Note muna:
Dedicated po ito kay Kuya Tzekai kasi Yung story niyang "Chances" ang unang bromance story kong nabasa dito sa wattpad..Grabe ang smiles at Luha ko nung nabasa ko yun.hehehe..try niyo po talaga mga stories niya.SOBRANG GAGANDA!!isa na lang ata sa mga finished works niya ang di ko pa nababasa eh..hehe*two thumbs-up po*..isa ka sa mga idol ko kuya Kai..hehe..Sana someday, kahit man lang mapantayan ko galing mo sa puagsulat. Pero ngayon,dedication muna kaya ko eh..^^...Back to our Drama na po.^^ENJOY!
<Kyles' POV>
Hindi ko tuloy maiwasang mapaluha kapag naaalala ko ang mga hirap na pinagdaanan namin ng Kuya Bryan ko. Hindi kasi biro para sa dalawang binatilyo ang harapin ang mga hirap ng buhay sa murang edad na walang tulong mula sa kanilang ama.
Flashback: 5 Years ago
Mag-isa lang ako sa bahay namin noon minsan isang hapon. Nasa trabaho ang kuya Bryan. Habang nag-aaral kasi siya noon, kinakailangan niyang mag part-time job upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan naming magkapatid. Sapat lang kasi ang Trust Fund na naiwan ni inay para sa pag-aaral namin at sa mga panahong iyon ay lulong na sa mga bisyo niya ang itay kaya kinakailangang kumayod ni kuya sa kanyang murang edad. Lumipat na rin kami sa mas maliit na bahay noon dahil walang natira sa mga naipundar nila inay dahil na rin sa bisyo ng itay.
First Year Highscool ako nung mga panahong iyon ay natuto na ako ng mga gawaing bahay. Nung hapong iyon, pumunta ako sa kapitbahay upang mag-igib ng tubig na maiinom dahil naputulan kami ng linya ng tubig dahil hindi na kami nakapagbabayad. Bitbitko sa magkabilang kamay ko ang dalawang malalaking balde ng tubig, kahit hirap na hirap na ako sa pagbubuhat ay tinitiis ko upang may magamit kami sa bahay. Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko ang itay na naka upo sa sofa at naka yungo ang ulo, halatang naka inom nanaman ito dadaanan ko na lang sana siya at pupunta sa kusina nang iniangat niya ang kanyang ulo, naramdaman siguro niya ang presensya ko sa bahay at iniangat niya ang kanyang ulo. Pagkakita niya sa akin, naningkit ang kanyang mga mata sabay tingin sakin ng masama.
"HOY!!SHHAALOT! halika nga rito!hik!" ang malakas na sigaw niya sabay at pasuray-suray na lumapit sakin.
Agad kong nabitawan ang mga balde ng tubig at nagsimula nang manginig ang katawan ko sa takot. Kahit kasi sa mura kong edad ay matindi na anng takot ko sa itay, naroon ang bigla na lamang niya akong papaluin ng malakas sa kaunting pagkakamali lang. Madalas ring mainit ang ulo niya pagdating sa akin at madalas niya akong bulyawan kaya naman lumaki akong takot na takot sa kanya.
"I-Itay?ba-b-bakit po?" ang nauutal kong sagot.
At walang sabi-sabi niyang pinakawalan ang kanyang kamao at dumapo iyon sa aking sikmura. Halos hindi ako makahinga dahil sa lakas ng pagkakasuntok sakin ng itay kaya naman napaluhod ako habang hawak-hawak ang aking tiyan na namimilipit sa sakit.
"Sshan ka *hik!* nnahng-ghali*hik!*ng hah?!!" bulyaw niya habang dinuduro-duro ako. Hindi ako maka-sagot dahil hindi ko magawang makapagsalita dala na rin ng matinding pananakit ng aking tiyan.
"H-hano?! Shumagot kahng P*****I***g lahkwatsherong batah kah!" sabi niya sabay sapak naman sa kanang parte ng ulo ko. Parang naalog ang utak ko at pakiramdam ko nabingi ako dahil sa lakas ng pagkakasapak niya sakin kaya naman tuluyan na akong napahiga sa sahig mula sa pagkakaluhod.
Sa aking pagkatumba, natabig ko ang mga balde ng tubig na nasa gilidat nagkalat ang laman nun sa sahig. Ngunit di yun inalintana ng itay at patuloy parin sa panduduro sakin.

BINABASA MO ANG
_MY JOURNEY TO LOVE_(boyXboy)(SLOW UPDATE)
Aktuelle Literatur" Binigay at Ipinagkatiwala ko sayo ang LAHAT-LAHAT ng kung ano man ang natira sa pagkatao ko. Pero Winasak at pinagpira-piraso mo lang pala. Now, I don't even know where to start and how to pull those pieces of me back together. Tama nga ako, pare...