Maiksi lang po ito kasi po continuation po ito ng Chapter 3..hehehe..ENJOY po^^
“Crying is all right in its own way while it lasts. But you have to stop sooner or later, and then you still have to decide what to do.”
― C.S. Lewis
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Kyles' POV]
Isang araw, late na kaming na dismiss ng prof namin, kelangan kasi naming tapusin ang last topic para sa subject niya kasi mawawala ng isang buwan ang prof namin.
Kaya nagmamadali akong maka uwi dahil baka magpang abot nanaman kami ng itay. Ayaw kong mabugbog nanaman. Kaya mula sa sakayan ay lakad-takbo ang ginagawa ko upang mas mapadali ako sa pag-uwi.
Isang liko na lamang at nasa bahay na ako, kita ko na nga ang bahay namin mula sa pwesto ko nang biglang napahinto ako dahil sa dalawang taong nag-aaway sa may kanto.
"Ano ba Anna?! talaga bang hindi mo ako naiintindihan?!" Sigaw ng boses na pamilyar sa akin.Medyo madilim kasi sa pwesto nila kaya di ko maaninag ng maayos.
Kaya naman nagtago ako sa likod ng isang poste na di kalayuan sa kanila upang mapagmasdan silang mabuti. At tama ng ako, si Kuya Bryan yung lalaking nagsalita.
Ano kayang ginagawa ginagawa niya duon at bakit siya sumisigaw?
"Naiintindihan?! P*****I*a Brye!!! Naiintindihan kita pero itong sitwasyon ko sana naman intindihin mo!!" Pinagmasdan kong mabuti kung sino yung kausap ni kuya at napagtanto kong si Ate Anna pala yun, Nurse dun sa hospital na panagtratrabahuhan ni kuya, na meet ko na siya once nung isinama ako dun ni kuya.
"Bryan BUNTIS ako!!!!" Nagulat ako sa sinabi ni Ate Anna, so buntis pala siya?!
"Pero Anna, sigurado ka bang---Paanong??" Si kuya, bakas ang pag-aalala,pagkalito at lungkot sa mga mata niya.
"Wag mo akong tanungin nga ganyan Bryan dahil alam nating dalawa kung paano nabuo ito!!"
"But--it only happened once!!how can you be so sure na akin yan!!" Si kuya sabay sabunot sa buhok niya, alam kong kapag ganyan na ang inaakto ni kuya ay Frustrated na siya.
"SO pinagdududahan mo ako ngayon?" Kitang-kita ang sakit sa mga mata ni Ate."Alam mong ikaw ang una Brye at sayo ko lang binigay ang lahat at eto pa pala ang isusumbat mo sa akin??"
"Anna, it's not like that, it's just---" pinutol ni ate ang sasabihin sana ni kuya.
"Tama na brye, I don't wanna hear your explanations, kaya lang naman ako pumunta dito ay para ipaalam sa iyo ang kundisyon ko at umasang panagutan mo ang responsibilidad mo. Pero nagkamali ako, isa kang DUWAG bryan, DUWAG KA--"
"HINDI AKO DUWAG!!!!" napalakas ang sigaw ni kuya kaya nanahimik si ate. bigla namang napalitan ng lungkot ang ekspresyon sa mukha niya. "Alam mo naman ang sitwasyon ko diba? kelangan ako ng pamilya ko."sabi niya sa mababang tono.
"At kelangan ka rin ng magiging anak mo Bryan!!! sana isipin mo rin yun!!!"
"Anna intindihin m---"di natapos ni kuya ang sasabihin niya ng sinampal siya ni Ate!
"Ako sana ang INTINDIHIN mo Bryan! Kapag nalaman ng pamilya ko na buntis ako at walang maipapakitang ama, ITATAKWIL nila ako!! Kaya mahirap bang intindihin ang gusto ko na panagutan mo ako?! Yun lang naman bryan eh!" lintaya ni ate.
BINABASA MO ANG
_MY JOURNEY TO LOVE_(boyXboy)(SLOW UPDATE)
Fiksi Umum" Binigay at Ipinagkatiwala ko sayo ang LAHAT-LAHAT ng kung ano man ang natira sa pagkatao ko. Pero Winasak at pinagpira-piraso mo lang pala. Now, I don't even know where to start and how to pull those pieces of me back together. Tama nga ako, pare...