CHAPTER 2- The Bond Between Brothers

188 6 0
                                    

Brothers don't necessarily have to say anything to each other- they can sit in a room and be together and just be completely comfortable with each other. 

~ Leonardo Dicaprio

============================================================

[Kyles' POV]

Pagkatapos ng insidenteng iyon ng pag-amin ko sa aking tunay na pagkatao ay mas lalo akong kinamuhian ng itay. Kapag may pagkakataon ay nasusuntok niya ako o kaya naman ay minumura pero pilit ko na lamang sinanay ang aking katawan upang tanggapin ang lahat ng iyon. Ang ipinagpapasalamat ko na lamang ay dahil sa pangyayaring iyon ay mas lalo kaming nanging close ni Kuya Bryan.

Kapag wala kaming klase ay yayayain ako ni kuya na mamasyal sa park o di kaya ay maglibot-libot sa bayan. Pero kadalasan ay sa bahay lang kami at kuntentong nanunuod ng pelikula. Those simple moments are really meaningful to me because those are the moments that I feel really loved and it's very rare to me that's why I always treasure our simple bonding moments.

Naging mas maalaga na rin sa akin si kuya. Lagi niya akong tinatanong kung ayos lang raw ba ako o kung may nararamdaman akong masama(seriously, minsan iniisip ko na OA na si kuya pero thankful ako sa mga ipinapakita niya sa akin.).

Lagi rin niya akong pinapayuhan about sa iba't-ibang bagay na may kaugnayan sa aking sexualidad. Nabanggit ko ba sa inyo na si Kuya ay isang Medicine Student?haha..hindi pa ba?well, there you have it. Kaya naman proud na proud ako sa kuya ko.

Kahit pagod sa schoolworks, kuya always make it a point na maka-usap ako at kumustahin. Minsan naman ay simpleng harutan lang kami sa bahay pagdating niya. And I can definitely say that the Bond between me and my Kuya grew stronger as the days pass by, he doesn't mind my sexual preference at all. He just understands me and guide me along the way.

Everytime that he hears some unpleasant comments coming from people around us who knows about my gender, he would immediately defends me and confronts those persons not minding who they were.

Kaya nga madalas siyang napapa-away dahil sa pagtatanggol sa akin. Kaya naman madalas ko siyang sabihan na huwag na lang pansinin ang mga taong yun. But everytime I tell him that, he would just simply reply, "ano ka ba, wala silang karapatang husgahan ka. Kuya mo ako kaya hindi ko hahayaan ang sino man na lait-laitiin ang pagkatao ng kapatid ko ok?" then he would smile at me. Kahit natatakot ako para sa kuya ko tuwing mangayayari iyon ay di ko mapigilan ang matuwa at isiping napaka-suwerte ko ko at nagkaroon ako ng kuyang katulad ni kuya Bryan.

(Present Time: Sa kuwarto ni Kyle)

Hayyyyyy!!!!!! grabe ang mga pangyayari sa buhay ko noh? Pang MMK na ba?hehehe...Kahit na hindi ako tanggap ng itay ay lagi namang andiyan si kuya para sa akin kaya thankful parin ako. 

At eto ako ngayon, naka ratay nanaman sa kuwarto at halos hindi maka galaw dahil sa sakit ng katawan ko at pati ulo mukhang sumasakit na rin dahil sa dami ng flashback ko..hehehe..kaya itutulogko muna to...

.

.

.

.

.

.

ZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz....................................

[Bryans' POV]

Dahan-dahan na akong pumasok sa kuwarto ni bunso dala-dala ang sopas na niluto ko para sa kanya at  mga gamot nang nakita ko siya na naka-higa na. Kahit mukhang payapa ang pagtulog niya ay halata mo pa rin na may iniiinda siyang sakit. Hayyyy...kasalanan ko ito, kung hindi lang sana ako nahuli sa pag uwi galing trabaho, e di sana naagapan ko ang nangyaring ito. Bumuntong hininga na lamang ako sabay labas ng silid niya, siguro bukas ko na lamang siya papainumin ng gamot kapag gumising na siya. Pihadong bukas pa niya mararamdaman ang epekto ng mga tinamo niyang bugbog.

_MY JOURNEY TO LOVE_(boyXboy)(SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon