige ka." Sabi ni becca sabay tawa nilang lahat.

"Manahimik kayo." Sabi ko with my serious tone.

Nanahimik sila kaya nabored ako at nakatulog...

~~~

(Airport)

"Batanes here we come! Kyaaaaa!!" Kilig na tili ni sam.

"Nakapunta ka naman na diyan. Excited ka pa rin?" Tanong ng kanyang jowa. And it's tom. Ang lokang babaita ay hindi na nag paligaw ulit. Sabi niya doon din naman daw ang tungo nila.

"Eh! Excited pa rin talaga ako! Ganda kaya nung place na yun." Sabi ni sam. Si tom naman biglang inakbayan si sam habang naglalakad kami papuntang private plan. Ayan, sweet nilang dalawa

"Naka simangot ka?" Tanong ni luke na ngayon ay hawak na ang kamay ko. So, parang magka holding hands kami ngayon. Syempre dahil hindi naman ako masama, hindi ko iyon tinanggal.

"Kailangan ba laging nakangiti? Kahit nasasaktan kana, ngingiti ka parin? Ano ka, siraulo?" Sabi ko, sabay takip ng bibig ko. Hala! Ba't ko nasabi yun!!

"Nasasaktan? Sino bang nanakit sayo?" Tanong ni luke kaya umiling lang ako.

"Guys!! Andito na tayo sa aking magandang private plane, katulad k--" agad namang binato ni luke ang kapatid niya gamit ang cap na suot niya.

"Aray!! Walanghiya ka! Bastos! Kitang nagsasalita yung tao dito eh! Kainis!" Sugaw ni maige sa kakamabal niya.

Ito namang si luke, nginitian lang si maige na parang wala siyang ginawa.

"Ang mean mo sa kapatid mo." Bulong ko sakanya. Nakita ko namang ngumiti lang siya.

Nang makasakay na kaming lahat sa private plane, ayun, nagbangayan nanaman sila sam at tom.

"Ako nga kasi diyan eh! Umalis ka na!" Sigaw ni sam kay tom.

"Tsk. Diyan ka na lang. Wala namang pinagka-iba eh. Sige ka, baka mahulog si baby." Nanlaki lahat ang mga mata namin sa sinabi ni tom sa last part. Including sam.

"Hoy,hoy,hoy,hoy,hoy!! FYI, hindi ho ako buntis! But, kung buntis man ako, hindi na ikaw tatay! Bwahahaha!" Sabi ni sam kaya napailing kaming lahat. Si tom naman, pinaupo na ang gf niya sa may bandang bintana.

"Hindi ako tatay?! Aba, at sino namang tatay niyan?!" Galit na sabi ni tom.

"Si john! Hahahahhaa!!" Sigaw ni sam sabay tawa na parang baliw.

"Lul. Magselos pa girlfriend ko sainyo niyan sige kayo." Sabi niya kaya nanlaki mga mata namin sakanya.

"What?! May gf ka na?!" Sigaw na tanong ko.

"Oo! Si mark! Diba, mark?" Sabi ni john sabay kindat kay mark. Ay, bwisit.

"Pakshet ka. May girlfriend nako. Wag ka ng umasa." Sabi ni mark sabay pat sa likod ni john.

"Luh?! Weh?! Sino?!" Sabay-sabay naming tanong.

"Si maige."

Ha?!

•••

Her Happily Ever After (Book 2 Of TOTGA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon