Dedicated sa kanya kasi siya po ang First na reader na ngalagay ng story ko sa RL niya at nag vomment..hehehe..thanks sayo.
[Pic po ni Kyle sa gilid^^]
<Kyles' POV>
"Uhhhmmmm" ang tanging nasabi ko nung nagkamalay ako.
Tumingin ako sa paligid at napansin kong nasa loob na ako ngg aking kuwarto at naka higa. Naroon ang aking kuya sa tabi ng aking kama at naka tulog. Mukhang binantayan niya ako.
Sinubukan kong gumalaw upang gisingin si kuya ngunit namamanhid ang aking buong katawan gawa ng paghataw ni itay."kk--kuuyya" ang tangi kong nasabi upang magising si kuya.
"hhmmmm" ungol ni kuya na mukhang naalimpungatan sa paggising ko.
"Kyle?Kyle,...thank God at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo? Anong masakit? Sabihin mo." ang sunud-sunod at worried na tanong ni kuya.
Di ko maiwasang mapangiti kahit na parang namamanhid parin ang buo kong katawan sa sakit dahil sa pag-aalalang pinapakita ni kuya. "a-ayos lang ako kuya. Medyo masakit pa ang buo kong katawan pero sanay nanaman ako" ang mahina kong sagot sa aking kapatid.
Kita ko ang awa mula sa pagkakatitig sakin ni kuya. Napa buntong hininga na lang siya.
"Pasensya ka na bunso ha. Nahuli nang dating si kuya. Ganyan tuloy kalala ang inabot mo. Hayaan mo, hinding-hindi na mauulit sayo ito." maiyak-iyak na sabi ni kuya habang hinahaplos ang buhok ko.
"Ayos lang talaga kuya. At salamat dahil palagi kang nariyan para sakin. At least, may natitira pang nagmamalasakit sakin."naiiyak ko na ring sagot.
"Ano ba yan, ang drama tuloy natin."si kuya habang pinupunasan ang luhang kakawala na sana sa mga mata niya."sandali lang ah. Maghahanda lang ako ng makakain mo para maka-inom ka na ng gamot."
Tumango na lang ako at lumabas na si kuya sa aking kuwarto.
Medyo mahaba na ang kuwento pero di pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si KYLE JUSTIN MENDEZ. Kyle ang tawag sakin ng karamihan. 17 years old, 5'7 ang height, medium-built ang katawan, chinito eyes, saktong tangos ng ilong,hindi maputi hindi rin naman maitim kumbaga..tama lang,at Beki po ako pero hindi talaga mmahahalata kasi hindi naman ako showy at never akong nagcro-cross dress. 1st Year College na taking up BS Nursing. I know many will tell na wala akonng patutunguhan sa kursong kinuha ko, pero pinili ko to for a certain reason. Gusto ko kasing Ipakita ang pagmamahal ko sa ibang tao sa pamamagitan ng pag aalaga sa kanila, especially sa mga matatanda.at ito ang naisip kong way para maramdaman kung ano ang feeling nang inaalagaan mo ang isang taong itinuturing mong mahalaga sa iyo. Dalawa kaming magkapatid at ako ang bunso. Si kuya Bryan 22 years old, ang tanging kapamilya kong nagpadama sakin ng pagmamahal. Alam niya ang totoo kong pagkatao ngunit hindi niya ako hinusgahan bagkus inintindi niya ako. Super close kami niyan, sa kanya ako laging tumatakbo kapag may problema ako o kahit na gusto ko lang ng makakausap. Ulila na kaming dalawa sa ina, namatay daw si inay nung ipinanganak niya ako dahil sa mga complications at ako ang sinisisi ng aking itay sa pagkawala ng inay. Ang kwento ni kuya, napaka bait raw ni itay nung nabubuhay pa si inay. Masipag mag trabaho at sobrang maalaga kaya naman, maalwan raw ang kanilang pamumuhay noon dahil sa sipag ni itay.
Pero nung ikatlong buwan daw ng pagbubuntis sa akin ni inay ay nagkaroon ng complications. Hindi raw makontrol ang pag taas ng Blood Pressure niya na sa explanation ng Doctor ay Hereditary. Hindi nila magawang bigyan si inay ng mga gamot dahil sa kalagayan niya. Binigyan sila ng option ng doktor na ipa-abort ako ni inay dahil manganganib kami pareho kapag pinagpatuloy niya ang pagbubuntis niya.
Hindi pumayag si inay na ipalaglag ako at duon nagsimula ang kanilang pagtatalo ni itay. Kahit na anong pilit at pakiusap ni itay ay ipinagpatuloy parin ni inay ang kanyang pagbubuntis hanggang sa isilang niya ako.
Pero ilang minuto raw pagkatapos kong ipanganak ay hindi na makontrol ng mga doktor ang pagtaas ng Blood Pressure ni inay at nagkaroon siya ng Aortic aneurysm(An aortic aneurysm is a general term for any swelling of the aorta to greater than 1.5 times normal, usually representing an underlying weakness in the wall of the aorta at that location) at iyon ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Hindi matanggap ni itay ang nangyari kay inay at nagsimula na siyang pabayaan ang kanyang sarili ayon kay kuya. Gani-gabi siyang naglalasing, natuto na rin siyan manigarilyo at napabayaan na niya ang mga negosyong ipinundar nila ni inay.
Nang ako ay nagka-isip, hindi ko kailanman naramdaman na mahal ako ni itay. Naroon ang kaunting pagkakamali ko lang ay kaagad niya akong pinapalo at pinapagalitan. Hindi lubos maunawaan ng mura kong isip kung bakit ganun na lamang ang galit sa akin ni itay. Kung hindi pa dahil sa aking kuya Bryan ay siguro matagal ko nang hindi kinaya ang mga pambubugbog sakin ng itay.
Hanggang sa ako ay nagbinatilyo, hindi parin nagbabago ang pakikitungo sakin ng itay ako parin ang sinisisi niya sa sinapit ni inay at ang kinahantungan niya. sa mga panahon na iyon ay lango na si itay sa kanyang mga bisyo at tuluyan na kaming napabayaan ni kuya. Kaya naman sa murang edad ay natuto kami ni kuya na suportahan ang isa't isa sa tulong na rin ng Trust Fund na iniwan samin ni inay.
A/N:
Time Check=10:22pm...INAANTOK NA AKO..huhuhuh,,..sensya na ito muna nakayanan ko. bukas nalang sana ulit..may part 2 po to.
WOW!!!!May 4 reads agad ako???!!!!hahahhaa...unbelievable!!!^^sooo HHHAAPPY PO!!! Continue reading po sa story na to...LOVELOTS..
_KyIel_

BINABASA MO ANG
_MY JOURNEY TO LOVE_(boyXboy)(SLOW UPDATE)
General Fiction" Binigay at Ipinagkatiwala ko sayo ang LAHAT-LAHAT ng kung ano man ang natira sa pagkatao ko. Pero Winasak at pinagpira-piraso mo lang pala. Now, I don't even know where to start and how to pull those pieces of me back together. Tama nga ako, pare...