Pagkagising ko mukha agad nila andie ang bumugad sakin.
"What are you doing here?" Tanong ko sakanilang apat. Si becca,andie,sam and alice.
"Xandra...uuwi na kami..sorry.." sabi ni becca. Nginitian ko lang sila.
"It's ok guys. Dadalaw din naman ako doon eh. But not now. Ok?" Sabi ko sakanila then niyakap nila ako.
"Promise ate?" Sabi ni alice kaya tumango na lang ako sakanya.
"Sige na. Hatid ko na kayo sa baba." Sabi ko sakanila. Nakita ko rin na sila tom nag aayos na paalis.
"Bye lex! Thankyou!!" Sabi ni dy kaya nag group hug kami. After nun pinahatid ko na sila sa van papuntang airport. Ako naman nagpunta na ng kwarto ulit at nahiga na lang. Buti na lang at saturday ngayon. Wala akong pasok.
Sometimes naiisip ko kung bakit lagi nila akong binibisita. Hindi ko naman sila tinatawagan or anything. Bigla na lang silang susulpot. Like a kabute. Pero thankful naman ako dahil binibisita nila ako. Kahit bigla-biglaan sila.
Bigla namang nag ring ang phone ko.
《Yes, tita?》
《Alex, can we have a dinner? I want to talk to you more.》
《Oh, ok tita.》
《In my place. Ok?》
《Okie. Bye!》
*toot*
Well, hindi nako nagulat na gusto ni tita makipag-usap sakin. Wala rin kasi siya sigurong makausap sa bahay and gusto niya ko nakausap about sa life ko in our company. Alam ko na agad magiging flow ng usapan namin. Makapag shopping na nga lang muna.
Tinawagan ko na lang muna si maige para samahan ako papuntang mall.
《Hey, maige?》
《Yup?》
《I was thinking if you could come with me?》
《Where?》
《Mall.》
《Okie. Be there in a jippy.》
*toot*
Nagpunta nako ng c.r then naligo and nag-ayos. Nabihis na rin ako agad dahil baka dumating na si maige.
"Alex!!!!" Sigaw ni maige. Speaking.
"Wait!!" Sigaw ko then agad-agad nakong bumaba.
"Tagal ah." Sabi niya kaya inirapan ko lang siya.
"Si luke?" Tanong ko sakanya habang hinahanap ko yung phone ko sa bag.
Hindi siya nagsalita kaya tinignan ko siya.
"What?" Tanong ko sakanya. Parang kasing ewan kung makatingin.
"Ikaw ah. Yieeee!! Sabi mo ako lang sumama. Eh bat hinahanap mo rin si luke?" Sabi niya habang nakangiti ng hindi mo malaman kaya nakatanggap siya sakin ng irap.
"Tinatanong ko lang dahil kapag tatawag ako sayo, madalas sasama rin siya. Baka hindi lang ako sanay na wala siya." Sabi ko sakanya. Siya naman nakangiti lang.
"Hindi rin ako sanay na wala ka." Sabi ng lalaki galing sa likod ko. Bigla namang uminit ang pisngi ko.
"H-ha? A-anong sinasabi m-mo diyan?" Peste!! Bat ako nauutal!? Argh!!
"Stuttering huh?" Sabi niya habang nakangiti.
"Stuttering your face. Tara na nga." Sabi ko then sumakay na sa car niya. Ganyan naman siya lagi eh. Kapag narinig lang niyang aalis ako sasama siya.lagi rin naming gamit yung kotse niya.
"Saan ba?" Tanong ni luke.
"Mall. May bibilhin lang ako." Sabi ko sakanya. Pinaandar na niya ang kotse sabay paandar.
"Tumatalab na ba sayo ang kagwapuhan ko?" Sabi niya habang nagdadrive.
"Tumatalab? Ano to, gamot?" Sabi ko habang natatawa ng onti.
"Oo. Ako ang gamot mo." Sabi niya.
"Taas ng confidence ha." Sabi ko. Siya natawa lang ng onti.
"Baka nakakalimutan niyo, may tao pa po dito." Sabi ni maige na nasa likod. Natawa na lang kami sakanya.
Ng makaabot kami sa mall, nagpunta na kami agad sa mga boutiques.
"Uhhh...i'll just stay here." Sabi ni luke kaya iniwan na namin siya doon.
"Alam mo alex, ang swerte mo kay luke." Sabi ni maige sakin.
"At bakit naman?" Tanong ko sakanya. Bigla bigla na lang kasing nagsasabi ng kung ano-ano.
"Kasi he's exerting too much effort on you. Parang mahal na mahal ka talaga niya. Di mo ba napansin yun?" Sabi niya.
"Napansin." Sabi ko sakanya habang pumipili ng damit.
"Eh bat ayaw mo pang sagutin?" Tanong niya.
"Tsk. Maige, hindi pa ko handa para pumasok pa ulit sa isa pang relasyon. Tsaka, last week lang siya nag start ng panliligaw niya." Sabi ko sakanya. Nag deep sigh lang siya.
"Bala ka nga diyan. Baka magsisi ka sa huli." Sabi niya kaya di ko na siya pinansin.
Nagbayad nako ng mga pinamili ko then lumabas na kay luke. Si maige naman may binili rin kaya dito na lang muna namin siya Hihintayin.
"Let's go?" Sabi niya. Kaya umiling lang ako.
Pagkatapos nun hinatid na nila ako sa bahay ko then sila naman umuwi na.
Hala..5:30 na.
Nagready nako then went to my driver.
"To my aunt's house." Sabi ko then nagstart na siyang mag drive.
Pagkarating namin dun nagdoorbell nako agad sa mansion ni tita. Bigla namang may nagsalita sa may gate.
"Who is this?" Sabi nung gate. Narecognize ko naman yung boses ni tita.
"Uhmm...it's me tita." Sabi ko then nagbukas na yung malaki niyang gate. Pagkapasok ko, ang malaki niyang garden ang bumungad sakin. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa maabot ko na yung main door ng bahay niya.
"Hello alexandra!!" Sabi niya sabay yakap sakin. Ako din niyakap ko siya.
"Hello din po tita. Kamusta po kayo dito?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok sa kanyang malaki na mansyon. Ang taas ng mga ceiling. Tapos yung aircon niya, lima! What da? Di ba nilalamig si tita dito? Balat kalabaw lang?
"Ok naman ako. Masyado nga lang nakakastress magtrabaho. Pero kakayanin. Ikaw ok lang ba yung trabaho sa company?" Tanong ni tita kaya tumango lang ako.
Umupo na kami sa mahaba niyang lamesa. Mukhang mahaba-habang usapan to ah.
•••
BINABASA MO ANG
Her Happily Ever After (Book 2 Of TOTGA)
Novela JuvenilHe left her.. can she move-on? Can she find her happiness? Will she find her happily ever after that is waiting for her?