Note:
Sorry po talaga kung hindi detailed ang pagkaka describe ko sa places sa Manila kasi ONCE pa lang po ako naka punta doon.hahaha..ewan ko nga kung bakit yun pa pinili kong setting eh...^_^..pero sana enjoy po kayo. Vote. Comment.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Kyles' POV]
After Three Days ng Pag-sakay sa barko, sa Wakas
.
.
.
.
.
Manila na!!!!hohhohoho
Naka daong na rin sa wakas ang barko sa pier sa Tondo, Manila.
After kong masiguro na kumpleto na ang mga gamit ko, nag paalam muna ako kila Ate Claire at Kuya Cesar, sa tatlong araw ko kasi dito sa barko ay naging kaibigan na ang turing nila sa akin.
"Ate, Kuya, maraming salamat ah, kasi kahit ilang araw pa lang tayong nagkakilala, hindi naging iba ang turing niyo sa akin." ang maluha-luha kong paalam sa kanila. Umaandar nanaman ang pagiging Emo ko eh.T.T
"Ano ka ba. Hindi ka naman mahirap pakisamahan eh. Tsaka, madali ka lang mahalin. Ang bait-bait mo kaya. Lika ng rito" maluha-luha na rin si ate Claire at sinenyasan akong yumakap sa kanya.
Agad naman akong lumapit kay ate at yumakap,doon ko na hindi napigilang mapaluha habang naka akap kay ate.
Si kuya naman na naka tayo sa bandang dulo ay lumapit sa amin.
"Oh tama na ang drama, baka di na tayo maka baba niyan" Ang sabi ni kuya upang pagaanin ang mood namin.
"At ikaw" sabay gulo niya sa aking buhok. " mag-iingat ka dito sa Manila ha. Huwag ka masyadong magtitiwala sa ibang tao. Hindi ito katulad sa probinsya." Pagpapaalala niya.
"Opo kuya, maraming salamat po" naka ngiti kong sagot kahit may lumuluha pa rin.
"Tsaka, huwag masyado sa lalake dito ha?madami pa namang tukso dito." biglang pang-aasar ni kuya.
=_=.Bigla naman akong namula dahil sa sinabi ni kuya. Sa tatlong araw kasi nami dito ay alam na nila ang sekswalidad ko at tanggap nila iyon. Kaya nga labis ko silang nakagaanang-loob eh.
"eehhhhhhh.....si kuya talaga. Wala naman akong hilig sa mga ganyan eh. tsaka, hindi yan ang ipinunta ko dito noh."
"Hahahaha...mabuti nang malliwanag. basta lagi kang mag-iingat dito ha. O siya, tara nang bumaba." yaya na sa amin ni kuya.
Kinuha na niya ang mga gamit nila ni ate Claire, tinulungan na rin niya akong dalhin ang iba ko pang gamit. gentleman talaga.^_^
------------------------------------------------------------------------
Pagkababa namin ng barko ay Nag Group Hug kami one last time. Nung mapansi ni kuya na maiiyak nanaman ako ay kumalas na siya sabay sabing.
"Mag da-drama nanaman tayo eh.hehehe...tama na nga to at pinagtitinginan na tayo oh" at tinuro niya ang mga tao sa paligid.
Natatawa na lang kami ni ate Claire at nag hiwalay na rin. Si kuya naman ay naka hanap na ng taxi na masasakyan nila.
May Sigurado na kasi silang mapupuntahan dito. May kaibigan kasi si Kuya Cesar dito na nag oofer sa kanya ng trabaho at doon sila pupunta.

BINABASA MO ANG
_MY JOURNEY TO LOVE_(boyXboy)(SLOW UPDATE)
General Fiction" Binigay at Ipinagkatiwala ko sayo ang LAHAT-LAHAT ng kung ano man ang natira sa pagkatao ko. Pero Winasak at pinagpira-piraso mo lang pala. Now, I don't even know where to start and how to pull those pieces of me back together. Tama nga ako, pare...