CHAPTER 1.5(Part 2)

199 7 0
                                    

NOTE MUNA:

SORRY po talaga kung feel niyo eh masyadong heavy ang drama sa mga first part ng kwento.  Eto po kasi ang naisip ko para ma-emphasize yung hirap ng bida eh..tska sorry sa approach ko sa pagsusulat ah..ahahaha..amateur eh..anyway, ilang chapters pa po siguro na ganito kaya sana please bear with me muna. I'll try to lighten the mood of the story little by little po as the story progress. aryt? Eto na po. continuation ng story ni Kyle.ENJOY!!

[ Picture po pala ulit ni Jake sa side..HAWT.HAWT noh??ahahaha]

Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang inamin ko ang lahat kay Kate at natuwa ako kasi mukhang wala nga talaga siyang pinagsabihan ng sikreto ko, don't get me wrong ha? hindi ko ikinakahiya ang pagkatao ko, it's just that ayaw ko nang lumaki pa ang issue na ito. Isa kasi ako sa mga consistent na honor students sa eskwelahan namin, and Jake is running for Class valedictorian in their batch(siya na talaga!!^^). Anyway, kapag kasi nalaman ng ibang tao feelings ko towards Jake, man! the news will surely spread like wildfire and I will be the talk of the School. At yun ang kinakatakot ko, hindi ang maaaring sabihin ng ibang tao kundi ang kung anong mangyayari sa akin kapag nalaman ng itay ang tungkol dito. kaya naman, I was so happy that Kate kept her promise......Or so I thought.

One Monday morning on my way to School, napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga estudyante, yung tingin na may halong malisya. Hindi ko na lamang pinansin ito at nagtuloy-tuloy sa pagpasok. 

Pagdating kko sa lobby ng eskwelahan, ay parang mas dumami pa ang tinginan at ngayon ay may halo nang bulungan coming from my schoolmates. May isang grupo ng mga babae ang umagaw ng atensyon ko dahil halatang sinasadya nilang iparinig ang pag-uusap nila.

Girl 1: Friend, diba, siya yun?

Girl 2: OO friend, grabe noh?hindi ko akalaing kaya masasabi niya yun noh? kayo ba?

Girl 3: Oo nga, tsk,tsk.tsk..sayang friend gwapo pa naman sana siya..crush ko pa nga sana eh..SAYANG!!

At sabay-sabay silang nagtawanan. Nagsimula na akong kabahan dahil sa narinig ko but I keep on brushing the thought away.  Minadali ko na lang ang paglalakad papuntang room. Sa lobby ng school ay may nakasalubong nanaman akong grupo ng kalalakihan  at katulad ng mga nauna ay bigla na lang nagbulungan pagkakita sa akin. Nang naka lampas na ako sa kanila ay sinadya na nilang iparinig ang kanilang pinag-uusapan.

boy 1: "Anong amoy yun dre?" sabay singhot pa sa paligid.

boy 2: " Oo nga noh? ang LANSA EH!!! parang amoy..."

b1&b2 : "AMOY SIRENA!!! AHAHAHAHA.." sabay na sabi ng dalawa at naki sali rin ang isa pa nilang kasama.

b3: "dre, alam niyo bang minsan ko na rin yan naka sabay sa paliligo sa shower room? akala ko STRAIGHT eh...tsk.tsk.tsk" at iiling-iling pa.

Sa puntong iyon ay napahinto ako sa paglalakad at kinabahan na. May alam na ba sila? paano? kanino? kelan pa? mga tanong sa isipan ko

Kinakabahan ako sa sagot sa mga tanong ko kahit mukhang may ideya na ako kung ano, kaya naman nagmadali akong  tumakbo papuntang room namin. Pagkarating ko dun ay nakita kong wala pa ang guro namin kaya hinanap agat ng mga mata ko si Kate not minding the malicious stares coming from my classmates. Nang hindi ko siya makita ay agad akong tumakbo palayo upang hanapin siya sa campus. I really want to talk to her right now, I want to know.

_MY JOURNEY TO LOVE_(boyXboy)(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon