Dedicated sa kanya kasi siya ang sunod na person na naglagay ng story ko sa RL niya^^
Si kyle po pala sa right------>
Student na student di ba??^^
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Kyles' POV]
The following week ay naging busy na nga ulit si Kuya sa trabaho niya pero hindi naman niya nalilimutan na kamustahin ako from time to time. Ok lang naman yun sa akin dahil naging busy rin naman ako sa School, isang linggo rin kasi akong absent dahil na rin sa mga nangyari.
And what can you expect from a class??? the usual....BORING...hahaha..
Nagdi-discuss ang Clinical Instructor namin about Nursing Practices. At ako?
.
.
.
TULOG!!!(^_^) wala eh...hindi namanako tamad na estudyante pero sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ko talaga maiwasang matulog sa klase.
[Itay Ryans' POV]
Mabuti naman at nabigyan na rin ako ng pagkakataon ni author dito.Haaayy...alam ko dumarami ang galit sa akin dahil sa ginagawa ko sa anak ko. Pero pakinggan niyo muna ang side ko.
Andito ako ngayon sa isang lugar na halos araw-araw kong pinupuntahan na lingid sa kaalaman ng mga anak ko.
Ang alam siguro nila ay araw-araw na lang akong naglalasing pero ang totoo niyan ay hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako pumupunta dito.
Nakarating na nga ako sa lugar na pakay ko at tumitig sa naka sulat roon,,
In The Loving Memory Of
Angela Kim Mendez
Born: May 6, 19**
Died: July 12, 2***
Ang asawa ko, si Angela. Matagal na panahon na ang nakalipas pero MAHAL NA MAHAL ko pa rin siya.
Half Korean siya, Mayaman ang pamilya nila, they own various businesses here and abroad.At nung malaman nilang may balak kaming magpakasal ay tumutol agad ang pamilya niya dahil mahirap lamang ako.
Pero ipinaglaban namin ni Angela ang pagmamahalan namin at nag tanan. Itinakwil ng pamilya niya si Angela at tinanggalan ng mana.
Alam kong hindi sanay si Angel sa buhay niya kasama ko pero nakikita kong pilit niyang kinakaya para sa akin. Kaya naman nagsumikap ako upang maibigay kay Angela ang buhay na kinasanayan niya.
At dumating sa buhay namin si Bryan. Kitang- kita sa asawa ko kung gaano siya kasaya sa pagdating ng panganay namin, kaya lalo akong nagsumikap sa buhay.
Nagbunga naman lahat ng aking pagsisikap at unti-unti kaming nakaraos at nakapagpundar ng sarili naming negosyo.
Hindi nagtagal ay nabuntis muli si Angela pero nagkaroon ng kumplikasyon hanngang sa umabot sa puntong pinapili kami ng doktor: ang ipalaglag ang bata o ang ipagpatuloy ang pagbubuntis niya pero manganganib sila ng magiging anak namin.
Mahirap magdesisyon pero mas nanaig ang pagmamahal ko sa asawa ko kaya pinili ko siya.
Pero hindi pumayag ang asawa ko sa desisyon ko at ipinagpilitan niya na ipagpatuloy ang pagbubuntis niya. Pinagmulan iyon ng matinding pag-aaway namin. Pero sa huli, nanaig nanamn ang pagmamahal ko sa kanya kaya pumayag na rin ako.
Nung isinilang na niya ang anak nnamin ay nangyari na ang kinakatakutan ko. Hindi kinaya ng katawan ni Angela ang comlications at namatay siya.
Parang tumigil ang oras ng marinig ko ang balitang iyon. Wala na ang pinamamahal ko. Ang kaligayahan ko.
Humagulgol ako nun, walang pakialam sa kung ano ang sasabihin ng mga tao sa paligid ko.
Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung sana nagmatigas ako at mas pinili ko si Angela, siguro buhay pa siya, siguro kasama ko pa rin siya hanggang ngayon.
Inilapag ko ang mga bulaklak na dala ko sa tabi ng puntod niya at umupo sa damuhan.
"Kumusta ka na diyan mahal? Namimiss na kita. Walang sandali na hindi ka naalis sa aking isipan. MAHAL na MAHAL pa rin kita Angela"pagkasabi ko nun ay tumulo nanaman ang mga luha ko.
" Ang daya-daya mo kasi mahal, iniwan mo akong mag-isa. Sana isinama mo na lang ako kesa iniwan mo ako dito at patuloy na nagdurusa" umiiyak ko nang sabi. Wala akong paki alam kung may maka kita man sa akin.
"Alam mo mahal, habang lumalaki si Kyle, mas lalong napapansin ang pagkakahawig niyo. Kaya naman, hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit sa tuwing titignan ko siya.
"Nakikita kasi kita sa kanya, alam mo bang namana niya ang pagiging masayahin mo?" ngumiti ako ng bahagya doon.
"Pero ewan ko ba, sa tuwing tinititigan ko siya ay parang ipinaaalala niya sa akin na wala ka na, na hindi na kita muling makakasama, iyon at dala na rin siguro ng espiritu ng alak ang dahilan kaya madalas ko siyang masaktan."
"Mahal, nagiging makasarili na ba ako sa anak natin dahil sa ginagawa ko sa kanya?" patuloy parin ako sa pagkausap sa kanya.
"Pero hindi ko alam paano ako magpapakita ng pagmamahal sa kanya kung sa tuwing makikita ko siya ay bumabalik sa akin ang sakit ng pagkawala mo."
"Patawarin mo ako mahal kung nasasaktan ko ang anak natin sa ginagawa ko pero hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Kung sana naririto ka lang upang tulungan ako. Siguro nga nagiging selfish na ako pero hindi ko na talaga alam ang gagawin mahal, hindi ko na alam." umiiyak paring hinaing ko.
Hindi kko alam kung gaano katagal akong nanatili sa ganoong posisyon. Pagtingala ko ay nagdidilim na ang kalangitan at nagbabadya ng pag-ulan.
Tumayo na ako, umusal ng maikling panalangin at nagpaalam nna sa aking asawa.
Umalis na ako sa lugar na iyon at naghanap ng malapit na bar upang uminom upang panandaliang malimutan ang pangungulila ko sa aking asawa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
LAME!!! I know..pero wala talagang ayaw maki cooperate ng utak ko kaya yan lang talaga ang napiga ko mula sa kanya..babawi na lang po ako next time..Pero sana po vote at comment kayo para malaman ko kung may reader pa ba ako.^^.LOVELOTS guys.
_KyIel_
BINABASA MO ANG
_MY JOURNEY TO LOVE_(boyXboy)(SLOW UPDATE)
Tiểu Thuyết Chung" Binigay at Ipinagkatiwala ko sayo ang LAHAT-LAHAT ng kung ano man ang natira sa pagkatao ko. Pero Winasak at pinagpira-piraso mo lang pala. Now, I don't even know where to start and how to pull those pieces of me back together. Tama nga ako, pare...