"Ano ba?! Hindi kita kinakausap. Wag kang sumasabat." Sabi niaige kay luke. Ayan kasi. Galit tuloy si maige.
"Sorry na nga kasi. Ayaw mo pang tanggapin." Malambing na sabi ni luke sa kapatid niya.
"Tss." Inis na irap ni maige.
" Ito na lang para mapatawad mo ko. Bwahahaha!" Evil laugh ni luke sabay pahid sa mukha ni maige ng cake. Saan galing yung cake? Binili ko.
"Eeehhhh!! Luke naman! Ang dumi ko na!" Whine ni maige. Pero maya-maya, tumahimik siya at nagpahid sa magkabilang pisngi ni luke ng frosting.
"Luh?! Maige! Pucha. Ang lagkit!" Sigaw ni luke. Ako naman eto, sumasakit na yung tiyan kakatawa.
"HAHAHAHAHA!!!" Malakas kong tawa.
"Ah! Tumatawa ka lang diyan ha!" Sabi ni maige at luke sabay ngiti ng nakakaloko. Ako naman umiling lang. Habang sila papalapit ng papalapit sakin. Kaya agad nakong tumayo at tumakbo. Hanggang sa na trap nila ako sa may pintuan at pinahiran ako ng frosting.
Bigla namang bumukas yung pintuan.
"Hellooo!! Mah neggas! HELLLOOOOO!!" Malakas na sigaw ni sam pagkapasok ng bahay ko. Ano namang ginagawa ng mga yan dito?? Kay aga pa!
Napa 'what?!' Face na lang kaming tatlo.
"Ay, sorry. Nakakaistorbo ba kami?" Mahinahong tanong ni andie. Habang pumapasok.
"Nope. We're just having fun. Tara sa living room." Sabi ko sakanila then sumunod na sila sakin. Tsk. Kasama pala si vin.
Umupo na sila at kami naman ni luke nagpunta lang sa sink sa may kitchen para makapaghugas ng mukha.
"Kainis. Ang lagkit ng mukha ko. Ikaw kasi eh." Sabi ko habang hinuhugasan yung other side ng cheeks ko.
"It's maige's fault. Not mine." Sabi niya then naghilamos na din after ko. Pagkatapos ng paghihilamos namin, nagpunta na kami ng sala para makihalubilo sa iba.
"Oh, at saan kayo galing?" Tanong ni sam.
"Naghugas lang ng mukha." Sabi ko then umupo na kami ni luke na magkatabi. Bigla naman akong tinitigan ni vin. Ako naman, syempre napapatitig na rin.
Habang nagsasalita si maige about sa outing namin, kami ni vin nagkakatitigan lang. Walang gustong bumawi ng tingin. Makaka 5 minuto na kaming nagtititigan.
"Hey alex, you ok?" Squeeze ni luke sa kamay ko. Kaya naputol ang tinginan namin ni vin."I'm ok. Ano nga ulit yun maige?" Tanong ko habang nakangiti sakanya sweetly.
"Tsk. Nubanaman yan alex. Pay attention kasi. Anyways, alis na natin bukas. Ok na rin ang mga tickets dahil sa ang kumpanya namin ang may-ari ng airport. Ready na ba kayo guys?" Tanong ni maige. Kami naman, napatango-tango lang.
"Anong time ang alis?" Tanong ni john.
"6:00 am in the morning. Kaya maaga kayo matulog." Sabi ni maige.
"Dito na lang tayo matulog!" Sigaw na suggest ni mark.
"Geh. Marami pa namang kwarto dito na pakalat-kalat." Sabi ko sakanila.
"Then it's settled. Nga pala, private plane tayo." Sabi ni maige.
Tumango na lang kaming lahat. Bigla naman silang lahat tumingin sakin with sad faces.
"Oo na. Merong pagkain na nakahanda doon. Tara na." Sabi ko habang pailing-iling na tumayo.
"Babe, hindi pa naka ready yung table." Bulong ni luke sakin.
BINABASA MO ANG
Her Happily Ever After (Book 2 Of TOTGA)
Teen FictionHe left her.. can she move-on? Can she find her happiness? Will she find her happily ever after that is waiting for her?