After lunch...
"Ako na nga kasi," sabi ko pero etong si luke ayaw mag pa-awat.
"I insist. Ako na." Pangungulit niya.
"No. Ako na nga sabi eh." Sabi ko sakanya.
"Bala ka diyan. Makipagtalo ka sa sarili mo habang ako, maghuhugas na." Sabi ni luke sabay talikod at akmang pupunta na ng kusina pero syempre pipigilan ko siya.
"Luke naman kasi! Ako na nga sabi!" Whine ko sakanya.
"Wag ka ng makulit al. Siya na daw." Biglang singit ni...vin? OMFG..no. wag niya kong kakausapin. No! Bakit nanghihina ako?! At tsaka, Al?! Ano close pa rin kami?
"Tsk. Ikaw na maghugas. But, make sure na malinis yan ah!" Sabi ko. Siya naman dinala na yung mga pinggan tas kinindatan pako.
"May pakindat-kindat pang nalalaman. Sundutin ko mata mo eh." Bulong ni vin pero hindi ko na yun pinansin dahil hindi ko rin siya narinig. Bahala siya diyan.
Nagpunta na lang ako sa may sala kung saan silang lahat nakatambay at nanonood. Putek. Horror pa pinapanood nila. Aakyat na nga lang ako.
"Hoy! Saan ka pupunta? Bumaba ka rito!" Sigaw sakin ni becca.
Ngumuso lang ako tsaka pumunta sa tabi ni alice.
"Ate, ok lang bang manood ka kasama namin? Namumutla ka." Sabi sakin ni alice.
"Ok lang yan kay xandy! Diba?" Sigaw ni john.
"Tse! Alam niyo namang ayoko niyan eh!" Sigaw ko sakanila.
"Ay, ayaw mo ba?" Tanong ni tom. Sabay apir kela mark.
"Ang mean niyo!! Alis na nga lang ulit ako!" Sigaw ko sakanila.
"Toh naman di mabiro oh, yakapin mo na lang yan si alice kapag natakot ka." Sabi ni tom.
"Sakin na lang." Sabi ni luke sabay tabi sakin.
"Oh ayan na pala si luke, sakanya na lang." Sabi ni alice. Tsaka nag cling kay dy.
Bigla rin namang dumating si vin. Tumabi lang siya kela sam. Syempre sakanila siya tatabi, alangin namang sakin. Diba? Hay nako.
In the middle of the movie...
"Waaaahhh!! Ayoko naaa!! Patayin niyo na yan!" Sigaw ko habang nakayakap lang kay luke.
"Wag. ituloy niyo lang." Sabi naman ni luke sakanila.
"No! Maawa kayo sakin! This is pure torture!!" Sigaw ko.
"Tsk. Kung ayaw mo, lumabas ka na lang xandy! Wala na ngang nakakatakot eh." Sita sakin ni tom. Oo nga noh? Great idea. Lalabas na nga lang ako sa may garden.
Tumayo nako at lumabas papuntang garden and their i saw her, my ate.
"Uy, alex! Lika!" Sigaw niya as if nothing happens.
Nginitian ko siya pero hindi full. Half lang.
Pagkarating ko sa kinauupuan niya, tahimik lang kami. Parang kaming binabalot ng awkwardness.
"Alex, kelan ka pa dumating?" Tanong niya.
"Kaninang umaga." Tipid kong sagot.
"Kayninong bahay toh?" Tanong niya ulit.
"Kay ninoy." Sabi ko sakanya habang naka poker face at nakatingin lang sa mga flowers.
"Alex," sabi niya with hwr serious tone. Naiinis ata.
"Tsk. Sakin toh. Happy?" Irita kong sabi sakanya.
"Sayo toh?! Wow! You must be very succesful!" Mangha niyang sabi.
Tumahimik lang ako. I must say na naging very succesful nga ang career ko for the past 3 years. Kaya nakabili ako ng ganitong kalaking bahay.
"Alex, sorry. I am very sorry." Sabi niya.
"Bat ka nag sosorry?" Tanong sakanya na nagtataka. Bat naman toh nagsosorry? Isn't she happy na nasakanya na si vi-- ugh. I gotta stop.
"For all the things i have done to you for the past years. For giving your heart the pain that you didn't deserve. For causing you the sadness which you don't deserve. For all the mistakes that i've done. those things that i've done, they all have reasons. Reasons behind all of the things i've done. Lahat yun may dahilan. Hindi ko yun ginawa dahil trip ko lang. I did it because it is needed and the right thing to do. I am terribly sorry alex.." mangiyak ngiyak na sabi ni ate. Hindi ko alam kung icocomfort ko ba siya or what. Pero parang ayoko. Hindi pa rin maalis sakin yung galit at lungkot.
"I understand kung hindi ka pa muna sakin makikipag usap or what. Alam ko namang hanggang ngayon galit ka pa rin. Pero i hope na someday, magka-ayos rin tayo at magbati na. Yung bumalik tayo sa pagkaka-close nating dalawa dati." Sabi niya sabay tayo at hinawakan niya ang kamay ko tsaka bumalik sa loob.
I really feel sorry for ate. Sobra na rin siyang nahihirapan dahil hindi kami magka-ayos. Ako rin naman nahihirapan na. Pero ayokong makipag-ayos sakanila ng may poot at galit pa sa puso ko. Ayoko. Pero syempre kahit galit ako, ate ko pa rin siya, siya yung nag-alaga sakin kapag nasa trabaho sila mommy at daddy. Siya yung nandiyan kapag kailangan ko ng masasabihan ng mga secrets ko. Yung ate kong mahal ko at laging nandiyan kapag kailangan ko siya.
Pero bakit naman kailangan mangyari toh? Ang hirap eh. Sobra. I just want to end this and leave. Parang gusto ko na lang mamuhay kasama sila maige at luke. Yung walang problema.
Yung dati kong buhay na hindi nasira katulad ng ngayon.
•••
BINABASA MO ANG
Her Happily Ever After (Book 2 Of TOTGA)
Teen FictionHe left her.. can she move-on? Can she find her happiness? Will she find her happily ever after that is waiting for her?