[Note: Eto na po ang continuation ng drama...este ng story...ENJOY po.^^]
P.S.
Si kuya Bryan po sa side kapag nasa bahay..hahaha..what can you say?^^
Poverty entails fear and stress and sometimes depression. It meets a thousand petty humiliations and hardships. Climbing out of poverty by your own efforts that is something on which to pride yourself but poverty itself is romanticized by fools.
J. K. Rowling
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Halos isang linggo ko ring iniyakan ang pangyayaring iyon ng lingid sa kaalaman nila kuya. Sobrang down ko nung panahong iyon. I was betrayed by the person whom I thought was my friend and got humiliated by my first love in front of everyone. I feel so alone.
I kept on thinking," What did I ever do to deserve all those? kapag ba bakla ka na ay malandi na? ganun ba talaga ka-judgemental ang mga tao sa mga katulad ko? It's so unfair. Wala naman akong hinamak na tao ah. Tsaka my sexuality should not be their only basis to judge me, hindi naman ako masamang tao ah, nagmahal lang ako. Pero sa kaparehas ko lang ng kasarian at higit sa lahat, sa MALING tao. Bakit ba ang unfair ng buhay sa akin?"
Akala ko noon, doon na matatapos ang hirap ko na may kaugnayan sa aking pagkatao until that one fateful night.
FLASHBACK:
Tahimik kaming naghahapunan ni kuya nang bigla na lang *bbboooogggshhh!!*
(A/N: effect po yan ng binalibag na pintuan..di ko kasi alam ano ttalaga tunog eh^^)
Biglang pumasok si itay na pasuray-suray, halatang naka-inom nanaman, kaya naman napatigil kami ng kuya sa pagkain.
Pagkapasok ni itay sa kusina, napatingin siya sa akin at agad na naningkit ang kanyang mga mata. Naka dama naman ako ng takot sa inaasal ni itay, pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda.
Nang bigla na lamang lumapit sakin si itay at walang abog-abog na hinablot ako sa aking kwelyo patayo sabay damba sakin sa pader.
Gulat ang namayani samin ni kuya sa ginawa ni itay kaya walang nakapag-react sa amin ni kuya. Inilipat ni itay ang pagkakahawak niya mula sa aking kwelyo patungo saking leeg at duon niya idiniin ang kanyang mga kamay. Unti-unting bumababaw ang akking paghinga sa ginagawa ng itay ngunit mukhang wala siyang pakialam sa kung ano man ang mangyayari sa akin.
"Ahk...Ahk..I-Itay,tama *ahk* na po." ang tanging nasabi ko habang pilit na tinatanggal ang mga kamay ni itay saking leeg.
Doon naman mukhang natauhan si kuya at agad na dinaluhan ang itay at tumulong upang mahiwalay ako sakanya.
Napa bitaw na rin sa wakas si itay sa aking leeg at ako naman ay napa-luhod habang hawak-hawak ko ang ang aking leeg at naghahabol ng hininga.."Tay!!tama na!!ano bang problema niyo at parang mapapatay niyo na si bunso?!"narinig kong sigaw ni kuya kay itay.
"Hik! hako?! tina-tinatanong moh kung ano *hik* ang problema koh?! Eto!eto ang problema *hik* koh!" ganting sagot ni itay sabay kumawala kay kuya at sinipa ako, at dahil nga naka-luhod ako ay ang sikmura ko ang tinamaan. Napahiga ako at halos magpagulong-gulong na dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Tay!ano ba?! tama na yan!" si kuya sabay akap kay itay upang muli akong mailayo sa kanya. "Ano ba kasing problema niyo?"
"Anong prob*hik*lema ko?! bakit di mo subukang itanong diyan sa P*****I***g yan!" galit niyang wika at dinuru-duro ako. "G@go kang bata ka! BAKLA ka palang salot ka! dahil sayo*hik* napahiya ako sa mga kumpare ko l****e kang BAKLA! ako tuloy ang tampulan*hik* ng tukso doon ngayon dahil may anak akong bakla!" lintaya ng itay.

BINABASA MO ANG
_MY JOURNEY TO LOVE_(boyXboy)(SLOW UPDATE)
General Fiction" Binigay at Ipinagkatiwala ko sayo ang LAHAT-LAHAT ng kung ano man ang natira sa pagkatao ko. Pero Winasak at pinagpira-piraso mo lang pala. Now, I don't even know where to start and how to pull those pieces of me back together. Tama nga ako, pare...