"So, kamusta ka na?" Tanong ni tita sakin habang hinihiwa niya yung steak niya.
"Ok lang po. Medyo madaming gawain sa office pero ok lang." Sabi ko sabay inom sa green tea na hinanda ni tita.
"Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong niya.
"Hindi naman po. Bakit po?" Tanong ko sakanya.
"Wala lang. Natanong ko lang. Eh kamusta naman na ang manliligaw mo?" Tanong ni tita.
"Uhh..nanliligaw pa rin po." Sagot ko kay tita. Siya naman uminom lang ng wine niya.
"Bat nanliligaw pa rin?" Tanong niya kaya napatigil ako.
"Hindi pa po kasi ako handang pumasok pa sa relasyon na hindi ko naman sigurado sa sarili ko na gusto ko talaga tong pasukin." Sabi ko sakanya.
"Hindi ka pa handa o mahal mo pa siya?" Tanong ni tita. Kaya napaisip ako. Mahal ko pa kasi siya. Pero, natatakot rin akong pumasok ulit sa isang relasyon. Baka pag pumasok ako, eh ipag tabuyan nanaman ako palabas.
"H-hindi ko po a-alam..." sabi ko. Actually kasi parehas.
"Haayy..it's ok. Basta kung alam mo na sa sarili mo ang desisyon, let them know. Para hindi na umaasa pa ang isa." Sabi ni tita. Tama naman siya eh.
"Eh, tita..pano po kung sabihin ko na sakanila ang fully decision ko? Syempre po, may masasaktan." Sabi ko habang nilalaro ang steak ko.
"Hija, kapag ikaw ay pumasok na sa isang relasyon, syempre dapat handa ka ng masaktan at mag take ng risks. Mas lalo mo silang o siyang sasaktan kapag pinaasa mo lang siya sa wala. Kaya dapat, better make your decision wisely. And fast." Sabi ni tita sabay kain.
"Tita..pupwede po bang walang masaktan kapag sinabi ko ang desisyon ko?" Tanong ko sakanya. Bigla naman siyang tumingin sakin ng straight.
"Hindi. Lahat ng tao nasasaktan. Kaya syempre masasaktan at masasaktan ang sinabihan mo ng desisyon mo." Sabi niya. Well, point taken.
"Ok tita.." sabi ko then tumango lang siya.
Nagusap lang kami ng nagusap. Hanggang sa inantok nako.
"Tita, i'll go ahead na po. Thankyou po ulit sa dinner." Sabi ko sakanya.
"Gusto mo ba ipahatid na kita sa driver ko?" Sabi niya.
"Ay, wag na po. May magsusundo rin naman po sakin." Sabi ko sakanya.
"O siya, sige na. Baka sobrang gabihin ka pa diyan." Sabi ni tita kaya nag mano nako at umalis na.
Pagkarating ko sa bahay agad nakong nagpunta ng kwarto and nag change na into my pj's.
Dinapuan na ako ng antok kaya i fell asleep.
***
(Morning)
"Ma'am, may naghihintay po sainyo sa baba." Sabi nung yaya ko. Lahat ng yaya ko dito nag tatagalog. Pinadala ni mommy para daw hindi nako mahirapan. Share ko lang.
Tumayo nako at nagayos muna. Syempre toothbrush,hilamos etc. Then bumaba nako.
"Oh, kay aga-aga andito ka?" Sabi ko kay luke.
"Don't you want me here?" Tanong niya. With matching paawa effect.psh.
"Paawa-paawa kapang nalalaman. Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
"Bibisitahin prinsesa ko." Sabi niya. Automatic namang tumaas ang kilay ko.
"At sino naman yang prinsesa mo kuno?" Sabi ko sakanya with crossed arms.
"Si manang. Mahal na mahal ko si manang eh. Ang cute-cute pa! hahaha! Mas baby faced kesa sayo. Mukha ka kasing paa. Bwahahaha!!" Sabi niya sakin. aba! ako, mukhang paa?!
"Hoy, Luke!! hindi ako mukhang paa!" Sigaw ko sakanya. Niyakap lang niya ako at ginulo ang buhok ko. "hay ewan. kumain ka na ba?" tanong ko sakanya.
"Yup. Bago ako pumunta dito." Sabi niya kaya pumunta nako ng lamesa at nagbreakfast na.
"Nalamangan ko na ba yung ex mo?" Tanong niya kaya nabilaukan ako.
"*choking* t-tubig!!" Sigaw ko kaya taranta siyang kumuha ng tubig at pinainom sakin.
"Anong nangyari sayo?" Tanong niya.
"Bigla ka kasing nagsasalita ng kung ano diyan eh. Tsaka anong nalamangan yang sinasabi mo?" Sabi ko sakanya.
"Kung nataasan ko na ba siya?" Sabi niya
"Uhh..wait lang ah. May tumatawag eh." Sabi ko sabay kuha ng phone ko at lumabas ako sa may pool. Buti na lang bubong tong pool kung hindi lusaw ako. Tsk. Back to the topic.
Actually, wala naman talagang tumatawag. Gusto ko lang umalis sa usapan na yon. Ayokong pinaguusapan si vin. Masyado akong naa-out of the world kapag siya na ang pinaguusapan. Ewan ko ba kung bakit ganun padin ang epekto niya sakin.
Naalala ko pa yung sinabi ko sakanya.
"Mahal kita. Hindi yun magbabago."
Hindi nga ba talaga magbabago ang pagmamahal ko sakanya? Hindi nga ba?
Habang nag oover think ako, bigla naman may yumakap sakin galing sa likod ko.
"L-luke..anong g-ginagawa mo?" Tanong ko sakanya.
"Nakayakap. I just want to tell you that i'm sorry. Hindi ko na dapat pa ino-open yung topic na yon. Sorry." Sabi niya habang pahigpit ng pahigpit ang yakap niya.
Naiiyak ako sakanya. Paano kung marealize ko na lang pala bigla mahal na mahal ko pa pala si vin? Pano na lang si luke? Sobrang dami na niyang ginawa for me. Tapos iiwan ko lang siya? Hindi ba parang, betrayal yun? Ugh!! I hate my life!! Napakagulo!! Sa sobrang gulo patang sasabog na utak ko kakaisip kung ano bang mangyayari kapag sinabi ko na ang desisyon ko.
"Luke..it's ok. Wag ka ng mag sorry." Sabi ko sakanya.
"Ok ka lang ba talaga?" Sabi niya sakin. Then hinarap niya ako sakanya.
Tumango lang ako bilang response ko sakanya.
Niyakap nanaman niya ulit ako. Yung yakap na ang sarap sa pakiramdam. Yung yakap na feeling ko secured ako.
Yung yakap na kahit kailan hindi ako iniwan at sinaktan.
•••
BINABASA MO ANG
Her Happily Ever After (Book 2 Of TOTGA)
Teen FictionHe left her.. can she move-on? Can she find her happiness? Will she find her happily ever after that is waiting for her?